CHAPTER 22: REVEAL

223 9 0
                                    

***
Eli's Pov

Marahan akong ginising ni Gwen at inayang kumain. Lahat kami ay nakaharap sa mahabang mesa ng matanda na may kalumaan na rin.

Nakahanda ang iba't ibang klaseng gulay at nakakatakam ang amoy nito.

Nagsimula kaming kumain at pansin ko ang isang pares ng mata na lantarang nakatingin saakin. Nakaramdam ko iyon at naiilang ako.

Pagkatapos kumain ay nagpresinta akong maghugas ng pinggan para makapagpahinga naman ang mga kasamahan ko. Tinulungan ako ni Gwen pero tumanggi ako.

"Anong pangalan mo iha?"

"Anak ng pating!" Gulat na usal ko at kamuntikan pang mabitawan ang platong hawak ko ng may magsalita sa likuran ko.

Magalang akong yumuko at bumati sa matanda.

"Eli Celestia po" marahang ngiti ko rito. Kita kong pilit niyang inaabot ang isang lalagyan sa kabinet kung kaya't ibanot ko ito para sa kanya.

"Napakabait at napakaganda mong bata" hindi ito ang unang beses na marinig ko ang papuri na iyon pero kakaiba ang dating ng kanya.

"Disisiyete ka na diba?" Tumango ako.

"Malapit na" naguguluhan ko siyang tinignan.

"Ang alin po?" Umiling siya sa akin.

"Patawad" natigilan ako sa paghingi niya ng tawad.

"P-para po saan?" Takang tanong ko. Nakita ko ang pamumula ng kanyang mata at ang nagbabadyang luha mula rito.

Tatlong beses siyang umiling at tinapik ang aking braso ng marahan.

"Masaya akong makita ka" makahulugan niyang sambit saakin.

"Sana mabuhay ka pa ng mahaba" at tinalikuran niya ako.

____
Ilang beses na akong nagpalit ng pwesto ngunit hindi ako makatulog. Pinagmasdan ko si Gwen na mahimbing na natutulog. Lahat sila ay nagpapahinga na.

Napabuntong hininga ako at nagsuot ng sapin ng paa. Kinuha ko ang aking hoodie at maingat na naglakad palabas.

Sinalubong ako ng sariwang hangin ng gabi. Malamig ang temeperatura dito sa tuktok ng burol.

Naupo ako sa narra na nasa malapit sa bahay. Tanaw ko ang madilim na daan sa ibaba na binibigyan ng liwanag ng hindi pa perpektong buwan... Ngunit napakaganda.

Itinaas ko ang ang kamay, bagay na palagi kong ginagawa sa tuwing pagmamasdan ko ang buwan.

Buwan ang paborito ko sa lahat, hindi ko alam pero pakiramdam ko konektado kami sa isa't isa.

Ang libo libong bitwin na humahabol ng ningning sa buwan ay napakagandang pagmasdan. Naalala ko si Rhythm, bata pa man siya pero kakikitaan ng dedikasyon sa pangarap... Pangarap na maging katulad ni ate Faris.

Isinandal ko ang likod sa puno at hinawakan ang aking kwintas.

"Bakit parang may kailangan akong malaman?" Tanong ko rito na parang isang kaibigan na sasagot sa tanong ko.

Gaya ng inaasahan wala akong natanggap na sagot.

Malamang di naman nakakapagsalita ang kwintas.

"Bakit pakiramdam ko matagal na akong nanirahan sa Academia kahit saglit na panahon pa lamang akong naroon?" Patuloy ako sa mahihinang tanong.

"At bakit malinaw na malinaw sa akin ang itsura ng emperyo kahit di ko pa man ito nararating?" Aaminin kong pangarap kong makapunta roon at personal na makilala ang mga magulang ni Gwen.

"Bakit parang wala pa akong nalalaman?" Nanumbalik saakin ang ala ala at napagdaanan namin sa paglalakbay.

"Bakit parang wala akong silbi? Lahat sila may ambag ako nalang wala" ngumuso ako at napakamot sa ulo.

"Hindi ka rin makatulog?" Napahawak ako sa aking dibdib ng marinig ang tinig ni Evan sa gilid ko.

"K-kanina ka pa d'yan?" Umiling siya.

"Kakarating ko. P'wede ba akong makiupo?" Paalam niya at itinuro ang tabi ko. Tumango naman ako kahit parang ayoko.

Isinandal niya ang ulo ay pumikit. Anong trip nito? Di makatulog sa loob tapos dito matutulog, siraulo.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin at nagmulat ng tingin. Ngunit ang mata niya ay nagsusumigaw ng kabaliktaran, sa kanya dapat ang tanong na iyon.

"Ikaw, ayos ka lang?" Binalik ko ang tanong. Malalim siyang bumuntong hininga.

"Pagod na ako" aniya.

"Edi pahinga ka na bat ka pa kasi lumabas labas rito" mahina siyang tumawa. Tawa na namimiss kong makita. Tila natunaw ang puso sa tawa niya at tipid akong ngumiti.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin"

"E ano?" Humalukipkip ako.

"Pagod na akong magkunwari" natahimik ako at inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"I want to hate her but I can't." Pumikit siya ulit. "Para ko na siyang nakababatang kapatid".

"Sino ba kasi yan?" Bat di nalang kasi niya sabihin saakin oa magrarant.

Char, gusto ko din naman makichismis.

Minsan lang to magkwento kaya sasamantalahin ko na.

"Si patch" naguguluhan ko siyang tinignan.

"Hindi ba?--" di ko natapos ang sasabihin ko dahil natawa siya.

"Sabi ko na pati ikaw naniwala" mas lalo akong naguluhan. Umangat muli ang sulok ng kanyang labi at saka tumitig saakin.

Bat anggwapo niya?

"Magkaibigan kami simula bata. Sa sobrang magkalapit namin akala ng iba na may namamagitan saamin. I know Patch likes me but I can't do the same" mataman akong nakinig.

"When we discovered that her father killed my dad, my family and our friends hated her. I want to hate her too but I didn't"

"tanging ang pamilya, kaibigan at matatas na konseho ng Academia lang ang nakakaalam ng totoong dahilan kung bakit nawala si Patch. She's sick, walang magawang gakot ang mga babaylan sa sakit niya. They all think, it was a black curse" bakit niya sinasabi saakin ito kung ganon?

"All of our friends think that we are more than friends, but we are not. What they see is all an act" kunot noo ko siyang tinignan.

"E bakit di mo pa kasi sabihin sa kanila?" Umiling siya.

"Hindi rin sila maniniwala. Why keep on explaining when people won't believe you anyway?" Natahimik ako sa tanong niya.

"instead of defending yourself, let them believe for nothing" aniya at nagkibit balikat.

"E bakit kasi di mo siya magustuhan? Maganda naman sita at mabait" kasinungalingan po yung pangalawa.

"Hindi ko din alam. Pakiramdam ko matagal ng may umangkin sa puso ko" diretso siyang nakatitig sa mga mata ko. Ang swerte naman ng babaeng mamahalin mo. Sanaol.

"Nagka girlfriend ka na ba?" Bigla nalamang lumabas sa labi ko iyon.

"Hindi pa" duda ko siyang tinignan at natawa muli siya.

"Gaya ng sabi ko sayo hindi ko makita ang sarili ko sa kahit na sinong babae sa academia" palihim akong napahawak sa aking dibdib. Ouch.

"Maliban sayo" may ibinulong siya pero di ko gaanong narinig.

"Ano yon?" Tumayo na siya at pinagpagan ang jeans na suot.

"Wala. Ang sabi ko halika na sa loob at malamig na rito" aniya at inilahad ang kanyang kamay.

Napatitig ako roon at nagdadalawang isip kung tatanggapin ko ba o hindi.

Dahil natatakot ako na kapag hinawakan ko na, hindi ko na gustong bitawan pa.

Na baka kapag tinanggap ko baka masaktan lang ako.

Pero sa huli namalayan ko nalang ang sarili kong nakapatong sa kamay niya.

Marupok ako e.

***

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now