CHAPTER 30

481 11 0
                                    

DAMINA'S POV


PIKIT-MATA kong kinapkap ang phone sa bulsa ko pero wala akong makapkap kasi parang walang bulsa ang suot ko ngayon.

Idinilat ko ang isa kong mata at tiningnan ang aking suot. Nakasuot na ako ng puting damit. Kaya pala wala na akong makapkap na bulsa kasi over-sized t-shirt itong suot ko. And then, I remember last night. Napangiti ako. It was a sweet-hot night to remember.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ulit ang tunog ng phone ko. Tunog pa rin ng tunog ang phone at hindi ko alam kung saan ko nailagay iyon.

“Here's your phone, babe. Someone is calling.” biglang sabi ni Cali.

Ibinuka ko ang dalawa kong mata at tiningnan siya. Nakatayo siya sa gilid ng kama. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa tray ng mga pagkain habang ang isa ay may hawak na phone at nakaabot sa akin.

Kinuha ko ang phone. “Thank you...” namamaos ang boses kong pasasalamat.

Sinagot ko ang tawag. “Hello?” bungad ko.

Tiningnan ko si Cali na inilagay ang tray sa ibabaw ng bedside table. Tumagilid ako ng higa.

“Hello, Mina.”

Sa pangalan palang na itinawag niya sa akin ay alam ko na kung sino ang tumawag kahit hindi ko na tingnan ang screen.

Kinuha ko ang isang unan at inilagay sa gitna ng mga tuhod ko. “Yes, Regie? Napatawag ka?”

“Gusto ko lang magpaalam sa iyo.”

Inilagay ko ang isa kong kamay sa hita ni Cali nang umupo siya sa kama. “Paalam? Saan?”

“May kaunting pagsasalo kasi sa bahay at inuutusan ako ni mama na dalhin kayo roon, but you're not here, kaya naisipan kong si Ivy at ang mama mo nalang ang dalhin ko. Okay lang ba?”

“Okay lang, Regie. How about you? Okay lang ba sa iyo? Alam mo na, kailangan ni mama ng may kaagapay sa lahat.”

Nginitian ko si Cali nang tumingin siya sa akin.

“Tinatanong pa ba iyan, Mina? You already knew that when it comes to your mother or in any members of your family, I always do my very best to take care of them.”

“Alam ko. Matagal na. I always trust you, Regie.”

“So that's it. Iuuwi ko sila agad after the celebration.”

“Huwag na. Ako nalang ang pupunta riyan. Susunduin ko sila.”

“Okay. Alis na kami. Bye.”

“Sige. Mag-iingat kayo palagi.”

“Opo.” tugon niya at pinatay ang tawag.

Napangiti ako. Kahit gaano ko na ka-close si Regie at kahit gaano na siya ka-welcome sa family namin ay palagi pa rin siyang dadaan sa akin upang humingi ng pahintulot. He never abuse the closeness we had. He just not respect my way of living, he also respect my family, my decision and everything related to me.

“What's with that smile?”

Napatingin ako kay Cali. Salubong ang  mga kilay niya.

“Why?”

“Who's Regie?”

Bumangon ako at sumandal sa headboard. “Kaibigan ko. Naalala mo pa ba 'yong kasamang lalaki na kasayaw ko noong unang punta mo sa bahay? He was Regie. I already introduced you to him.” sagot ko.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now