CHAPTER 11: Ellen Alina

246 14 3
                                    


11: Ellen Alina

Ena's Pov

Natulala ako sa sa dugong lumabas mula sa kanya. Hindi siya masyadong napuruhan ngunit heto siya sa bisig ko at walang malay. Namumutla rin ang mukha at labi nito.

Hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin. Kung bubuhatin ba siya o tititigan lang.

Agad nagtawag si Falcon ng Medic dahil hindi niya maasahang kikilos ako. Agad namang nagsidatingan ang nga estudyante at dinala siya sa clinic.

Gulat pa rin ang namayani sa akin. Tahimik lamang ako dahil pinipigilan kong makita ng marami na ang headmistress nila ay kinakabahan. "I can't heal her Brother!" Nanginginig ang kamay ni Ava. She's hopelessly looking at her brother.

I called Falcon. "F-falcon."

Marahan itong tumingin sa akin. "Bakit?" Nanginginig ang laging tanong ko. Napasapo ako sa aking mukha at nagsimulang kabahan.

Get a grip, Ena! Damn it!

"Call the expertise!" Utos ko na agad nilang sinunod. Nagtakbuhan Ang mga inutusan ko upang tawagin ang mga expertise. Magkasunod na pumasok ang dalawang healer ng Magia Academia.

Agad silang lumapit sa nakaratay na katawan ni Eli. Sinenyasan ko ang ibang estudyante na lumabas muna at bigyan kami ng pribadong pagkakataon.

"Hindi malalim ang kanyang sugat ngunit nawalan siya ng lakas dahil sa paggamit niya ng kanyang kapangyarihan."

Gulat kaming lahat na naroon kabilang ang kanyang kaibigan nitong si Gwen.

I stepped closer to them.

"Kapangyarihan ho?H-hindi pa po natutukoy ang kanyang kapangyarihan," sagot ng babaeng kaibigan ni Eli, si Gwen.

Tinapunan siya ng tingin ng isa sa mga expert healers pagkatapos ay tumingin sila sa akin.

"Tatlong araw pa bago siya magising."

My brows creased. Three days?!

"Bakit ang tagal? Ngayon lamang siya nag-ensayo ng ganoon at hindi malalim ang kanyang tama!" I exclaimed out of frustration.

Hindi ko maramdaman ang kapangyarihan na sinasabi ng isa sa expertise. Something's wrong. I am the most powerful Magian here and I supposed to feel her powers.

"Hindi rin namin alam kung bakit ganun ang naging epekto sa kanya ng saksak ng dagger," sagot ng isang expertise.

Hinawakan ni Remi ang aking braso para pakalmahin ako. I looked at her with disbelief. Kahit ang kaibigan ni Eli at naguguluhan sa mga nangyayari.

Nagpaalam saamin ang dalawang expertise at umalis sila. Naiwan kami roon na tulala. Tulala ako sa katawan ng batang babaeng nakaratay ngayon at namumutla ang mga labi.

They removed some toxins in her body. Toxins na galing sa dagger.

Gulong-gulo talaga ang utak ko. Hindi ko maiproseso ng maayos.

"Let her rest," utos ko sa mga kaibigan niya at nilisan ang clinic. Pinanood ko silang makaalis bago ko inihilamos ang palad sa mukha.

Ibinilin ko sa isang Magian na naroon sa clinic si Eli. I need to do something.

Napahawak ako sa aking sentido at napaupo sa aking swivel chair pagkapasok na pagkapasok sa aking opisina. I felt so miserable.

Nakasunod sa akin si Remi na tahimik din. "Bakit ganon ang naging epekto sa kanya ng tama, Ena?" Hindi niya matiis na tanong.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now