Kabanata 13

4.7K 120 3
                                    

Kabanata 13

Looking at me


"Cyrus, stop that!" May matinis na boses ang sumigaw. Tumingin ako kung saan nanggaling iyon at may babaeng mas bata pa sa akin ang lumapit sa batang bumato sa akin ng chocolate cake—Cyrus? "I'm going to tell this to your Mom." She warned the boy. Sinamaan lang ni Cyrus ng tingin itong babae at nagtatakbo papunta sa hagdan hanggang sa umakyat na ito. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko na lang na wala na sa dating pwesto si Conrad.

"I'm sorry...I'm sorry," ani ng babae.

Binaling ko ang atensyon ko sa kanya. I shook my head. "Hindi okay lang..." Napakagat ako ng labi. I look at my clothes. May ilang piraso ng cake ang nandito. Napangiwi ako sandali bago harapin itong babae.

I looked at her but I felt her hands on my clothes removing some pieces of cake. "Pasensya ka na. Ganyan lang talaga kaharot si Cyrus. Hindi na alam ng yaya niya 'yong gagawin sa kanya," anito habang pinapagpag ang aking damit.

"H'wag na..." Napaatras ako. Napaangat naman siya ng tingin sa akin. "Okay lang." I smiled. At siya rin.

I stare at her face. Para siyang manika. I mean she's gorgeous. Express na express ang kanyang itim na mata. Ang tangos ng kanyang ilong at may hindi kalalimang dimples sa ibaba ng mata. Maliit lang ang mukha nito katulad ng akin. Pero hindi talaga ako nagkakamali na mas bata siya sa akin.

"By the way...Nina." She offered her hand to me. Tumingin naman ako sa madumi kong kamay dahil sa icing ng cake. "Don't worry. Madumi din 'tong akin, ate." Nanatili pa rin ganoon ang estado ng kanyang kamay kaya inabot ko na ito at nakipagkamay. Lalo siyang gumaganda sa simpleng ngiting binibigay niya sa akin.

"Janella..." ani ko.

"That's a cool and beautiful name!" she said, still beaming at me. Tumango lang ako sa kanya at nagpatuloy naman siyang nagsalita. Nahihiya pa rin akong nasa loob ako ng pamamahay nila. I miss my home... "Ikaw 'yong sinabi ni kuya Mar, right? Kasing ganda mo nga si ate Mags," she added. Bigla na lang siyang kumapit sa akin at hindi ko nakuhang magreact. "Tara...palit ka muna ng damit sa kwarto ko. I bet you're still a teen like me? Coz me, I'm fifteen." Napaawang ako ng bibig.

But...she looked like seventeen on her height. Pero mas mataas pa rin ako sa kanya.

"I want to be a model someday like you and ate Mags. I want to have your heights, too." Ngumuso ito at patuloy kaming naglakad papunta sa hagdan. Patuloy kaming naglakad paakyat sa second floor. "Do you think? Na magiging kasintangkad niyo 'ko?" Napatigil kaming parehas nang makarating sa ikalawang palapag.

"Oo naman. Ang tangkad mo na nga..." I said.

Lalong lumawak ang ngiti niya sa akin. Ligayang-ligaya siyang tumatalon at napapasabay ako dahil sa kapit niya sa akin. She laughed. Napatawa tuloy ako. I am surprised to witness her happiness. Bigla tuloy pumasok sa isip ko...kung may kapatid kaya din ako...dadating kaya sa punto na aalis pa akong San Mateo o mananatili na lang ako dahil kuntento na ako sa mayroon ako. Paano kung hindi ako umalis kahit narinig ko kay Dad iyon? May magbabago ba?

I don't know...

Nandito na 'ko. Wala ng atrasan 'to.

"Nina...go to your room. Fix yourself. Handa na ang dinner." Napatigil si Nina sa pagtalon at parehas kaming napatingin sa isang gawi. Napalunok akong nakita si Conrad na nakakunot na nakatingin kay Nina...at hindi ako binibigyan ng tingin. "Come on." He added.

"Fine, kuya."

"Fix her also," ani Conrad at pumasok na sa kanyang silid.

Parehas kaming napatingin ni Nina sa isa't isa. She shrugged her shoulder and we started to walk to her room.

**

Nina told me I am wearing her ate Maggie's dress. Medyo malaki at hindi pa fit sa kanya ito kaya hindi pa niya nasusuot. Binigay daw sa kanya ito ng pinsan niya dahil ni-request niya ito. I look at myself in the mirror. Hanggang ibabaw ng tuhod ko itong floral dress ito na lace-cutout ang shoulder. Panay yakap ko sa sarili ko nang walang takip itong balikat ko sa dress. Pero ang sama ko naman kung hindian ko ang offer ni Nina sa akin.

