—
Chapter 20: IdeaThird person's Pov
"Bakit hindi niyo siya nadala rito?! Hindi ba't sinabi kong dalhin dito? Mga bobo!" Nanggagalaiting sigaw ko sa aking mga tauhan. Pawang sila nakayuko at nakaluhod.
Sa sobrang gigil ko ay nais ko na lamang silang pugutan lahat ng ulo. Inis na inis ako sa mga pagmumukha nila.
"M-may nangyaring hindi inaasahan, commander." Nanginginig ang boses ng pinakapinuno sa ipinadala kong misyon.
Napadabog ako sa sinabi niya. "Lintek! Ang dami-dami niyo?! Para mga bata lang Hindi niyo kinaya? Halos dalhin niyo na ang buong kaharian tapos uuwi kayong bokya? Mga inutil!" Asik ko.
"Pangyayaring? Anong walang kwentang pangyayari ba iyan?!" Hawak ko ng mahigpit ang baso sa aking kaliwang kamay.
Sobra ang pagpipigil ko dahil sa oras na hindi ko makontrol ang aking sarili ay tiyak na dadanak ang malansa nilang dugo rito. Ayoko pa naman mabahiran ng dugo ng hunghang ang palasyo ko.
"Ang bata . . ." nanginginig ang kamay na sabi ni Felos, ang namuno sa misyong. "Nasa kanya nga..." Ulit niya sa nauna niyang sinabi.
Gusto ko ulit mapairap ngunit noong mapansin ko ang pamumutla nilang lahat ay doon ko napagtanto ng hindi biro ang pinuntahan nila.
Alam kong kahit bata ang mga iyon ay sinanay silang makipaglaban.
"Kaya nga diba! Kaya nga kailangan natin siya!" Gigil na sigaw ko. Kahit alam ko naman na hindi ganoon kadali iyon ay iginigiit ko dahil mataas ang pride ko at ayaw kong tanggapin sa sarili kong natalo ng mga hamak na kabataan ang mga tauhan ko.
Kalahati pa sa mga ito ang hindi na nakabalik.
Tanging ang pagkabasag ng basong hawak ko ang ingay na namutawi sa loob ng silid na iyon.
"Mga inutil! Natalo kayo ng mga paslit?!" Panay lang sila yuko. Wala silang mga kibo dahil sa oras na may humamak na sumabat sa galit ko ay hindi na sisikatan ng panibagong umaga.
"Babalik kayo. . . babalikan niyo ang babaeng iyon at dadalhin rito bago sumapit ang kabilugan ng buwan. Kapag hindi nangyari iyon ay ihanda niyo na Ang sarili niyo sa nalalapit niyong kamatayan," huling utos ko bago ko sila palabasin.
Magtatagumpay ako. Maipaghihiganti ko ang sarili ko. Magtatagumpay ako at mapapasakamay kita. Sisiguraduhin kong ikaw ang magdadala ng delubyo sa buong academia.
\(◎o◎)/
Alvis's Pov
Patuloy ako sa pagkikilatis ng sitwasyon. Tagaktak na ang pawis ni Eli habang nakatutok sa kanya ang dagger ng isa sa kalaban.
Kuyom na kuyom ang kamao ni Draven na nanghihina dahil sa natamong sugat. Ang kanilang mga sandata ay alam kong may mahikang pangontra rin sa aming mga Meyer kung kaya't dapat pag-igtingan ang pag-iingat at pag-ilag.
Napuruhan lang si Draven dahil nag-aalala ang loko. Kahit ilang ulit niyang itanggi, alam kong may gusto siya kay Eli. Alam ko ang nararamdaman niya para sa dalaga na talaga namang may kakaibang ganda.
The way he look at Eli with fear and anger towards the man who is currently holding her. Kung wala lang galos ang mokong na iyon, kanina pa bumulagta ng dilat ang mata ng lalaking iyon.
Draven is so dangerous. Maging ako ay kaya iyong patunayan.
Takot sila sa liwanag, kaya kailangan naming hintayin ang pagsikat ng araw pero alam kong sinadya din nilang madaling araw umatake upang maitago at malinlang kami sa kanilang totoong plano.
BINABASA MO ANG
MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)
FantasyEli Celestia Pedroso knew that she is adopted but never ask who she really is. Until a tragedy happened, her parents were killed and a mysterious guy came to save her from unknown people. As she entered Magia Academia, a mysterious school of Magic...