Wakas

7.8K 161 47
                                    


Final Chapter. Thank you very much! Sa lahat ng nagbasa ng mga nadagdag na kabanata. I hope you'd enjoy it. Sana'y basahin niyo rin ang Fadeless. Salamat! God bless you all!

x


Wakas

Fall and Chase


Natataranta na si Freya sa pag-aayos ng buhok ko. Inaalis ko naman ang bakas ng make-up. Sa pagmamadali ko sa pagtanggal dito, hindi ko napansin iyong iba. Humingi na lamang ako ng wipes kay Marco para sa harap ng salamin ko ito alisin habang inaayos ni Freya ang buhok ko.

"How many more minutes?" I asked Freya.

"Shit. You make me nervous," ani Freya, patuloy ang pagsuklay. "Makakaabot ka. I know that. Believe me."

"Siguro," ani ko, sabay nginig ng aking labi.

I bit my inside cheek.

"Grabe naman kasi 'yang prof mo, suprise-suprise pang quiz na nalalaman. Buti may nag-text sa'yo!" kunot noong sabi ni Freya, "Ayan okay na itong buhok mo!".

"Thanks, Freya!" Tumayo na ako at sumulyap muli sa salamin. Ayos na aking mukha, at ang laki ng pasasalamat ko kay Freya dahil medyo straight na ang buhok ko. Kailangan kasing kulutin ito kanina sa photo shoot, sabi ng stylist. Alam ko talagang bakante ang araw na 'to sa mga quiz, nalimutan kong pwede pa lang mag-suprise quiz ang mga professor.

Nag-aral muli ako ng kolehiyo. Isa ito sa mga pinag-isipan kong mabuti. Pagsasabayin ko ang modelling saka ang pag-aaral. I really want to experience to attend university and study again. Gusto kong maranasan pa'no maging tunay na estudyante. Nasanay lamang ako sa mga online courses. Home-schooled, kung baga. Ngayon, I need to do this. Akala ko talaga clear ang schedule ko, mabuti nag-text iyong isang classmate ko na magpapa-exam daw si Ma'am. Hindi sana kasi ako a-attend. I know, I could almost hear my Mother's warning right now. Sorry, Mommy.

"O siya! Good luck! Good luck!" Tinulak na 'ko ni Freya. Kinuha ko ang aking bag. Hawak-hawak ko pa rin ang bagong wipes sa aking kamay.

Nabigla si Freya nang bigla ko siyang yakapin. She giggled. Kumalas siya ng yakap at tinulak na 'ko palabas ng dressing room. Lumabas akong may nagaganap pang photo shoot, sina Homer at si Levi ang photographer.

"Janella, dalian mo!" natatarantang sabi ni Marco. "Ace it, my dear!" dagdag niya.

Nag-thumbs up na lamang ako at nagmamadaling bumaba ng studio. Sa shop, nandoon lamang ang receptionists. Nginitian ko sila at halos tumakbo na palabas. Nakita ko kaagad ang Ducati ni Conrad sa labas.

Si Conrad na handa ng paandarin ang bike.

My lips smiled immediately.

I opened the glass door. "Hey—" I was interrupted.

"Hop in," ani Conrad. The engine roared.

Muntik na 'kong mapatalon sa inaakto ng bike.

Bakit ba mas sila pa ang nagmamadali sa akin?

I looked at my watch. May isang oras na lamang mag-uumpisa na ang klase ko. I think, I still have enough time. Mas mabilis ang byahe namin papuntang Katipunan dahil dito sa bike ni Conrad.

No need to pressure myself, I guess.

"Nella," Conrad' voice appeared. Nawala ako sa isip ko. I looked at him. His lips were rising and formed into a crooked smile.

My brows furrowed.

"Yes?" tanong ko.

Nanatili pa rin akong nakatayo.

Fall and Chase (ML, #4)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα