CHAPTER 10: Blood

243 12 0
                                    

-
10: Blood

Eli's Pov

"Teka sandali!" Sigaw ko. Hinihingal ako sa paghabol sa babae ngunit hindi ko siya maabutan. Andito muli ako. Ang panaginip na naaalala ko lamang kapag napunta ulit dito.

Takot ang namayani sa kanyang mukha nang magtago siya sa isang damuhan.

Medyo naaaninag ko ang kanyang mukha pero hindi malinaw. She looks pale and tired.

Para siyang hinahabol ng kung ano.

Sisilip na sana ako sa kanyang pinagtataguan noong makita ko ang mga paparating. Nasa sampung mga lalaki. Naestatwa ako at dalawang bisig ang kumabig saakin. Sa itsura ng mga lalaki, ramdam na ramdam ko ang banta na dulot nila.

They are dangerous...deadly.

"Hindi ba sinabi ko sayong huwag kang babalik dito! Ang kulit mo!" mariin ang pagkakasabi ng tinig. Kilala ko ang tinig na ito ngunit bakit hindi ko maalala.

"Hindi ko ginugustong mapunta rito," mahinang angal ko.

Ang dalawang mata ko'y pinapanood ang babaeng pinagpapawisan sa kaba. I wanted to step out of the person hugging me and go near her pero hindi niya ako bitawan.

Hindi nagsalita ang lalaking nakayakap sa likod ko but I can clearly hear his breathing.

"Sino ka?" Mariin kong tanong. I faced him. I can see a little parts of his face, but because it was dark, all I can see we're little.

"Deja que tu corazón me reconozca mi amor," bulong niya. My forehead creased.

"Hindi kita maintindihan," reklamo ko.

He cupped my face. He leaned closer to me.

Nanlaki ang mata ko dahil unti-unti kong naaaninag ang mukha niya.

"Ako si----"

"Damn it! Wake up Eli!" Nanginginig na ang boses ni Gwen. I slowly opened my eyes. I looked at her confused. Umiiyak na ito at halos namamaga na ang mata.

"Oh my God!"

Niyakap niya ako. She cried on my shoulder. Nanginginig din siya dahil ramdam ko ang kamay nitong nasa aking likuran. Her palms are cold.

I held her shoulder so she could face me. "What happened?" Tanong ko.

She pouted as her tears kept in streaming down on her face. "Binabangungot ka! Isang oras na kita ginigising ngunit hindi ka magising!" Humagulhol na sumbong niya.

She cupped my face and scanned my eyes. "Tell me, anong napanaginipan mo?" Napahawak ako sa ulo ko at napailing. I tried remembering but I can't.

I looked at her frustratedly. "Hindi ko maalala." Nalaglag ang balikat niya.

Malayo ang tingin ko sa pag-asang maalala ko ang nangyari. "Ngayon lang ulit ako binangungot," sambit ko kay Gwen na ngayon at nagpupunas na siya ng luha.

"Wag ka nalang matulog!" Aniya. Mahina niya akong hinampas sa balikat.

Natawa naman akong tumingin sa kanya. "Baliw ka."

Pinakalma ko muna si Gwen bago ko siya yayaing pumasok. I know we're late pero dahil ayaw niyang pumasok na pangit, she did some magic to hide her misery.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now