Nina's room is big like mine. What I mean...my room in our house. Pink is the theme color of her room. She has this huge cabinet. Madami siyang damit na pinakita sa akin. And her bed...mas malaki pa sa kama ko.

"Let's go...ate...uhm..." Napaisip siya. "Is it okay to call you ate?" She pouted. "Puro kasi lalaki kapatid ko. And si ate Maggie minsan na lang dumadalaw...but now...you're here..." Bigla niyang iniwas ang tingin at nahiya.

"Okay lang. Mas gusto ko nga 'yon. Sa ampunan lang ako natatawag na ate. Pero ngayon dahil sa'yo may tatawag na ulit sa akin."

Nina looked at me immediately. Her eyes lit up with excitement. "Galing ka ring ampunan ate?" tanong nito.

"Hindi—hindi." I shook my head. "Iyong Da—" Bigla akong napakagat ng labi. Urgh. Muntik na. I need to hide my identity here...for now. "Minsan nakapunta kasi akong ampunan." I firmly said, trying to hide every details inside my head about me.

"Oh...akala ko sa ampunan ka. Kasi kami ni kuya Conrad inampon lang." Lumungkot ang mukha ni Nina. "Like kuya Benj at ate Maggie pare-parehas kaming galing ng ampunan. Friends na talaga sila kuya Benj, ate Maggie, at kuya Conrad. Wala pa 'ko nung sa ampunan. Si kuya Conrad lang ang nagsabi kay Mommy na iampon ako nung minsang dumalaw sila..." Inangat ni Nina ang tingin niya sa 'kin. "Urgh. Ang drama ko. Hindi ko alam kung bakit gusto ko na lang sabihin 'to sa'yo. My friends doesn't want me to tell this. They only want to know about...my kuyas. I don't think I have friends in school..."

I don't know why I hold Nina's face. I felt something on her. Ganito talaga ako sa mga mas bata sa akin. I always think na parang kailangan nila 'ko. Marami na akong naririnig na kwento sa mga batang nasa ampunan. I felt what they felt in some ways. I know how to feel something or someone's missing in your life.

"It's okay...to tell me things...it's okay," I said while cupping her face. "Nandito lang ako para sa kwento mo..." I smiled.

Nina smiled to me.

Nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin. "Thank you ate..." anito habang nakabaon ang ulo sa akin. "Thank you..."

"You're welcome, Nina." Lalong bumaon ang ulo niya sa akin nang marinig niya akong magsalita. Hinigpitan ko ang yakap niya sa kanyang hanggang sa may gumalabog na lang—ang ibig ko sabihin ay may kumatok ng malakas sa kanyang pinto.

"Nina...it's time to eat!" That's Conrad's voice.

Kumalas ng yakap si Nina sa akin.

"Come on. Lumabas na kayo dyan dahil hindi pinaghihintay ang pagkain. Dad and tita Lea are already on the dining area," Conrad said in his serious voice. Pero lagi namang seryoso ang tono ng boses nito.

"Opo kuya! Palabas na kami ni ate Janella!" sigaw ni Nina pagkatapos ay bumaling ng tingin sa akin. "Let's go!" Kumapit siya sa aking braso.

Naglakad na kami papunta sa pinto at masiglang binuksan ni Nina ito. Napalunok ako nang bumungad si Conrad sa amin na nakataas ang kamay na parang kakatok lang. Nina laughs. Kinagat ko naman ang labi ko sa pagpipigil. Pero hindi iyon ang kinakaba ng aking dibdib. Because the great Conrad Velez is looking at me. Head to toe with his scrutinizing stare. I don't know if I saw his lips part for a second while looking. I gulp at it. Gusto kong alisin siya ng tingin.

"Ganda no!" Hindi bumaba ang energy ni Nina at doon lamang nabalik si Conrad sa pagkunot ng noo niya. Tinaas niya kaagad ang kilay niya sa akin at iniwasan ako.

"No." Madiing sabi ni Conrad. Nag-umpisa na siyang naglakad paalis. "No," pag-uulit pa nito.

Kung hindi lang siyang nagreact pa sa sinabi ni Nina...baka nga hindi ko na iniisip iyong sikreto niya. Pero hindi e...naka-react na naman siya sa akin na parang may dalaw na naman.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon