Kabanata 29

4.4K 119 4
                                    

Kabanata 29

Maling-mali


"Hindi ka pa nagugutom?" ani Levi at umupo sa tabi ko.

Tumingin ako sa kanya at umiling. "Uhm. Hinihintay ko si pa si Marco," ani ko at inalisan siya ng tingin. Tinignan ko ang kamay kong nakapatong sa aking lap. Tanghalian na rin naman kasi kaya nag-aya na si Levi. Katatapos lang din namin magshoot dito sa studio—sa shop. Dalawa na lang kaming naiwan ni Levi dito. Iyong ibang models umuwi na. Si Marco naman may natanggap na tawag at nagmamadaling umalis. Si Grace nama'y wala na sa EVAF kasasabi lang sa akin ni Marco kahapon. Si Conrad naman ay 'di pa pumapasok.

"Magugutom ka niyan," natatawang sabi ni Levi. "Sumabay ka na. Text ko na lang si Marco na sumabay ka sa akin sa pagkain. Paparating naman na iyong iba para sila na dito sa shop." He winked at me. "Don't worry, it's my treat. Tara na." Pinatong ni Levi ang kamay niya sa aking kamay.

Nabigla ako dahilan para mapatayo na lang. "Oh! Sige! Basta i-text mo si Marco! Saka sayang din libre mo!" Kinindatan ko siya ng pabiro at natawa na lamang si Levi sa akin. Tumayo na rin siya ngunit umiling-iling pa rin.

"Lead the way," anito. Tumango ako at nag-umpisa nang maglakad. Narinig ko ang pagsunod niya sa akin. Bumaba kamin hagdan hanggang sa makalabas kaming shop. Nang makalabas ay sumabay na si Levi nang paglakad sa akin. "Ano bang gusto mo?" tanong niya. Lumingon ako sa kanya ng saglit at tinuon muli ang atensyon sa daan.

"Uhm...Ikaw bahala! Ikaw man lilibre!" Napatawa ako.

"Well...do you have particular food to eat? Mahirap na baka may diet kang sinusunod...'di ba?" aniya.

"Wala naman. Kahit ano naman pwede e," sabi ko.

"'Yan ang gusto ko! Kahit saan," ani Levi. Napatingin muli ako sa kanya at siyang kindat niya sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at bigla kaming nagmamadaling maglakad. Ilang fastfood chain na rin ang nadadaanan namin ngunit ni isa doon hindi kami huminto.

"Uhm, Levi. Kahit saan 'dyan okay lang. Uhm..." Hindi ko na madugtungan. Biglang gumapang ang hiya sa akin. Hindi naman kailangan sa sosyal o kung ano man. Kahit saan lang okay lang talaga.

"Malapit na tayo. Favorite namin kainan 'to ng kapatid ko..."

Tumango na lamang ako.

**

Hindi ko alam kung nakakailang dighay na ako. Hindi ko inaasahang dadalhin ako ni Levi sa isang Eat-All-You-Can Resto. And to tell him something embarrassing, first time kong makakain sa ganitong restaurant. Oh...Marami-raming taong kumakain sa doon. Mabuti na lang may table pa para sa aming dalawa. Sinabi niya lahat ng paborito niyang pagkain at halos lahat yata sinubukan kong tikman. Naging paborito ko nga kaagad iyong mga inalok niya sa akin. Favorite ko iyong Kare-Kare saka iyong lahat ng seafood dishes na mayroon iyong restaurant. Grabe. Masarap. Sobrang sarap.

Papalakad na kami pabalik sa shop.

"Thanks, Levi! Lalo na sa pagturo kung paano kainin iyong ginataang kuhol! Saka nung alupihang-dagat!" Ngiting-ngiti kong sabi nang lingunin ko siya pagkadighay ko ng sikreto.

Nilingon naman ako ni Levi. "Konti ka lang pala kumain! Pero sulit na sa 'kin kasi nagustuhan mo 'yong gusto namin ng kapatid ko."

"Weh! Dami na kaya nun! Saka mabuting matikman mong 'yong lahat kaysa madami nga bawat isang pagkain hindi mo naman natikman lahat!" ani ko.

Tumawa si Levi sa akin. "Good point. Nabusog ka ba talaga?"

"Oo naman! Sobra! Thank you! Sa susunod ako naman manlilibre!" suhestyon ko.

Fall and Chase (ML, #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora