CHAPTER 2: Magia Academia

515 18 0
                                    


2: Magia Academia

Eli's Pov

"Hindi siya maaaring paslangin mahal na hari." Napalingon ako sa isang matandang nagsalita. Mayroon itong nga kwintas na gawa sa bungo ng hayop. Katulad nila, hindi ko rin maaninag ang mukha nito.

Kasalukuyan niyang hawak ang isang....

Sanggol.

Nasa tabi ng sanggol ang babaeng walang mukha at wala siyang malay.

"Bakit hindi, inang babaylan?" Malumanay na tanong ng hari sa tinawag nitong babaylan.

Yumuko ang babaylan. "Dahil bukod sa siya ang magliligtas sa buong emperyo at nasa kanya ang kaligtasaan ng buong emperyo. Kaya mo bang pasalangin ang iyong sariling apo, mahal na hari?" hindi ko makita ang ekspresyon ng tinatawag nilang hari maging ang kanyang mukha.

Bakit narito nanaman ako sa wirdong panaginip na 'to? Kailan ba ako makakatakas dito? Ano bang kinalaman niyo sa aking pagkatao, mayroon nga ba?

"Sa paanong paraan?" Ang hari ay napatingin sa sanggol na mahimbing na natutulog.

"Dahil siya ang itinakda ng propesiya, ama." Gising na ang babaeng walang mukha at kasalukuyang lumuluha. Tumatangis niya habang nahahabag na nakatunghay sa inosente nitong sanggol.

"Taon ang lilipas at magkakaroon ng kaguluhan."

"Kaguluhan? Edi mas maiging kitlin natin ang buhay niya dahil dumadaloy sa kanyang dugo ang dugo ng kaaway!" Sigaw ng hari.

"Ang kaguluhang 'yon ang maghahatid saatin ng ating kamatayan," seryosong Sabi ng babae bagaman dinig ko pa rin ang paghikbi.

"At tanging ang anak ko lang ang makakagawa ng paraan, ama. Kung papaslangin mo ang anak ko, paslangin mo na lang din ako." Ang huling salita ng babae bago lumabo ang lahat.

"What did you do to her Evan?" Boses ng isang babae ang una kong narinig. Ang bigat ng pakiramdam ko at halos hirap akong igalaw ang buo kong katawan. Bago ako magising kanina ay naririnig ko ang isang paghele.

A song that made me woke up, hindi ko alam kung anong klaseng mahika iyon at bakit ako nagising.

"Nothing big sis! Pinatulog ko lang siya!" Depensa ng lalaki. Kilala ko ang boses na 'yon. Paano ko makakalimutan?

"She's awake ate Faris!" Mas matinis na boses ang narinig ko na tuluyang nagpamulat saakin.

Unang tumama ang paningin ko sa kisame ng sasakyan at tuluyan akong bumangon.

"Thank you, Rhythm. Mabuti nalang talaga at isinama kita kung hindi ay malilintikan itong lalaking ito," sambit ng babae.

"Hi ate ganda!" Tipid akong ngumiti sa batang gumising saakin. I think the voice behind that lullaby belongs to her. I get it that quickly because her name is Rhythm. Pero...is that a magic?

I stared at her. She has brown hair na hanggang balikat and gray eyes.

"Hello, anong pangalan mo?" I asked. Kahit alam ko na Ang pangalan niya ay gusto kong kumpirmahin ito sa kanya. Mahilig talaga ako sa bata at gusto kong magkaroon ng kapatid.

Ang mataba niyang pisngi ay umangat noong ngumiti eto.

"My name is Rhythm, but kuya Evan and ate Faris call me Rhy!" Masiglang tugon nito saakin. I nodded. Napakabibo naman ng batang ito.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now