CHAPTER 5: Unknown Past

312 14 1
                                    

-
5: Unknown Past

Remi's Pov

I am Reminisce and I have the ability to see the past through eyes and touch. I have the ability to return to the past just by gaze and touch.

"Believe me, Ena!" I exclaimed.

Nagpatuloy ako sa pag-ikot-ikot sa loob ng silid kung saan kami naroon ng best friend ko. Habang siya ay parang nawiwirduhan sa kinikilos ko.

"Kahit ako ay hindi makapaniwala! It's my first time encountering such scenario!" I shouted desperately.

Umupo ako habang malalim ang iniisip at ikinuwento sa kanya ang buong pangyayari.

Galing ako sa opisina ni Ena at patungo sa unang klase ko ngayong araw.

Tumigil ako sa paglalakad nang nasa tapat na ng pinto habang tinitignan kung ano ang tatalakayin sa oras na ito.

Papasok na sana ako nang may malakas na puwersa ang bumunggo saakin ng aksidente na siyang dahilan ng pagkalat ng mga dala ko.

"Halla sorry po," paghingi niya ng tawad.

"It's okay," malumanay na sagot ko at akmang aabutin ang natitirang ballpen nang mahawakan ko ang kamay niya.

Bigla akong kinabahan dahil inaasahan kong hihigupin ako ng kanyang nakaraan pero walang nangyari.

Tumuwid ako ng pagkakatayo at mariing tumitig sa kanyang malabuwang mga mata na sanhi ng aking pagkagulat.

Hindi ko makita ang lihim ng kanyang nakaraan.

"Wala akong makitang nakaraan sa mga mata Niya."

Nakakunot na ang noo ni Ena. Hindi na rin maipinta ang pagtataka sa mukha niya.

"Tignan mo ang past ko dali," agad niyang utos sa akin.

Agad akong kumilos at nakita doon ang paulit-ulit kong nakikita sa malungkot niyang nakaraan.

"I can see it clearly," I smiled at her.

"Posible kayang wala kang makita dahil lumaki siya sa mundo ng normal na tayo, Remi?"

Napahawak ako sa aking baba. "Alvis Clever, the smartest in my class came also from normal world of humans, Ena!" Depensa ko.

Napahawak na ako sa aking ulo. Sumasakit ito sa isiping hindi gumagana ang kapangyarihan ko sa isang hamak na magian na nanggaling sa mundo ng mga tao.

"Ngunit nakikita ko ang buhay ng batang iyon sa mundo ng mga tao, Ena. Bakit sa Eli na iyon ay wala akong makita? Ni isa or kahit na katiting na nakaraan ay wala akong makita."

"Imposible," hindi makapaniwalang sagot ni Ena.

Pinapaikot ni Ena ang ballpen sa kaliwang kamay niya habang nakasandal sa kanyang swivel chair.

"Kahit normal na mga tao ay nakikita ko ang nakaraan sa hawak at sa mismong mata, Ena. But that kid look too innocent but hard to read. She's not transparent like others. Like she made to hide her past, present and even future! "

That's why I asked, who is she.

"If that's the case, maybes she's not just a Magian. She's special, Remi. Who knows that she belongs to the powerful creature of not just here in Magia Academia but in the whole empire of Meyer?" She shrugged.

I know she's a magian nararamdaman ko sa kanyang presensya iyon. Pero baka tama si Ena, hindi lang siya basta magian.

"What is her ability?" Tanong ko sa aking kaibigan.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now