Kabanata 22

4.5K 115 11
                                    


Kabanata 22

Don't like it


Hindi ko makuhang matignan si Conrad sa nakuha kong sagot sa kanya. I am really confused. Sa mga araw na 'to parang iba si Conrad. Hindi niya ako sinisigawan. Hindi siya nagagalit sa akin ngayon. Ilang beses na akong nagkakamali sa mga batas na mayroon siya ngunit parang kakaiba.

Napalunok ako nang pindutin ni Newt ang door bell. My muscles tensed at the thought of meeting new people. Nanlamig ang buong sistema ko nang may naramdaman akong kamay sa aking likod. Tinignan ko si Newt ngunit tutok ang kanyang atensyon sa pagpindot sa door bell. Iyong isang kamay niya nasa kanyang bulsa habang iyong isa'y pinangpipindot niya. Lalo akong nanlamig sa naisip ko. Papatingin na sana ako kay Conrad nang bumukas ang gate at sumalubong ang dalawang babae sa amin.

"Hey! Hey!" panimula ni Newt.

My back arched for seconds but I straighten immediately when Conrad's hand didn't touch my small back anymore. Nanginig ang labi ko kaya kinagat ko ito sandali. Gustong pumikit sa nangyari ngunit hindi ko magawa nang maramdaman ko ang titig nung dalawang babae sa akin lalo na 'yong isa. The girl is wearing a gray ripped jeans and a disaster top, I don't know how to describe her top. Iyong bandang dulo kasi nito'y parang ginupit-gupit. But one thing I know, she's gorgeous even though she has this resting-bitch face right now on me. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko sa aking likod. Hindi naman mainit 'tong floral clothes ko. Uhm...ano ba 'tong kaba na 'to?

"H'wag mo naman titigan ng ganyan ang girlfriend ko!" Nabigla ako nang akbayan ako ni Newt. What? Ano raw? Girlfriend? What? Nag-panic ako sa loob ko sa narinig ko kay Newt. Dapat alisin ko na ang kanyang kamay sa aking balikat!

Ngunit nawala ang pagkataranta ko nang makita iyong babae na hindi ko alam kung welcome ba o hindi ako sa party na 'to na nakatingin sa pwesto ni Conrad. Pasikreto akong sumilip sa gilid ng aking mata para makita kahit papaano ang kinikilos niya ngunit sabay pa yata kaming nagulat sa akto na nangyari.

"Nice party, Leigh," ani Conrad at tuluyang pumasok sa loob. Napatitig na lamang ako sa likod ni Conrad hanggang na nawala na ang atensyon ko sa kanyang nang marinig na magsalita iyong isa namang babae.

"She's so pretty though," ani nitong babaeng na nakasuot ng ripped jeans shorts and a top crop. And same with her sentiment, I would like to say she's pretty, too. Lalo pa siyang gumanda nang ngumiti siya sa akin. "Hi, I'm Lana. Nice to meet you. I bet you're a model?" Inusisa niya ako mula ulo hanggang paa.

I nodded. And I didn't even know if they heard me say my name. "Hello," ani ko. Nawa'y narinig nila ako. Kailangan kong makabawi. "Janella," I said and this time was louder. Hanggang ngayon ramdam ko ang kamay ni Newt sa akin. Kailangan ko ng matanggal ito! Baka pagkamalan talaga nila! "At hindi ko siya boyfriend." Biglang bumitaw si Newt at tinuro ko siya pagkatapos. Nalaglag ang panga nung Leigh sa sinabi ko. Tumawa naman si Lana hanggang saluhan na siya ni Leigh.

"Nice, Janella. Mas better ka naman sa iba kaysa sa manyak na 'yan!" tuwang-tuwang sabi ni Leigh.

"Uy! Uy! Leigh! Baka ma-turn off si Janella sa akin sa sinasabi mo!" Naaligaga si Newt. Wait, biro lang naman 'yon, 'di ba? Mabilis na humarap si Newt sa akin at dumepensa, Princess...please play deaf just for now. I don't want you to hear all the bad things that Leigh is throwing at me. You know, I'm a good boy." Hinawakan pa nito ang aking kamay ngunit pinigilan ko ang sarili kong mangiti.

"Kahit kailan talaga Newt! Galawan mo pang manyak talaga!" asar ni Leigh at patuloy ang pagtawa.

Pinatili ko ang sarili ko na hindi matawa at tignan na lamang sila.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon