Kabanata 34

5.3K 129 2
                                    

Kabanata 34

He's here


Sa mga nagdaang araw may ilan akong nalaman tungkol kay Conrad. Sa malimit kong pagpunta ko sa bahay nila at siya sa amin may mga bagay akong natuklasan tungkol sa kanya. Chase was his name. Pinapalitan niya ang una niyang pangalan dahil naalala niya iyong nakaraang umayaw sa kanya. I know a little bit of his story. Noong mapunta siya sa ampunan ay may nakalaan ng pangalan sa kanya at iyon nga ay Chase. Bata palang namulat na siya sa kaisipang iniwan siya ng mga magulang. Inisip niyang inayawan siya ng mga ito. Ngunit bukas din naman siya sa ibang posibilidad...sa ibang rason...kung bakit nangyari 'to sa kanya. Nakwento niya rin sa akin iyong tungkol sa kanilang tatlo nina Maggie at Benj. Kung paano naging kuya si Benj sa kanilang dalawa. I can't help but to adore Benj for that. Kahit naman siguro hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang pakikitungo ni Benj. He's still maybe, a brother to them. There's part I can relate to. Sa parte lang ng ina dahil nabuhay akong kasama ang Daddy ko. Ngunit si Conrad at sina Maggie at Benj, namulat silang hindi kilala ang tunay nilang magulang. But look at them now, the Lord doesn't make them feel that they doesn't belong to anyone. Binigyan pa rin sila ng pamilyang mag-aalalaga sa kanila. That's how the Lord cares for us. He has plans for us. He has better ways to make us feel His undying love. That we are loved every time. Kaya naniniwala akong makikita ko ang Mommy ko.

"I wanna ask you out? Is that too much?" I felt a breath on my neck. Lumingon ako sa boses na 'yon. Bumungad sa akin ang labi niyang unti-unting napapangiti. Tumingin kaagad ako sa paligid ko.

Thankfully, everybody's listening to Ms. Ericka. All eyes on her. Kaming dalawa—Mali! Nang tumingin ako kay Conrad ay nakatingin siya kay Ms. Ericka ngunit biglang sumilip ang ngiti sa kanyang labi. Umiwas ako ng tingin. Tumingin din ako kay Ms. Ericka ngunit hindi ko maintindihang lubos ang sinasabi niya dahil sa lumilipad sa aking isipan ang tanong ni Conrad at ang aking kondisyon.

Hinanap ng aking mata si Newt at nakita kong nakikipag-usap ito kay Marco. Nang mapansin niyang may nakatingin sa kanya'y bigla niyang natagpuan ang mata kong nakatingin sa kanya. Newt winked at me. Ngunit hindi pa ako nakatango ay may naramdaman akong kamay sa aking balikat. Pinisil pa niya ang aking balikat upang mapabaling ang atensyon ko sa kanya. Nilingon ko siya. "Agree with me first," ani ko.

Kumunot ang noo nito. "No," anito ng mabilis.

"So...I don't want," I said. Inalis ko ang hawak niya sa aking balikat. Inalisan ko rin siya ng tingin at tinuon ang atensyon kay Ms. Ericka. Hindi ko makuhang ilagay ang buong atensyon ko dahil sa narinig kong malalim na buntong hininga ni Conrad. He whispered something. Ngunit hindi ko naintindihan.

I shook my head once. Nilibot ko muli ang tingin ko at nakita kong nakatingin si Vivienne at Gretel sa akin. Nakita ko ang sabay nilang pagngisi at pag-irap sa akin. I know they have issues on me. Pero hindi ko malaman kung ano at bakit. Inalisan ko sila ng tingin ngunit nang lumingon ako kay Ms. Ericka ay tapos na siyang magpresent. Inaayos na ni Marco ang laptop. Nakatayo na ang ibang models at papaalis na iyong iba. Tumayo na rin si Newt at napatayo rin ako. Tinignan ko iyong katabi ko ngunit wala pa rin kay Conrad iyong kondisyon. Balewala lang sa kanya. Maybe I am too much to ask for that condition. Hindi ko siya mapapapayag...Maling hilingin ko sa kanya iyon.

Kinuha ko na ang bag ko sa upuan. Hinanap ko si Ate Jam at ngayo'y nakikipag-usap siya kay Homer. Ngayong tapos na ang meeting at wala namang kaming commitment ngayon ni Ate, mabuti na umuwi na kami. Saka ako ang nakatokang magluluto ng dinner namin, magandang mapag-isipan ko kung anong lulutuin ko sa mga tinuro ni Ate sa akin noong mga nakaraang araw. Magandang makauwi kami ng maaga for dinner.

Fall and Chase (ML, #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon