CHAPTER 7: Letter of War

256 14 0
                                    

-
7: Letter of War

Eli's Pov

"I can also teleport to the shadow I wanted to follow."

Napalayo ako sa kanya dahil sa gulat. Kusa ang paa kong humakbang palayo dahil sa pagkailang na naramdaman ko.

Naglakad siya pabalik sa entablado ng hindi ako tinatapunan ng tingin.

Kita ko sa gilid ng aking mata ang nakakunot na kilay ni Evan. Pati ang pag-igting ng panga niya ay hindi nakatakas sa paningin ko.

"Good job, students!" Malaki ang ngiti na puri si sir Falcon.

Pagkatapos ng maiksing komento ay binigyan kami ng oras para magpahinga, kumain at mag-usap.

Kanina ko pa sinusundan ng tingin si Draven na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan kay Alvis. Hindi ko makuha kung bakit ako ang ginanon niya. Hindi kasi ako sanay na mayroong taong kasing lapit ng ginawa niya.

"Magbest friend 'yang dalawang yan," komento ni Gwen nang mapansin ang pagsulyap ko sa kanila.

She chuckled a bit. "Hindi ko lang alam kung paano at kung saan sila nagkakilala," kibit balikat niya.

Kinahapunan ay nagpaalam si Gwen saaking magtutungo sa Library. Nais niya akong isama pero nagdahilan akong masama ang pakiramdam at nais kong magpahinga.

Mayroon din kasi akong lakad at iyon ay ang alamin ang pagkatao ng nilalang na humamak sa akin.

Kanina pa ako nakasunod sa kanya. Nagpapasalamat ako na hindi niya maramdaman ang aking presenya.

Lumabas siya sa gate ng Tertiary, akala ko didiretso siya sa secondary o elementary pero hindi, dumaan siya sa walang katao-tao.

Mula kanina ay hindi na naalis ang kuryosidad ko. Patuloy ako sa pagsunod at nagtago sa malaking puno nang tumigil siya sa isang tumbang kahoy.

Umupo ito at nagsindi ng sigarilyo. He's smoking? Pwede pala manigarilyo ang estudyante rito?

Aalis na sana ako nang makarinig ng pagaspas ng ibon. Dumapo ito sa sanga na nasa harap ni Draven. Magandang klase ang malaking ibon na dumapo roon.

"She's fine."

Nagpalinga-linga ako. Sinong kausap niya?

Teka sinong kausap niya? Yung ibon?

Iritado itong tumikhim. "I know my responsibility. Tell your master that my eyes never fail to look before her," naiirita ang tono ng boses niya.

Wala akong naririnig mula sa ibon. Are they really talking? How?

Nanunuyang tumawa si Draven. Kaunti nalang ay iisip kong nababaliw siya pero nang mapagtanto kong hindi ito normal na mundo ay pumasok sa isip ko ang telepathy.

Tama! Telepathy! Kaya hindi ko marinig ang usapan nila ay dahil sa isip ng isa't isa sila nag-uusap. Galing!

The ability to talk using mind.

"Damn that ancestors, you idiot. Kailan ba ako makakalaya sa responsibilidad na hindi naman ako ang tumanggap?" Asik niya dito.

Ano kayang pinag-uusapan nila? Bakit kaya pikon na pikon si Draven? Sino ba talaga siya?

"Bakit ba kailangan ako ang sumalo sa responsibilidad ng lahi ko?" He scoffed. He brushed his hair irritated.

Humithit siya sa kanyang sigarilyo at bumuga ng usok.

"What? Naaasar na ako sa'yong ibon ka, kaunti nalang sasakalin na kita!" Mariin niyang banta. Pinapatulan niya ba pati ibon? Pinipigilan kong matawa dahil baka mabisto.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now