CHAPTER 8: She's Back

261 14 0
                                    


8: She's Back

Eli's Pov

Para akong pinalo palo sa sakit ng buo kong katawan. Napapangiwi kada galaw kaya nanatili nalang ako sa iisang posisyon. Pakiramdaman ko ay isa na akong hamak na baldado.

"Bakit hindi mo ako ginising?"

Tatayo na sana ako nang ng maramdaman ang nanatiling sakit ng buo kong katawan. Alam kong hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa kangingiwi.

Kinapa niya ang noo ko noong marinig niya ang namamaos kong tinig.

"Ang taas ng lagnat mo!" Nag-aalalang wika ni Gwen at nagtungo sa drawer para kuhanan ako ng gamot. Natataranta pa ito at halos magkandahulog-hulog ang dinadampot.

Ang weird lang kasi, may tabletas sila kahit p'wede naman gumamit ng potions.

"Hindi ka pa p'wede sa potions, hindi pa nagbeberde ang dugo mo. May tendency na mamatay ka kapag komontra ang potion sa katawan mo," seryoso niyang wika saka ako inabutan ng tubig.

"Wag ka munang pumasok at magpahinga ka."

Humalik siya sa noo ko at nagpaalam. Bumalik ako sa pagkakahiga at hinila ng antok. Dahil na rin siguro sa sobrang sama kong pakiramdam kaya madali akong nakaidlip.

Nagmulat ako sa hindi pamilyar na lugar. Narito nanaman ako sa panaginip na hindi ko maalala sa tuwing didilat ang mata ko.

"Papatayin ako ni ama," umiiyak ang babaeng walang mukha habang hawak sa kamay ang isang lalaking ngayon lamang umeksena sa aking wirdong panaginip.

"Hindi pa ako handa," malamig ang kanyang tinig na mas lalong ikinahagulhol ng babae.

Nakarinig ako ng madaming kaluskos at ng akmang tatakbo ay may kamay na humila saakin at tumakip sa aking bibig. Kahit na hindi pamilyar sa akin ang humila ay hindi man lamang ako nakaramdam ng kahit na anong kaba.

"Huwag kang maingay, maririnig ka nila." Pamilyar ang kanyang tinig ngunit hindi ko maalala kung saan ko 'yon narinig.

Sino siya? Anong ginagawa niya rito? Isa ba siyang tao sa panaginip ko? Paanong nakikita at nahahawakan niya ako? Kung hindi, isa ba siyang manlalakbay gamit ang panaginip?

"Bumalik ka na sa mundo mo, maraming bagay pa ang nag-aantay sayo," mahina niyang sabi.  Aangal pa sana ako pero namanhid ng tuluyan ang buong katawan ko sa panaginip na iyon at nandilim ang aking paningin.

"Okay na siya."

May tinig akong naririnig na dahilan kung bakit ako naalimpungatan. Hindi pa gaanong malinaw kung kaninong tinig 'yon pero ramdam ko rin ang lamig na dumaloy sa buong sistema ko.

Nakadungaw saakin si Ava at katabi niya si Gwen na nag-aalala. Kapwa kunot ang noo nila pero mas lamang ang pagkakakunot ng noo ni Ava.

"Kanina pa kasi siya umuungol hindi ko magising-gising," Gwen worriedly said. I can hear her shaking voice that's why I am pretty sure she's worried.

Napamulat na ako ng mata at napagtantong gabi na pala. Una kasing tumama ang mata ko sa bintana na nasa likuran ng dalawang babae.

Walang masakit sa katawan ko dahil sa pangagamot ni Ava. Alam kong si Ava 'yon dahil nagniningning ang nanginginig niyang mga palad.

Napahawak pa siya sa kanyang noo na tila nahihilo.

"Thank you," sinseryong saad ko noong makita ang pagod sa mukha ni Ava.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now