Kabanata 37

4.6K 121 2
                                    

Kabanata 37

For a while


Hindi masakit sa balat ang sinag ng araw. Iyong hangin pang humiihip ay masarap sa pakiramdam. Napasandal ako sa puno upang makita ng lubusan ang ginagawa ni Lily. Kasalukuyan kasi itong nakahiga at gumuguhit. I saw her drawing: house, flowers, and clouds. Hindi pa siya tapos kaya nilibot ko ang buong paligid. May dalawa akong tao na nakasakay sa kabayo na tumatakbo papalayo. May isa namang hawak lang ng tauhan ni Dad. Nakita ko rin iyong pananim sa aking kaliwa. Halos sakupin na ang buong espasyo ng mga mais. May nakita akong pamilyar na tao si Aling Sonia, isa sa mga nagtatanim dito. Kumaway din ako. Nang bumalik ito sa pagtatrabaho ay binigyang pansin ko si Lily na kakatapos lang.

"Ate!" Napaupo ito nang ipakita ang papel na pinagguhitan niya. Napangiti ako ng makita ito. "Okay na!" masigla nitong awit.

Kinuha ko ang papel sa kanyang at pinagmasdang mabuti ang gawa ni Lily. I heard her giggle. It makes me giggled too. "Ganda naman!" ani ko. Binalik ko sa kanyan iyong kanyang papel. It's time for the score. "Uhm...perfect 100!"

Nagtatalon naman si Lily sa narinig niya sa akin. Hinalikan pa niya ang aking pisngi ng ilang beses. Niyakap niya ako pagkatapos hinawakan ng maliliit niyang kamay ang aking pisngi. "Namiss ko po ikaw? H'wag ka ng aalis ah! Lagi akong malungkot!" Ngumuso ito.

Maybe the good things here are the Hospicio and the kids, especially Lily. Hinawi ko ang ilang buhok na nasa mukha niya. Nanatili pa rin si Lily sa paghawak ng pisngi ko. Ngumiti ako sa kanya. Nawala iyong pagnguso niya at napalitan ng bungisngis.

"Ang haba na ng buhok mo..." Ngiti ko.

"Gusto ko katulad sa'yo!" aniya, galak na galak. Inalis niya ang hawak sa akin at hinalikan ang pisngi ko. "Gusto ko ganyan!" Hinawakan niya ang aking buhok. "Ganito!" Bungisngis niya.

I remember the kids in Manila. Rosie. Mico. Carlos.

Hindi ko maiwasang malungkot na hindi ko sila makikita.

Inalis ko sa aking isipan ang alaalang iyong. Binalik ko ang atensyon ko kay Lily. "Oo naman! Ang ganda nga ng buhok mo." Pinasadahan ko ang kanyang malusog na buhok. Napangiti ito lalo sa sinabi ko. "Ligpitin na natin 'yong gamit mo. Baka may gagawin na kayo nina Sister?"

Tumango si Lily sa akin. "Okay!"

Kinuha ko sa tabi iyong pink niyang maliit na bag habang si Lily ay pinulot iyong mga colors niyang nakakalat sa damuhan. Pagkalikom niya nung mga gamit niya ay nilagay niya 'to sa bag na hawak ko. Pagkatapos sinuot ko sa kanya ang bag. Nauna siyang tumayo sa akin sa sobrang galak at tuwa. Mabuti na lang pinayagan kami nina Sister na lumabas. At lumibot dito sa Rancho. Tuwang-tuwa si Lily noong pumayag sina Sister. Ngayong tapos na oras ng aming paglilibot, kailangang maiuwi ko na si Lily baka may aralin pa itong kailangang tapusin.

Tumayo na ako at pinagpag ang skirt ng aking dress dahil baka may ilang damo at alikabok. Ganon din ang ginawa ni Lily sa kanyang dress. I looked at the boots I am wearing. I miss wearing this boots.

"Let's go?" aya ko kay Lily.

Iyong malalaking niya mata'y sinang-ayunan ang aking sinabi. Kinuha ni Lily ang kamay ko. Nag-umpisa kaming naglakad. May ilang kaming nakakasalubong na nagtatrabaho sa plantation at magiliw na binabati sila ni Lily.

Ngunit napahinto kami ni Lily nang may sumigaw ng aking pangalan. "Nella!" I statue for a while. Ngunit agad akong nakabawi.

"Lily...medyo bilisan natin ang paglalakad ah. Baka hinahanap ka na ni Sister Mely?" ani ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni Lily. Nagpatuloy kaming naglakad ngunit lalong lumakas iyong sigaw na iniiwasan namin.

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now