Kabanata 3

6.8K 144 2
                                    

Kabanata 3

Ayoko

Kusang pumasok ang katawan ko sa loob ng kotse. Umandar agad ito. Napaawang ang bibig ko sa asta ni ate Jam sa akin. Akala ko ba iuuwi niya muna ako sa apartment niya? Pero ano ‘to? Bakit nag-iba agad ang desisyon niya? Akala ko makakatulong siya sa akin? Akala—Pero ano nga ba ang talagang pakay ko rito? Ni minsan nga hindi ko sinagi sa aking isipan na may ganito? Na may makakatagpo sa aking may kakilala sa akin. Kaya hindi pwedeng mapasunod na naman ako nito? Ikukulong ko na naman ba ang sarili ko sa desisyon ng ibang tao? Can I make my own decision?

“No…ate Jam,” Agad akong tumingin sa kanya. “Stop the car.” I gulped. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. This is new to me. Ganito pala pakiramdam na you’re against at somebody. Na hindi mo gusto na gawin ang gusto niya.

“What?” angal ni ate Jam ngunit hindi pa rin pinapatigil ang kotse. Nakita ko ang paghigpit ng hawak niya ng manubela. Lalo akong napalunok. You can do this, Nella.

“Itigil mo ‘tong kotse. Ayokong umuwi. Ayoko.” I shook my head. I keep a straight face. Go, I cheered myself. “Itigil mo na…ate…kung hindi!” Tumaas ang aking boses. Napakagat ako ng aking pang-ibabang labi. Tumingin naman si ate sa akin. Hinawakan ko iyong sa gilid ng kotse.  Ate Jam’s mouth parted.

“Anong gagawin mo?!—Shit—“ And I opened the car’s door and jumped. Naramdaman ko agad ang ilang gasgas sa aking tuhod at sa aking braso. Napangiwi ako nang huminto ako sa paggulong.

Bigla na lang talaga pumasok sa isipan ko na ‘to. Kung hindi papahintuin ni ate Jam ang kotse ay bababa ako kahit umaandar ito.

“JANELLA!”  Ate Jam roared.

I lie down still. Naramdaman ko agad ang lamig ng lupa sa aking likod. I wince at the pain on my knees and my arms. Pero nanatili akong nakahiga at pinagmamasdan ang langit na puno ng bituin.

Ate Jam shouts my name, twice. Pero hindi ko siya binigyang pansin. I want her to say that I’m going to stay here. Na hindi ako uuwi ng San Mateo. Ayoko…ayoko.

“Janella! Tumayo ka na nga dyan!” Hindi ko tinitigan si ate. Nanatili pa rin akong nakatingin sa langit. No…no. Kung hindi niya sasabihin na mananatili ako rito, hindi ako tatayo! “Isa, Janella! Tumayo ka na! Baka may dumaan pang sasakyan dito,” iritang sabi ni ate. Umiling lang ako sa kanya.

Dapat pumayag na siya. Ayokong umuwi sa amin.

“OKAY!” Napatingin ako kay ate. “Oo na! Hindi na kita iuuwi! Basta tumayo ka na dahil baka masagasaan ka!” Dali-dali akong tumayo. Hindi na napigilan ng labi ako ngumiti sa narinig ko sa kanya. Napayakap ako at nagtatalon sa balitang iyon.

“Salamat, ate! Salamat!” Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Salamat dahil hindi na ako uuwi sa San Mateo ngayong araw.

Kumalas si ate Jam ng yakap sa akin. Umirap siya at sumeryoso ang mukha. “Fine. Let’s go home.” Kinuha ni ate ang kamay ko at hinatak papunta sa kotse. Binuksan niya ang pinto ng kotse at hindi mawala ang ngiti ko.

Pumasok ako sa loob at tinititigan si ate. “Salamat.” Ani ko noong sumakay siya. Pinaandar niya ang kotse at umiling sa akin. She scowled. Pero wala na siyang magagawa kung hindi idiretso itong kotse sa apartment niya.

Patingin-tingin ako sa paligid noong bumabyahe kami. Kung sa  San Mateo ito iilang ilaw na lang ang nakabukas. Pero dito…dito kung saan man ‘to, ang liwanag ng bawat establishment.

Mga kalahating oras iyong byahe bago ihinto ni ate Jam ang kotse. Ako na ang nagbukas ng pinto ng kotse at agad ko siyang sinundan. Napatingin ako sa paligid at huminto pala kami sa isang compound? May isa itong gate at may mga 7 na bahay na kakasya ang tatlong tao sa bawat isa? O depende sa pananaw kung ilang ang magkakasya?

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now