Kabanata 28

4.7K 131 12
                                    

Kabanata 28

It is not


"Can I borrow your phone later?" I asked Marco when he's putting the wig on my head. Napatingin kaagad ako sa salamin upang tignan kung maayos lang iyong blonde wig sa akin. Nakatali pa ito sa magkabilang gilid na may shade pa ng pink iyong left tapos shade ng blue sa right.

"Oo naman! Tatawagan mo si Jameica?" tanong nito.

Napatango kaagad ako. "Yes."

"It's okay," aniya. Inayos-ayos pa muli ni Marco ang wig sa akin. Pagkatapos ay hinarap niya ako sa kanya at inikot bahagya ang upuan. Hinawakan niya ang baba ko. Inusisa ang makeup na nilagay sa akin. Medyo maputi nga ito. Mapulang-mapula naman ang aking labi sa nilagay ni Marco. Iyong sa paligid ng aking mata ay may shade na pink sa left at shade ng blue sa right. Sinadya ang paglagpas dahil ganoon iyong ginagaya niyang larawan sa Ipad. "I haven't heard any news from her. Tama lang na tawagan mo na siya," he suggested. "Perfect. My Harley Quinn," he chuckled. "Tayo ka nga." Tumayo kaagad ako. Inayos niya iyong nagusot na half sleeve crop top. "Si Nina in-order pa niya 'to sa ebay! Gustong-gusto niya katulad sa Suicide Squad iyong costume mo!" natatawa nitong sabi.

"Really? Akala ko binili lang 'to at sinadyang ganito 'yong damit! Kasi medyo sira na iyong sa bandang baba ng top!" ani ko.

Natawa na naman si Marco. "Yes! I adore that girl so much...masyadong madetalye. Magpinsan talaga kami!"

I chuckled. "Oh! Mabuti na lang may jacket din na kasama! The shorts is too short!" Tinignan ko iyong shorts na suot ko na nahahati ang kulay sa blue and red. Halatang maikli dahil sa mahaba kong biyas. "Ikaw? Sino sinuggest ni Nina sa'yo? Probably, Joker? 'Di ba?" I winked at him. Dinunggo ko pa iyong balikat niya ngunit sumimangot siya 'kin.

"No! Of course, I'd liked becoming Harley Quinn! Not joker! But Nina chose Harley for you. Wala na akong magagawa." Ngumuso siya sa akin at pinaglaruan ang wig na nasa akin. "Ugh! Jelly! Jelly!" He whimpered.

"Uhm...'di ba pwedeng tayong dalawa ang Harley Quinn?" I asked, suggesting.

"No! Nina doesn't want it!" sagot nito.

"Oh!"

"Okay lang! Okay na rin 'yong maging member ng Fantastic 4 for one night! I'd be Invisible woman for tonight! I'm just waiting for my Mister Fantastic!" He giggled. Pinisil pa niya ang braso ko sa sobrang kilig. I winced and giggled at the same time. "Ikaw ba, Janella! Wala ka bang natitipuhang, Joker or special someone sa EVAF?" I blushed immediately. Napaiwas kaagad ako ng tingin. "You know, we're all attractive...hindi pwedeng wala," he teased.

Napakagat ako ng panloob na pisngi. "Uhm...I don't really know. But it's weird when he'll going to approach me. It's weird." I am thankful this makeup for hiding my blush. Alam kong kapag wala ito'y halatang-halata ang pula ng pisngi ko.

"OH! OH!" Bumilog ang bibig ni Marco. Kinikilig talaga siya sa sinabi 'ko. "GOODNESS! Sino 'yan?"

"Uhm...what?" I said, confused at his answer.

"It takes time to develop. But eventually, one day, that weird feeling will become love. You know, love is like a routine," he winked at me. Bigla siyang tumalikod ay may kinuha sa kama ko. Iyong necklace. Nilagay niya ito sa aking leeg. "Hindi naman kasi tatalon iyong feelings na 'yon sa love. May pagdadaan pa 'yang steps hanggang sa marating iyong punto na love. Pero kapag may step na hindi na nagpatuloy, that weird feeling will never become love." He frowned. "It will stay like that."

Oh...

"Pero 'di ba, minsan akala mo crush lang o attraction iyong nararamdaman mo sa isang tao kasi nagkukunwari ka o wala kang pakelam, hindi mo alam mahal mo na pala..." He smiled. "You've had mistaken some feelings towards love. Mahal mo na wala ka pa ring pakelam." He shook his head. "You must know the difference of being in love to attraction or crush."

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now