CHAPTER 29: HOME AND HAPPINESS

259 14 2
                                    

***

Eli's Pov

"Ano?! Ulitin mo nga 'yung sinabi mo?!" Sigaw ko habang siya ay nakangisi at nakatitig sa reaksyon ko.

"Sinabi kong girlfriend na kita" napahawak ako sa aking noo at napasandal sa pader.

Kaya pala iyak ng iyak si Patch. Akala ko ay dahil lang iyon sa pagtanggi ni Evan ngunit mayroon pa pala.

Umayos ako ng tayo at hindi siya tinignan. Humahabol siya sa akin pero naiinis talaga ako sa kanya kaya di ko siya nililingon.

"Eli! Uy! Teka!" Binilisan ko ang paglalakad at patakbong nagtungo sa kwarto namin ni Gwen at naabutang wala siya roon.

Asan nanaman kaya ang babaeng yon?

Napatalon ako sa gulat ng may kumatok sa pinto.

"Buti dumati—" agad sinarado ni Evan ang pinto at isinandal niya ako rito. Nakakulong ako sa magkabilang braso niyang nakadantay sa pinto.

Seryoso ang mukha niyang nakatitig saakin at tila inaaral ang emosyon sa aking mukha.

"Anong problema mo?" Diretsang tanong niya. Napalunok naman ako sa kasexyhan ng boses niya.

"I-ikaw" nahihiripang tugon ko.

"H-hindi mo man lang naisip na may masasaktan sa ginawa mo.." usal ko at muling sumagi sa mapaglarong isip ko na di na makuha ang konsentrasyon ang mukha ni Patch at kung paano ito umiyak.

"Wala akong ibang sinaktan. I know I'm not committed to anyone... So I'm free. I'm free to love you.." his husky voice made my legs tremble.

My mind stop functioning as I stare at him.

"Sinabi ko na sa'yo. Pagod na akong magpanggap. Pagod na akong pigilan 'yung nararamdaman ko sayo kaya.." bumaba ang tingin niya sa labi ko. I swallowed hard when he did that. He licked his lower lips at ibinalik niya ang tingin sa mata ko.

"Kaya hahayaan ko naman ang sarili kong magpakatotoo sa ngayon. I want everyone to witness how I fall in love, besides ayokong maunahan nino mang malapit sayo. I am jealous.." aniya at mas inilapit ang mukha sa akin.

Hindi gumagana ng matino ang utak ko at natatameme sa mga nangyayari.

"Slap me when you didn't feel the same.." aniya ngunit maging ang nanginginig kong kamay ay ayaw makisama. Bumaba ang mata ko sa labi niya at nakita kong umangat ang sulok nito.

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mata ko at isinalikop ito sa gilid ng tainga ko.

"Ang ganda mo po. Sobra.." his words made me fluttered. I heard that words from different people but how he said it hits different.

Gahibla nalang ang layo namin sa isa't isa ng gulat ako dahil kinabig niya ako para halikan...

Halikan sa noo.

Nakalapat ang labi niya sa noo ko habang hinahaplos ang buhok ko at tumatama ang kanyang kamay sa aking batok na dahilan ng pagtayo ng balahibo rito.

"Hinding hindi ako papayag na saktan ka ulit nila. They will see how powerful Creeds are when they touch you using their dirty hands.." ipinikit ko ang mata at dinama ang sandaling ito.

I don't know how home felt right until this moment came... Now I can say... I am finally home...

Isinandal ko ang ulo sa kanyang dibdib ang a smile formed into my lips. His heart beats the same as mine. Hindi ko man sabihin alam ko sa sarili ko.

I am longing for my home, i was longing for a long time and now I'm officially home... I swear this would be my favorite place.

In his chest and arms.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon