Kabanata 1

8.1K 177 6
                                    

Kabanata 1

The beast

“Maggie?!”

Tinitigan ko lang ‘yung lalaking tumatawag sa akin ng Maggie. Napapikit pa siya ng madiin bago ulit ako tawagin sa pangalang  Maggie. Sa pagdilat niya siyang dating naman ng isang pang lalaki?!

“Newt! I told yah not to go anywhere! You’re drunk!” Agad na inalalayan nung lalaki itong bumangga sa akin.

“Marco, I’m not drunk!” Humalakhak iyong lalaking nakabangga sa akin at inakbayan itong si Marco na sinasabi niya. Pumikit itong si Newt at biglang nilapit ang mukha sa tenga ni Marco. Ohgod! “Maggie’s here,” narinig kong bulong niya doon kay Marco.

Bigla akong naistatwa sa pagkakahiga dahil tumingin si Marco sa akin. “OMG!” Inalis ni Marco ang pagkakahawak kay Newt at lumapit sa akin. Agad niya akong pinaupo at inalalayan sa likod. “Are you okay?” Iniaayos pa niya ang palda ko dahil nakikitaan na ako. Napatingin tuloy ako kay Newt na nakatingin sa hita ko. O, god! Awtomatiko akong napatayo at inayos ang sarili ko.

“Nice thighs, Mags,” ani Newt at saka ngumisi. Napalunok ako roon at agad na napaatras.

“Newt!” Pinalo nitong si Marco si Newt. “She’s not Maggie! Come on!” Pinalo pa niya ito sa braso at pinisil. What’s that?! Napatingin na lang ako kay Newt na napapikit ng mariin pagkatapos ay binuksan ang mata at tumitig sa akin.

Anong meron?

Lumapit si Newt sa akin at iniwan si Marco. Gusto kong umatras ngunit hindi ko magawa dahil nanunuya ang tingin niya sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang paa ko paataas sa aking ulo. At dumestino na ang tingin niya sa aking mukha. “Not Maggie?” aniya at nilagay ang kamay sa gilid ng aking leeg. Bumaba ang hawak niya sa aking balikat kaya nanindig balahibo ako. Napaatras na ako sa kanya at hinawi ang kamay niyang nakalagay sa aking balikat.

“I’m not Maggie. At hindi ko kayo kilala,” madiin kong sagot. I keep a straight face to him.

The man named Newt wiggles his brows to me. “Oh?” aniya. Newt smirked at me. “No girls can refuse my touch.” Pinagdaop niya ang dalawang kamay pagkatapos nilagay sa kanyang batok.

Napanganga na lang ako kung paano niya pagmalaki ang kakayahan niyang ito. Yes, he’s good looking. Gwapo. Attractive. Pero hindi ako kaagad nadadala sa ganito. Sobrang nakakaakit ang kanyang mata. Napapalunok ako kung gaano kaganda ang tindig niya at katawan. Kung manamit naman siya’y lalong nakakaakit dahil sa V-neck niyang shirt na yumayakap sa kakisigan niya. Bakit ko ba pinapasadahan siya ng tingin?!

“Pasensya na po pero wala talaga sa akin ‘yun.” ani ko. Inayos ko ulit ang aking sarili. Tinignan ko si Marco bilang paggalang na ako’y aalis na. Naglakad na ako palayo sa kanila pero biglang sumigaw si Marco sa akin.

“Nawawala ka ba?” Tumakbo siya at hinawakan ang balikat ko. “Kasi ‘yung suot mo…mukha kang umalis sa inyo?” Pinaharap ako ni Marco sa kanya.

Don’t talk to stranger, Janella. Hindi mo sila kilala kaya lumayo ka na lang. Magsinungaling ka na alam mo ang lugar na ‘to.

“Hindi…alam ko. Diyan lang ‘yung bahay namin!” Inalis ko ang hawak niya sa akin. At may tinurong gusali. Napalunok ako sa tingin niyang hindi nakukumbinsi sa pagsasalita ko. “Totoo! Doon lang!” Umiwas ako ng tingin at naglakad na. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko. Wala na akong narinig pagkatapos. 

**

Ramdam na ng paa ko ang pagod. Pagabi na rin at wala pa rin akong matutuluyan. Wala akong gamit o anuman. Mayroon akong pera sa bulsa ng dress ko pero hindi ko alam kung sapat iyon para makaupa ako ng matitirhan dito sa lugar na ‘to.

Napapansin kong tinitignan na rin ako ng ilang tao sa paligid ko dahil pabalik-balik lang ako. Pero noong bumalik ako kanina doon sa lugar na nakaharap ko si Marco at Newt ay wala na sila roon. Mabuti na nga lang dahil baka mabuko nila ako na nagsisingnungaling lang ako na alam ko ang lugar na ‘to. Umalis na ako ng kinalalagyan ko at naglakad paalis roon ngunit biglang nahagip ng mata ko iyong isang anunsyo.

Wanted: Waiter

Napapunta agad ako roon at binasa. Napatingin ako sa lugar kung saan nakadikit iyong anunsyo. Napakagat ako ng labi nang makita iyon dahil sa harap ay may dalawang bouncer na nakatayo. Sa loob nama’y kita mo ‘yung kulay pula, asul, at berde na pumapaligid. May musika ring malakas na pinapatugtog.

Kailangan pa ba ng waiter dito kung magkakagulo lang iyong tao sa loob?

Pero kailangan ko ng pera para mabuhay dito at kailangan kong kunin ang opportunity na ‘to para magkatrabaho. Ito na rin ang magiging daan ko para makita ang Mommy ko. Kinuha ko iyong papel pero napahinto ako sa pagpasok sa loob nang harangan ako ng dalawang naglalakihang bouncer.

“Anong kailangan?!”  madiing sabi nung isa sa mga bouncer.

Napaatras at napangiwi agad ako.

Nanginginig kong pinakita iyong papel na may nakalagay na Wanted: Waiter.

Tumango iyong hindi nagsalitang bouncer doon sa nagsalita. Bigla nila akong binigyan ng daan para makapasok sa loob. Pero noong nakapasok ako’y bigla na lang ako napaatras sa nakikita ko. Parang gusto kong umurong na lang sa nakikita ko. People keep dancing. Napakalakas ng tugtugan at may hiyawan pa. What is this place? Tumingin ako sa kaliwa at napalaki ako ng mata sa nakikita. Oh my God, they should get a room. Napapikit ako at bigla kong naalala iyong nangyari. Iyong panloloko ni Jon sa akin at ni Celine. Napatingin ako sa kanan para umiwas.

Breathe, Janella. Breathe. Jon is nothing but a stupid guy for you.

I opened my eyes. Mahigpit kong hinawakan itong papel sa kamay ko. Tumingin ako sa paligid at nakita iyong isang lalaki. Bartender! Sa kanya ako magtatanong tungkol dito sa trabahong kailangan nila.

“Excuse me…” Napakagat ako ng labi habang dumadaan sa mga taong ito na hindi yata pansin ang paligid. “Teka…padaan po.” Ilang beses natamaan iyong balikat ko dahil sa mga sumasayaw. Minsan yung paa ko rin natatapakan pero hinahayaan ko na lang. Nakarinig pa ako ng mura noong ako naman ang nakatama. Naka-focus kasi ang tingin ko sa bartender.

Mga dalawang hakbang na lang ay makakarating na ako doon sa pwesto nang bartender nang may biglang may humatak sa akin. “Wait…” he said grinning. I gasped when his hands run in my shoulder down to my waist. Agad niya akong kinulong sa kanya. I couldn’t say anything. I looked at him in horror.

Newt! Itong iyong lalaki kanina na napagkamalan ako kung kanino kanina!

“The beast got his beauty…”

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now