PROLOGUE

1K 29 0
                                    

Hindi pa po edited ang story na 'to, so pardon sa mga grammars tsaka typo's. Enjoy reading!

Prologo

\⁠(⁠◎⁠o⁠◎⁠)⁠/

Sa unang beses na hahalik ang buwan sa araw, may bagong isisilang.

Sa pagsabog ng ginto sa kalawakan, yuyukod ang araw at buwan sa bagong hinirang.

Mata'y magliliyab. Ang puso'y magtatalo sa pagitan ng liwanag at dilim. Ang isip ang siyang magdidikta.

Ngunit isip parin kaya ang magpapasya?

-

"Aba'y napakagandang bata naman ito" pinagmasadan ng dalawang mag-asawa ang bata na nakalagay sa malaking basket.

"Tignan mo Ben! May biloy ang munting anghel. Napakawalang puso naman ng nanay na nag-iwan ng napakagandang anghel na ito" pinaglalaruan ng dalawang matanda ang batang panay ang ngiti.

"Halika nga rito munting anghel" binuhat ng matandang babae ang munting sanggol at inihele.

"Ano ang ipapangalan natin rito, Ben?" Nilingon ng matandang babae ang asawa na noon ay tinitignan ang sanggol ng tuwa at pangamba.

Hindi sila nagkaanak ng kanyang asawa dahil ito ay walang kakayahan na magbigay ng anak. Ilang beses na silang sumubok ngunit hanggang sa tumanda sila ay tinanggap na lamang nila ang kanilang kapalaran na hindi mabiyayaan ng supling.

Sila ay nag-ampon ngunit nang lumaki ang ampon ay iniwan ang mga ito at sumama sa mayamang hapon na nakilala sa ibang bansa.

"Lilia, asawa ko" pagtawag niya sa asawa at hinaplos ang balikat. Nilingon siya ng asawa.

"Ipagbigay alam muna natin sa mga awtoridad at kung walang kikilala sa bata, tayo ang tatayong magulang niya. Aampunin natin siya" marahang paliwanag ni Ben kay Lilia.

Tumango ang matandang babae at bumalik sa paglalaro ng sanggol.

"Napakaganda ng kwintas ng batang ito, marahil mayaman ang magulang. Ngunit bakit inabando?"

Pinagmasdan ng magasawa ang kwintas na ang pendant ay kalahating araw at kalahating buwan. Sa gitna nito ay may maliit na batong kumikinang.

"Ilagay mo riyan, iyan ang magiging palatandaan sa kanya ng kanyang mga magulang" suhestiyon ni Ben na sinang-ayunan ng asawa.

Nagpunta ang mag-asawa para ipagbigay alam ang nangyari sa sanggol ngunit ilang linggo na ang lumipas ay wala pa ring kumukuha sa sanggol kung kaya't napagdesisyunan ng dalawa na ampunin ito at palakihin ng tama.

"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Pinagmasdan ng mag-asawa ang sanggol at natagpuan ang lampin na may burda.

"Eli?" Ayon ang nabasa ni Lilia sa lampin na may burda.

"Eli ang pangalan niya?" Takang tanong ng matandang babae.

"Eli Celestia" napatingin ang babae sa asawa ng magsalita ito.

"Saan mo naman nakuha ang Celestia asawa ko?" Tumatawang tanong ng matandang babae.

"Pagmasdan mo ang mga mata ng sanggol Lilia, ipinapaalaala ng mata niya ang perpektong pagkakabilog ng buwan" itinuro ng lalaki ang mata ng sanggol pagkatapos ay ang buwan na noon ay buong-buo at nagbibigay liwanag sa veranda kung saan sila nakatayo.

"Mula ngayon, ikaw na si Eli Celestia Pedroso. Ang aming anak."

Muling ngumiti ang sanggol sa narinig na para bang nais niya ang ngalan na ibinigay sa kanya.

"Lalaki ka ng maganda at mabait na bata."

Ang huling kataga ng mag-asawa bago tuluyang nahulog sa pagkakatulog ang sanggol na itinakda.

\⁠(⁠◎⁠o⁠◎⁠)⁠/

"Deja que tu corazón me reconozca, mi amor" - he whispered.

Disclaimer:

All the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

____

Welcome to Magia Academia!
-

addictint


Please vote and comment!

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon