CHAPTER 35

459 13 0
                                    


7 YEARS LATER...


DAMINA'S POV


“Kumusta na ang mommy cowgirl dito?” agad na bungad niya.

Kararating niya lang galing sa syudad. Tumawa ako at inilagay sa mesa na nasa harap ko ang isang damit na tinatahi ko. Nandito ako ngayon sa beranda habang tinatahi ang aking damit.

“Ito pa rin hahaha. Magkamukha na ba kami ng baka at kalabaw?” natatawang tugon ko.

Tumawa rin siya at lumapit sa akin. Hinalikan niya ako sa noo. “Malapit na, Mina. Malapit na kayong magkamukha ni Akayra.” tukoy niya sa kaniyang kabayo.

“Speaking of Akayra, malapit na siyang manganak. Next week siguro.” saad ko.

“Really? Can I see her?”

Tumango ako at tumayo. Naglakad kami palabas sa gate na yari sa kawayan pero bago kami makalayo ay napatawa ako nang bahagya nang marinig namin ang sigaw niya.

“DADDY! UMUWI KA!” sigaw niya.

Napalingon kami ni Regie at nakita siyang mabilis na tumatakbo papunta sa amin. Napahawak ako sa likod ni Regie nang napaatras siya dahil sa biglaang pagyakap niya.

Tumawa si Regie at niyakap siya pabalik. “Oo naman. Umuwi ako para sa iyo. Naging mabait ka ba rito?” nakangiting tanong ni Regie.

“Opo. Tinulungan ko si mama sa pag-aalaga riyan sa Akayra mo. Ang sungit pa, Daddy. Sinipa niya ako.”

Napatawa ako sa sinabi niya. Akala ko noon wala ng bukas magmula nang mawala sila. Akala ko hindi na ako makakabangon pa.

Not until this little boy came in my life.

I thought my son was a curse because when he came, the two important persons in my life disappeared. I always believed kung bakit may darating pa kung may mawawala rin naman.

Little did I knew, he's a blessing and he came to give color in my gloomy life. To give me purpose why I'm living. He came to build me again. He came so that I have someone to hold on. He came so that I am not alone to fight this battle of life and to play this game called life. He came in timing. He make me whole again. He make me heal. He fill the emptiness in me. He make my life complete. He make me complete, not just as a woman....but as a mother as well.

“Woah! Talaga po? Bumili ka talaga ng bike? Nasaan? Nasaan?” mahihimigan sa boses niya ang excitement.

Matagal na niyang hiniling na magkaroon ng sariling bike. At pinangakuan siya ni Regie na bibilhan siya nito kung magiging mabait siya. And seems like someone's wish is being granted with this Superman.

“Yeah. Iyon ang pangako natin eh. Kunin mo. Nasa trunk ng sasakyan. Tawagin mo si Manong John. Patulong ka sa kaniya.”

“Opo!” bulalas ng anak ko at mabilis na tumakbo palayo.

Nakangiti kong tinanaw ang anak ko.

Yibo Esmael. I never thought I could be this happiest just by seeing you everyday healthy and smiling. Thank you for making me the happiest, Anak. Thank you for making me brave. Thank you for giving me strength at times where I needed it most. I never imagined that you'll grew up this fast. Thank you for giving me directions to move forward. And thank you for being my little moon. You light my darkest path.

Nilingon ko si Regie na ngayo'y nakangiting nakatanaw sa papalayo kong anak.

“You always pamper Yibo.” saad ko.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Where stories live. Discover now