Kabanata 25

4.9K 136 13
                                    

Kabanata 25

Temporary


The whole Velez team is busy.

Particularly, Grace's team for the upcoming Fashion Show.

Sa mga nagdaang araw, halos hindi mo makuhang makausap sina Marco, Ms. Ericka, Grace, Conrad, Levi, at iyong iba pang staff ng Velez team sa sobrang pagkaabala sa darating na show. The show is mainly about Grace Collection. Ilang shoot din ang nangyari para sa advertising nitong mga nakaraang araw.

We're on EVAF today. Nasa office ni Marco.

"Okay, that's settled. Okay," I heard Marco said over the phone. Napasandal siya sa swiveling chair niya at napahawak sa sintido. "Oh Gods." Pumikit siya ng mariin. Ngunit tumunog ang telephone na mayroon siya sa kanyang table. I heard him scowled. Napatalon ako sa gulat. Bigla naman siyang napatingin sa akin. "Oh dear, I'm sorry," he said and winked.

Umayos ako ng upo sa couch.

Tumango na lamang ako dahil sinagot na ni Marco ang tawag. "Yes. Is Rina available for that day? I told her about the sound designer for the event?" he asked. "Okay. Okay. I know it. You need to ask the Green Sun about it. Oh...yes, the public relation and marketing team. Yes." Ilang tango ang ginawa ni Marco sa kanyang kausap sa telepono."Tomorrow night. I'll be there at Green Sun to check everything. Okay?" huli nitong sabi bago ibaba ang telepono.

"Everything's all right?" I asked. Binaba ko ang magazine na hawak ko.

"Oo naman," ani Marco, sabay tawa. "Ikaw okay ka lang? Mamaya susunduin ka na ni Conrad para sa last shoot for Grace Collection. Don't be nervous about the show. Slay, my lady. Slay okay?"

"Thanks. This is first time. Dinadaga ako sa kaba kahapon palang noong may ino-orient kami ni Ms. Ericka sa conference room," ani ko, sabay tipid ng ngiti. Bumalik na naman iyong kabang naramdaman ko. I'd imagine the people who'll be there...the press...media...or everyone. Their eyes on me or no, to the dress, of course.

Simula nang in-announce itong fashion show, hindi mawala sa isip ko iyong salitang media. Paano na lang kung kumalat ito? Paano na lang kung makarating 'tong San Mateo? Sa Daddy ko? Hindi pa nga akong nag-uumpisa sa paghahanap...baka mauwi sa wala? Umaasa akong walang masamang mangyayari tungkol sa akin dito at pagkatapos ay uumpisahan ko na ang paghahanap.

"Dear?"

I shook my head when I heard Marco.

"Don't worry about the show. You'll be good."

I gave him a smile. "Thank you. Lagi mo na lang pinagagaan ang loob ko."

"No biggies," He giggled. And so was I.

Ngunit parehas kaming napatayo ni Marco nang bumukas ang pinto ng opisina niya at bumungad si Ms. Ericka at Conrad sa aming paningin.

"Is your crew all right now?" Ericka asked while looking at her phone.

"Yes. We'll be there tomorrow night. And I'd talked about Grace for the key hair and makeup professionals," sagot ni Marco.

"Good," Ms. Ericka said.

Nang umupo si Marco sa swiveling chair ay umupo rin ako sa couch ngunit may panibagong bigat ako naramdaman sa couch. I looked at the side. "Conrad," I whispered his name. Kitang-kita ko ang itim sa ibaba na kanyang mata. He's sleepless for these past few days. Ngayon ko lang napansin...he looks so tired.

"Give me five minutes and we'll go." He half-opened his eyes and looked at me. Tumango ako. And he gave me a small smile. Pagkatapos ay sumandal na ito sa balikat ko. I straighten. Okay, five minutes lang daw e. Hahayaan ko na lang...

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon