Kabanata 44

3.8K 102 3
                                    


Kabanata 44

Mentioned


Pumasok ako sa kwarto naabutan ko si Maggie na nagpapalit ng damit. Humiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Hindi pa rin ako mapanatag sa nangyari kahapon sa amin ni Conrad. Siguro kapag kami'y nagkita muli gusto ko siyang makausap tungkol doon. I really need to clear my head. Ayokong may mga posibilidad na gumagala sa isip ko.

"Janella, you don't have an instagram, do you?" asked by Maggie.

Napaupo ako sa sinabi niya.

"Wala, bakit?" Kumunot ang kilay ko.

"You should have," mabilis niyang sagot, sabay ngiti ng malaki. Tumabi siya sa akin. Abala siya sa kanyang telepono. Maya-maya pinakita niya sa akin kung anong ini-scroll niya. "This!" masigla niyang sabi. "Look at this!" Ligayang-ligaya si Maggie sa pagpapakita sa akin. And...I saw my face on someone's instagram.

My brows furrowed.

"That's..." I don't know what to say next.

Maggie giggled.

Dalawang imahe ng mukha ko ang nasa profile. I on different faces. Smiling, sweet girl. Edgy, fierce one. I gulped. Tinignan ko kung sino ang nagmamay-ari ng instagram account na iyon. Ngunit hindi ko naman ito kilala.

"Mayroon pa! Mayroon pa! Nakatrabaho mo pala sina Elijah at Klaus ah!" ani Maggie, humahagikgik. Hinanap niya yata ang picture.

"Oo," sabi ko.

"Ito oh! You and Klaus have chemistry, ha!" Pinalo ni Maggie ang braso ko. "Mayroon din naman kayo ni Elijah, but this picture says it all! Look at the comments!" Nakita ko ang imahe naming dalawa ni Niklaus, I am facing him but my eyes are closed while smiling. Si Niklaus ay nakatingin sa aking labi ngunit ang ngiti niya sa labi ang nagsasabi ng kanyang emosyon. I gulped how good the picture is. "Tignan mo! Tignan mo 'yong comments oh!" masayang batid ni Maggie.

I looked at the comments.

Who's this girl?

Wow, they look amazing together!

Maggie?!

She's so beautiful!

Is that Maggie with Niklaus?

What's her name?

Ilang komento pa ang umulan. Hindi ko na nabasa iyong iba. Tinignan ko si Maggie na ngiting-ngiti.

"What do you think?" she said, shrugging her shoulder. Dinunggo niya ang balikat ko. "May isa pa 'dyan, nagsasabi, magkamukhang magkamukha raw tayo!" ani Maggie. She giggled. "Syempre, we're sisters!"

I smiled and chuckled. Hindi pa rin naman ako makapaniwala na may mag-post ng picture ko. Siguro isa sa mga tao ni Ms. Aurora ang nag-post ng mga ito. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Woah," I breathed.

"Woah talaga! Ilang DM na natanggap ko. Tinatanong kung ka-ano-ano kita," natatawang sabi ni Maggie. "Natabunan na nga 'yong iba. I need to read them all, baka may natabunan ng importante. Client? Client? Client?" She wiggled her brows.

Natawa ako.

"May I see it again?" I said, the bit my lower lip.

Maggie grinned. "Of course, here! Tignan mo 'yong ibang naka-tag sa akin."

"Okay!" ani ko.

Pinasadahan ko lahat. Binasa ko ang ibang mga komento sa picture ko. Tinignan ko rin ang profile ni Maggie. Halos lahat ng picture niya tungkol sa trabaho. Iilan lamang iyong personal. But there's one picture that made me 'aw', she posted a picture of Newt. Black and white. I think, this one was stolen. Hindi kasi nakatingin si Newt, nakaupo habang abala sa pagsagot ng tawag sa phone.

Fall and Chase (ML, #4)Where stories live. Discover now