CHAPTER 28: INCIDENT

204 14 2
                                    

***

Eli's Pov

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula ng magkamalay ako ngunit ngayon lamang ako pinayagang makabalik sa pagaaral.

Noong isang araw lang ay nagising ako sa kwarto namin ni Gwen ngunit wala siya. Palaging ganon kaya ngayon ay inagahan ko ang gising upang pormal na makakalap ng balita sa kaganapan na hindi ko natunghayan.

Suot ko ant school uniform at backpack ay tinahak ko ang madilim na pasilyo ng dorm at tanging yabag ko lang din ang naririnig ko ng makababa ako.

Naglakad ako papuntang history class para mapansing lahat ay sarado. Kabadong nagtatakbo ako papuntang hall pero napatigil at napatunganga sa aking nakita.

Ang buong estudyante ng Magia Academia ay nasa wide space. May kanya kanyang parte at maayos na nageensayo.

Nakita ko sa gilid ng mata si teacher Remi kaya agad ko itong hinabol.

Gulat pa siya ng hawakan ko siya sa braso.

"O-oh Eli, kamusta ang pakiramdam mo?" Nilalaro niya ang susi sa kanyang kanang kamay.

"Ayos lang po. Uhm ano pong nangyayari?" Naguguluhan kong inikot ang mata sa kabuuan ng academia.

"Nageensayo sila. Ikaw magpalit ka na rin ng PE uniform mo at sisimulan mo na rin ang ensayo" ngumiti siya sa akin.

"P-para saan po ang ensayo?" Takang tanong ko.

"For safe protection." Ngumiti siya saakin at nagpaalam.

Nagtatakbo ako papunta sa locker ng mapansing may tao rito at naguusap sila.

"Seryoso ba si President? Paano niya nagagawang ipagpalit si Patch sa bagong salta lang?" Tanong ng blonde sa short hair. Kibit balikat lamang ang sinagot ng isa.

Ng wala na sila sa paningin ko ay dali dali akong nagtungo sa cr at nagpalit habang iniisip ang narinig.

"Hindi naman si Patch at Evan pero sino naman kaya ang bagong salta na tinutukoy nila? May pumasok kaya habang tulog ako?" Nakasibangot na ako sa iniisip.

Grabe naman 'yon, di pa lang ako nakakaamin may karibal nanaman.

"Wala"

"Ay kamote!" Hinampas ko siya ng aking uniform.

Tawa tawa siyang tinignan ako.

"Anong ginagawa mo rito?" Pinanungkitan ko siya ng mata.

"Nag papatron, ako President dito remember?" Tinaasan niya ako ng kilay at inirapan ko naman siya.

"E ikaw bat andito ka? Diba dapat nageensayo kayo? Lumalabag ka sa batas a.." ngumisi siya at akmang hahawakan ang palapulsunan ko ng takbuhan ko siya habang tumatawa.

"Asa ka! Exempted pa kaya ako che!" Asik ko sa kanya at binilisan ang pagtakbo dahil hinahabol niya ako.

"A basta halika rito may parusa ka!" Rinig ko ang malulutong niyang tawa.

Napapangiti nalang ako ng palihim sa nangyayari.

Nakababa na ako at unti unting napatigil ng makita ang kumpulan ng mga estudyante sa wide space.

"Huli ka!" Aniya at pabirong niyakap ang leeg ko ngunit tumigil din siya ng makita ang tinitignan ko.

"What's happening?" Bulong na tanong niya at naglakad papunta roon habang hila ako sa kamay.

Nagsitabi ang mga estudyante at ang iba ay nagbubulungan ng makita kami. Naiilang ako ngunit isinawalang bahala ko nalang.

Hindi naman nila ako ganito tignan noon a?

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now