Kabanata 48

4K 91 2
                                    


Kabanata 48

Miss you


Mabuti na lamang sumama si Mommy sa amin sa shoot na gaganapin sa San Mateo. Alam kong nagdalawang-isip din siya tungkol dito, ngunit nang mankumbisi namin siya kagabi'y napasama namin siya. Ms. Aurora booked us. Kami ni Maggie sa bagong collection kanyang ginawa. Ilang pag-uusap ang nangyari upang ma-conceptualize mabuti ang shoot. Parehas nag-usap ang management ng EVAF at Vienne's para sa aming dalawang model na magsasama.

Abala ako sa aking telepono sa pagpapasa ng mensahe kay Freya sa byahe papuntang San Mateo. Hindi kasi siya kasama sa project na 'to dahil may iba siyang inaakikaso. Gusto pa naman niyang makapunta sa San Mateo, lalo na raw sa Kaingin dahil sa pagkekwento ko sa kanya ng bayan namin. I will always be proud of Kaingin, of course our province, San Mateo.

From Freya:

Picture pls :P

Mabilis akong nagtipa ng mensahe.

To Freya:

Sure! Don't worry, kapag nagawi din kming Grecia. I will take a picture of the sea. :P

Freya replied immediately.

From Freya:

Janella! Jelly! :(

To Freya:

Hahahahaha! Joke lang!

Nawala ako sa pagte-text kay Freya nang itapat ni Maggie ang Ipad sa aking mukha. Katabi ko siya pagkatapos katabi niya si Mommy. I saw Newt immediately. He's in clean cut style hair. Ang medyo kulot niyang buhok ay hindi halata sa maayos na kalagayan ng kanyang buhok. Parte siguro ng shoot nagagawin nila ngayon. He's still in Milan. Ngumiti ito at kinindatan ako.

I laughed.

"Hello, princess!"

"Kamusta?" Tinignan ko si Maggie na ngiting-ngiti. She misses Newt so much. Tuwing gabi kapag kami'y nag-uusap lagi niyang nababanggit si Newt. Isang buwan na siguro ang lumipas simula nang umalis si Newt para isang proyekto sa Milan. Alam ko ring madalas ang pagvi-video call nilang dalawa.

"Gwapo pa rin," aniya, ngiting-ngiti. Pabirong pinagsalubong ko ang aking kilay. "Princess, ba't ka naman ganyan!" dagdag nito. "Miss me? Or missing someone?" I bit my inside cheek.

"Maggie o! Mommy!" pabiro kong sumbong. Tinignan ko si Mommy at Maggie. Both of them are smiling. Umiling ako. Tumingin muli ako sa screen. Nawala sa pirme ng mukha ni Newt ang pwesto. Naiba dahil pinalibot niya sa paligid niya. May ilang models ang nag-hi, karamihan doon mga foreigner, iisa lamang ang kilala ko, si Sebastian Ferranco na under EVAF din.

I waved my hand, too. Pumirmi na muli sa mukha ni Newt at nagsalita siya, "Last week, he visited us here. Para na rin magpahinga dahil sobrang busy niya sa Brazil. Ngayon buwan nama'y sa Prague siya." Natahimik ako. He was talking about Conrad.

Dinunggo ni Maggie ang balikat ko. Tipid akong ngumiti.

Isang buwan na rin ang nakakalipas noong huling usap namin. I asked for it, maybe I was really selfish asking something like that. Pero nagbigay iyon sa amin ng panahon upang makapag-isa sa mga bagay-bagay na tungkol sa aming sarili at sa amin. Actually, with the break I'd asked, I realized many things. I realized...admitted I was wrong keeping things from him. It was my fault. Maybe if i'd opened myself, walang komplikaduhang nangyari, wala sigurong pagdududa at pagkakaroon ng konklusyon sa maaring mangyari. Maybe, if I'd told him, I will know his reason, siguro'y makakapag-isip kaming dalawa ng isa. But the thing was, we both think differently. That was our mistake. Dahil sa relasyon, kapag kinain ng pagdududa at magka-ibang pag-iisip ang isang bagay, maaring magdulot ito ng komplikasyon. That was it. We both concluded things that might happened without consulting each other. Parehas kaming nagkamali...

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now