CHAPTER 4: Who Are You?

348 13 0
                                    


4: Who Are You?

Eli's Pov

Panay ang usisa ko kay Gwen ngunit tulala lang ito. Lahat ng estudyanteng nakarinig sa sinabi ni Head mistress ay lutang. Mababasa sa mga mukha nila ang takot at pangamba.

Ako ang nagsarado ng pintuan nang makapasok kami ni Gwen. Tulala pa din siyang naupo sa kanyang sariling kama.

Nakatitig lang ako sa kanya nang sumampa ako sa kama. Malalim ang kanyang buntong hininga at pinakatitigan ang kanyang kamay.

Ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang manahimik.

"Malapit ng maulit," ayon ang unang lumabas sa bibig niya sa haba ng oras na hindi siya nagsalita. Kahit ang dami-dami kong gustong itanong ay hindi ko alam kung saan ko uumpisahan.

"Ang alin?" Lakas loob kong tanong noong simulan niya ang magsalita.

Para siyang nahimasmasan sa tanong ko at nilingon ako. Ang mga mata niya ay lumungkot at ang mukha ay lumukot.

Inalis niya ang kanyang sapin sa paa at sumampa sa sariling kama.

"Malalaman mo rin, iaanunsyo yon sa lalong madaling panahon. Babala lamang ang binitawan ni Headmistress kanina."

Nakangiti na siya ulit saakin.

"Hoy matulog ka na unang pasok mo bukas. Hindi magandang nalelate ang mga new students."

Bumalik ang sigla ng Gwen na una kong nakilala kanina. Nauna itong matulog habang ako ay tulala sa magandang nitong mukha.

Hindi ko namalayan kung anong oras ako tuluyang nakatulog pero alam kong nakapaghugas pa ako ng katawan.

\⁠(⁠◎⁠o⁠◎⁠)⁠/

Maingay na kampana ang bumulabog sa lahat. Tingin ko alarm clock ito ng buong school. Ganito pala sila magising dito, kampana imbes na tilaok ng manok.

Nakaligo na si Gwen at nakaayos nang lumabas ako galing banyo. Iniabot niya saakin ang isang back pack na maliit.

Nang buksan ko ito ay walang laman. Tumawa si Gwen ng makita ang expression ng mukha ko. Dismayado kasi talaga ako, pakiramdam ko ay pinangloloko nalang ako ng mga tao.

"Sign ba ito na huwag na akong mag-aral?"

Gwen grinned.

"Isipin mo lang kung anong kailangan mo, kusang lalabas," she said chuckling.

Sinarado ko at humiling ng isang notebook at ballpen. Naramdaman ko ang bahagyang pagbigat ng bag at nang buksan ko ito'y tumambad saakin ang ballpen at notebook.

Mangha akong tumingin ay Gwen na nagkibit-balikat lamang. Pakiramdaman ko ay isa akong batang walang muwag na tuwang tuwa sa mga bagay na nakikita ko sa paligid.

Sinipat ko pa ang sarili sa uniform na katulad sa Lahat ng nakita kong suot ng mga nasa tertiary. Hindi ko madalas purihin ang sarili pero sa nakikita kong ako ngayon, masasabi kong ang ganda-ganda ko.

Hindi na ako magtataka kung bakit alam nila ang ang size ko dahil sinabi na ni Gwen na kusang mag-aadjust ang damit at sapatos para mag-fit sa gagamit.

Astig!

"Ahy oo nga pala!" Biglang pumitik ng kamay si Gwen kaya napatigil ako.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya. Inayos niya ang kanyang salamin at hinarap ako.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon