Kabanata 35

5K 131 12
                                    

Kabanata 35

Believe that

"Just call me immediately if something happened. If you see that asshole, okay?" Tumango ako ng dalawang beses kay Ate Jam at kinuha ang phone na inalok niya sa akin. Binuksan ko ang pinto ng kotse. Lumabas ako at mahigpit na hinawakan ang sling ng bag.

Johnny! I don't want him to ruin what I've planned!

Tumingin ako kay Ate Jam. "Thanks, Ate!"

Ate nodded at me. "No problem. Una na 'ko," aniya.

"Ingat!" I winked at her. She rolled her eyes. Tumango siyang muli at pinaharurot ang kotse. Humarap ako malaking gate ng Hospicio. Ngayong wala naman akong gagawin ay nagpapasyahan kong bisitahin sina Rosie, Mico, Carlos, at si Nanay Theresa. Mayroong parte sa akin na gusto siyang makausap pati na rin iyong mga bata.

Nakita kaagad ako ng guard—ni Kuya Ronnie kaya bumukas kaagad ang gate. Sumaludo ito sa akin at pumasok na ako sa loob. Nagpasalamat ako at tuloy-tuloy ang paglakad hanggang sa makapasok sa loob. Bumungad sa akin iyong dalawang bata sa sahig na naglalaro.

"Hello!" They both said in unision. I waved back and said my hello to them. Nakasalubong ko sina sister na nag-uusap. Nagpatuloy ako naglakad hanggang sa pumunta ako sa garden kung saan madalas sina Rosie naglalaro. Hindi ko maiwasang mangiti kaagad kahit naglalakad pa lang ako sa garden. Naiisip ko kaagad iyong ngiti nung mga bata at si Nanay Theresa.

Ngunit hindi iyong mga bata ang naabutan kung hindi si Maggie at si Nanay Theresa na magkayakap. "Kung alam ko lang..." Kumalas ng yakap si Maggie kay Nanay Theresa. "You should've told me. I will never hold a grudge or anything to you..." Hinawakan ni Nanay Theresa ang pisngi ni Maggie. Nakita ko ang pagtulo ng luha nilang dalawa.

"I'm sorry," ani Nanay Theresa at pinunasan ang luha ni Maggie. "Maling inisip kong magagalit ka sa akin." Umiling ito at nagsalita muli, "Pasensya anak...pasensya." Muling hinagkan ni Maggie si Nanay Theresa.

My heart aches for no reason. I don't know. Mayroong parte sa akin na gustong lapitan sila. May parte sa akin na gustong maramdaman ang yakap na ginagawa nila sa isa't isa. Maybe...maybe because I am longing so much for a mother. Maybe...maybe. Siguro iyon lamang ang rason.

Tumalikod na ako at nagpatuloy sa ibang direksyon. Siguro'y nasa ibang kwarto sina Rosie, Mico, at Carlos. Maaring nasa silid-aralan sila ngayon. Maaring may nagtuturo sa kanila ngayon. O kaya maaring natutulog sila. Mabuting magtanong na kina sister dito o kaya sa ibang bata.

**

"Ate! May bubulong po ako!" masiglang awit ni Rosie nang matapos ko tignang mabuti ang ginuhit niya. Nakita ang pagbungisngis nina Mico at Carlos sa kanilang pagtitinginan. Tumingin din si Rosie at natawa. Napakunot ako ng noo ngunit nagpatuloy sa pagngiti.

"Ano 'yon?" tanong ko.

Lumapit si Rosie sa aking tenga. Bumungad ang bungisngis nito at bigla akong nakiliti. "Crush ka po ni kuya." She giggled. Pero hindi bulong ang ginawa niya dahil maski sina Mico at Carlos ay rinig na rinig iyong boses na 'yon. Tinignan ko ang dalawang lalaki. Tumatawa silang dalawa.

Napailing ako. "Sino?" tanong ko muli.

Sabay-sabay silang nagsalita, "Si Kuya Conrad!" Humalakhak silang tatlo ng sabay. My face goes pink. Pagbanggit lang ng pangalan niya bigla-bigla na lang ako namumula. Iba. Iba iyong pakiramdam na bigla na lang bibilis ang tibok ng puso ko.

"Yie! Kinikilig!" asar ni Carlos.

Pumalakpak naman sina Mico at Rosie.

"Anong ginagawa niyo kay Ate Janella niyo?" A voice appeared. Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Kay Nanay Theresa na nasa pinto. She smiled at us. Ngunit napako ang tingin niya sa akin. Awtomatik na napangiti ako sa binigay niyang ngiti sa akin. Bigla na lamang akong napatayo at niyakap ito ng walang dahilan. Kumalas ako ng yakap at tinignan ang kanyang mukha.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon