CHAPTER 23: DANGER

216 11 0
                                    

***

Eli's Pov

"Magsigising kayo at aalis na tayo" naalimpungatan ako sa pagtawag ni inang.

"Akala ko po ba mamayang hapon nalang tayo babalik? Inaantok pa po ako" pasuray suray na reklamo ni Patch.

Nagising ang buong diwa ko ng makarinig ng kaluskos.

"Nasundan nila tayo" nagsitayuan kaming lahat at pinulot ang aming gamit.

"Wag kayong maingay" sinenyasan kami ni ate Faris. Galing siya sa labas at kinandado ang pinto.

"Marami sila" si Draven dahil alam kong ramdam niya ang kanilang anino.

"W-what should we do?" Natatakot na sambit ni Heater. Frost held her hands.

"Bantayan niyo ang maaari nilang pasukan at gagawa ako ng lagusan pabalik sa academia" wika ni inang babaylan.

May katandaan na ito kung kaya't matatagalan ang proseso ng kanyang gagawin. Maganda pa rin ang mukha ng matanda. Ang sabi ni Headmistress hindi kumukulubot ang balat ng isang magia, ngunit bakit nangungulubot na ang matanda?

Lumayo kami ng kaunti sa kanya habang ang iba saamin ay nagiging alerto sa maaaring manyari. Ang kaninang mahihinang kaluskos ay mas lumakas senyales na nasa malapit na sila.

Ipinikit ko ang aking mga mata at takot ang una kong naramdaman ng maramdaman ko ang presensya ng lalaking nanutok saakin ng kutsilyo.

Kung dati ay nakalabas ang kanilang mata sa kanilang kasuotan, ngayon ay nakasuot sila ng salamin.

Napapalibutan nila kami!

"Yumuko kayo" si Alvis ang nagsalita na agad naming sinunod.

Mayroon ng maliit na liwanag mula sa pader kung saan gumagawa si inang ng lagusan.

Napatakip ako sa aking bibig ng marinig ang pagpilit na buksan ang pinto.

"Paano sila nakasunod saatin?" Takang tanong ni Draven sa lola niya.

"May proteksyon ang dampa na ito at hindi nakikita ng kahit na sino kung hindi naisin ng naninirahan rito. Maliban lamang kung...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil ang pamimilit na pagbukas ay mas naging agresibo.

"I'll build a Barrier" sambit ni Frost at pinatigas ang pinto gamit ang yelo. Tinulungan siya ni Gwen na ginawang snow lahat ng bintana kung kaya't kailangan naming magsuot ng jacket dahil sa lamig ng kapangyarihan nila at lamig ng madaling araw.

Nakapikit si Evan at parang relax sa nangyayari ngunit mapapansin ang tagaktak ng pawis na nagmumula sa kanyang noo. Walang balak lumapit sa kanya at ako sana ngunit hinawakan ni Gwen ang braso ko at umiling. Bakit kaya?

Tumigil ang agresibong pagbabaklas ng pinto at ang kaluskos.

"Kaunti nalang sila" sambit ni ate Faris na nakatingin kay evan. Pansin ko ang ugat sa ulo ni Evan at nagaalala ako para doon.

Kita rin ang pagaalala sa mukha ni Patch ngunit wala siyang magawa.

Lumalaki na ang lagusan.

"Lalabas ako" presinta ni Draven na agad kong inilingan. Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Don't worry about me" kinindatan niya ako at sa isang iglap ay nawala. Tahimik ang paligid sa labas na nagpapadagdag sa kabog ng dibdib ko.

Binalanse ng kapangyarihan ni Heater ang kapangyarihan ni Gwen at Frost. She gave us warmth.

Ilang minuto na at hindi pa din bumabalik si Draven.

"L-lalabas ako" kunot noo nila akong tinignan lahat. Humarang sa pintuan si kuya Gab at dinaganan ito ng mabibigat na bagay.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें