CHAPTER 17: DRAVEN DASH

228 11 0
                                    

***

Draven's Pov

Pagkasabi ko lahat sila ay nagulat maliban nalang kay Evander na nananatili ang masamang tingin saakin.

Lihim akong napangisi at napatingin kay Eli na nakanganga sa gulat.

She's so cute.

"L-lola mo ang pinakamagaling na babaylan sa kasaysayan?" Si Gwendyln ang unang naglakas loob na magtanong.

Maski si Alvis ay hindi alam ang tungkol dito. Hindi nila alam na ako ang apo ng pinakamakapangyarihang babaylan.

Marahan akong tumango sa tanong ni Gwendyln.

"Maghanda kayo, papasukin natin ang temptasyon ng kagubatan" anunsyo ni Evan. Maging si Faris Adleigh at Gabriel ay nagsihanda.

Matagal ko ng hindi nakikita ang aking lola at nakalimutan ko na kung ano ang mayroon sa kagubatan na iyon, ang alam ko lang masyado iyong mapanganib.

Walang ibang daan na mas malapit maliban doon.

"Paano?" Ramdam kong pilit siyang sumasabay saakin kahit na sobrang iksi lang ng hakbang niya. Palihim akong natawa. She's so cute!

"Alin?" Kunwareng inosenteng tanong ko sa kanya kahit na alam ko ang tinatanong Niya. Just want to pissed her off.

Kumunot ang noo niya habang nanatili ang mata sa daanan.

Her reactions is priceless.

I started to tell her while we're walking.

Ikinuwento ko lahat na anak ako ng nagiisang anak ni inang na namatay dahil sa sakit. Inalagaan niya ako at inaruga. Inilayo sa magulong mundo ng Meyer at itinago sa lugar kung saan siya naroon ngayon.

Noong naging mapanganib ang kanyang buhay sa Hindi ko malamang dahilan. Ipinadala niya ako sa academia kasama ng tungkulin niyang ipinagpatuloy ko.

Hindi ko na binanggit sa kanya ang tungkulin ko dahil hindi pa ito ang oras para malaman niya. Masyado pang maaga at maguguluhan pa siya.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin saakin kung bakit kailangan ang misyon na iyon. Maski sa akin ay misteryo ang babaeng ito.

"B-bakit? May dumi ba sa mukha ko?" My senses back when she suddenly asked me.

"Stop" natigil kami ng matanaw na namin ang bukana ng kagubatan.

"This forest is Enchanted." Nabibilib din ako sa ikalawang silang na Creed. Isa siya sa pinakapasaway na senior pero pagdating pala sa misyon, seryoso siya.

I never see him in this kind of situation, ngayon lang. Palaisipan pa rin saakin kung bakit namin ibabalik si inang sa academia.

Ano bang purpose mo headmistress?

Alam kong may koneksyon si inang kay headmistress, at alam kong malalim iyon.

Humarap si Evander sa lahat at saglit niyang tinapunan ng tingin si Eli na inililibot ang mata. Parang ngayon lang siya nakakita ng ganito kakinang na kagubatan.

"What's your biggest temptation?" He asked. Natigilan kaming lahat lalo na ang katabi ko.

Kita ko ang pagtulo ng butil ng pawis sa kanyang noo.

She's nervous.

"Our Father" si Faris Adleigh ang unang bumasag sa katahimikan na namayani sa amin.

"But he also taught us not to grieve in the middle of missions" the first born Creed is the first girl who caught my attention. Sinong hindi?

Walang lalaking hindi magkakandarapa sa pinakaastig na babaeng missionary, hindi lang ng academia kundi buong emperyo ng Meyer.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now