Kabanata 24

4.7K 131 1
                                    


Kabanata 24

Everything


"Ate! Ako po may papakita!" May humihili sa aking kamay habang inaayos ang buhok ni Rosie. Bumaling roon ang aking atensyon. Iyong ngiti niya ang aking pansin kaya hindi ko maiwasang mangiti. "Ito po? Maganda?" tanong nito at binitawan ang kamay ko. Pinakita niya sa aking iyong ginuhit niya.

Umayos ako ng upo sa damuhan para maharap silang tatlo. Sina Rosie, Mico, at Carlos. Sila ay pare-parehas na nasa limang taong gulang. Sila iyong tatlong bata na hindi nahihiyang mag-approach sa akin dito sa Hospicio. Iyong iba kasi'y nahihiya sa presensya ko. Isang oras na yata ang nakakalipas simula nang dumating kami rito. Hindi ko alam ang gagawin ko noong iniwan na lamang ako ni Conrad sa pwesto na 'to ngunit itong tatlong bata ang naglibang sa akin dito.

Yes, hindi kami nasa mansyon dahil dito dumiretso si Conrad dito. Sa Hospicio. Sa Hospicio kung saan napagkamalan kong mayroon sa kanila ni Newt. Sa Hospicio kung saan hindi ko inaasahang mapaiyak sa emosyong mayroon sa puso ko.

"Oo naman! 'Yan ba ang gusto mong house?" I said, obliterating my thought. Napangiti pa ako lalo nang matapos ko na ang pag-aayos kay Rosie. Ilang beses pang tumango si Carlos sa akin dahil sa tanong ko. I wanna pinch his chubby face. Rosie has a short and lively hair. Mataba rin ang pisngi nito katulad ni Carlos. Si Mico naman ay hindi katabaan katulad ni Rosie at Carlos. Nasa kayumanggi ang kulay ng balat nito.

"Opo! Pero sabi po ni Mico, ang panget daw!" Biglang nagsalubong ang kilay ni Carlos at tinignan ng masama si Mico na biglang nag-iwas ng tingin sa amin. Pinaglaruan niya ang damong kanyang kinauupuan.

"Baka kasi...uhm..." Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang tinitignan ang drawing ni Carlos na bahay. Well, I don't know how to describe the house. Ngunit binubuo ito ng vertical at horizontal lines. Ano bang palusot ang sasabihin ko para gumaan ang loob nitong si Carlos. "Uhm-" I was interrupted.

"Kasi nga, hindi maayos 'yong color mo doon sa bubong no!" singit ni Rosie habang kinakapa-kapa ang maikling buhok. Ngumuso ito sa akin habang pinipigilan ang pagtawa hanggang sa bumungisngis na ito.

"Hindi nga kasi maayos! Panget kapag yellow ang bubong!" Ngayon naman ay nagsalita si Mico. Tumingin ito sa mangiyak-ngiyak na si Carlos. Nanginig ang labi nito habang nagpipigil ng iyak. "Saka hindi pantay 'yang bahay mo! Tignan mo 'tong car ko!" Nilabas ni Mico iyong ginuhit niyang kotse. Well...parehas lang naman sila ng lebel sa pagguhit ni Carlos.

"Ate, 'di ba? 'Di ba? Hindi maganda?" Napalunok ako nang harapin ako ni Rosie. Her big eyes begged for my answer. Ganon din si Mico na tumayo at nakapameywang pa sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Habang si Carlos ay mahigpit na hinawakan ang papel at lapis. Nakasimangot ito at pigil na pigil sa iyak.

"Bakit ka iiyak e?" Hinarap ni Mico si Carlos.

I gulped.

"Hindi naman kasi panget!" ani Carlos. Tumaas ang boses nito at binaba ang hawak.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. Ngayong konti na lang tutulo na ang luha ni Carlos. "Gusto mo ayusin natin para maging mas maganda pa siya?" I said back.

Okay naman siguro ang sinabi ko kay Carlos para hindi na siya umiyak. Mapapanatag naman siguro nito ang loob ni-"ATEEEE!" Agad na binalibag ni Carlos ang sarili sa akin. I winched when her little arms encircled at my neck. Sa nangyari ay parehas kaming napahiga sa damuhan. Yakap-yakap ko siyang mabuti nang iangat niya ang ulo sa akin. "Ate!" Tuluyan na siyang umiyak.

"Oh, h'wag ka ng umiyak. Papagandahin pa natin lalo 'yang drawing mo, 'di ba?" Pinunasan ko ang luha niya gamit ang aking kamay. Tumango ito at unti-unti ng ngumiti. Ngunit unti-unti akong napapakagat ng pisngi nang maramdaman ang bigat niya sa akin. Carlos sniffed.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon