CHAPTER 13: The Answers

229 14 0
                                    



13: The Answers

Ena's Pov

"Nakahanda ba po ang lagusan, Head mistress," anang isang babaylan na tagaugnay ng Academia at emperyo. This is the fastest way to travel and the safest way too.

Hindi ligtas ang bumiyahe lulan ng karwahe kung kaya't humingi ako ng tulong sa isa sa mga babaylan upang mas mapadali ang aking pag-uwi. This will consume power but this is also worth it

"Maraming Salamat, Maria. Tara na."

Kasabay kong pumasok si Maria at Falcon sa lagusan na gawa ni Maria. Ang lagusan na gawa niya ay malamig sa balat. It's like a snow were touching my skin.

Iniluwa kami sa harapan ng emperyo at agad naging alerto ang lahat ng kawal, ngunit noong makita ako ay kapwa sila nagbaba ng espada at yumuko bilang paggalang.

I scanned the whole place. There's something eerie. Napakatahimik ng emperyo. This is not the place I used too! The Meyer I knew were loud and colorful...pero ngayon ay ang tamlay tignan.

Agad akong pumasok at agad namang bumati sa akin ang mga kasambay. "Mahal na prinsesa!" Sinalubong ako ng yakap ng aming kasambahay, si Yena, isa sa pinakamatagal na kasambahay ng emperyo.

Inanyayahan niya kaming pumasok, inaasahan kong dadatnan ko si ama rito na nagbabasa ng mga aklat at nakikinig sa malumanay na tugtog galing sa kanyang radyo ngunit isang malungkot at madilim na palasyo ang siyang nadatnan ko.

I felt uneasiness. Ang tagal kong nawala kaya hindi ko na alam ang mga bagay na nangyayari rito sa palasyo. Kung dito sa palasyo ay ganito na, paano pa kaya sa mga nasasakupan niya? How about the territories of this Empire?

Malamang apektado ang buong emperyo sa kung anong kalagayan ng namumuno.

Hindi ko na natiis at tinanong ko na si Yena. "Nasan si ama at ina?" Yumuko si Yena.

May pagdadalawang isip ito kung sasabihin niya. Limot niya yata na kaharap niya ang prinsesa ng emperyo at ang nilalang na kayang bumasa ng isip.

"Ang inyong ina ay nagkukulong lamang sa kwarto dahil sa kalungkutan habang ang mahal na hari ay..." binitin niya ang kanyang sasabihin.

Hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at dali-dali akong pumanhik paitas. Binuksan ang pinto ng kanyang silid at nanlumo ng makita ang kalagayan ng hari. Alam kong hindi niya ako gusto pero ama ko pa rin siya.

Nangangayayat ito. Hindi naman tumatanda ang nga Magian katulad ko, maliban lamang kung tinamaan ng mahika. Mahika rin ang papatay sa mahika

Nanlulumo ko siyang tinignan. "A-ama.." nanlambot ang aking tuhod na napaupo sa kanyang kama. Ang dating matikas na hari, ngayon ay payat na.

Ngayon nalalaman ko na kung bakit nagbibigay na ng hudyat ng digmaan ang Raven, dahil sa kalagayan ng Hari ng Meyer.

They thought we're weak because our king were ill.

Ngumiti si ama. Bagay na nagpadurog lalo sa akin. "Ellen, ang aking matapang at napakagandang prinsesa," hirap niyang usal. Tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Hirap na hirap siyang abutin ang aking mukha kaya kinuha ko na ito at inihaplos sa aking pisnge.

Ramdam ko ang paggalaw ng kanyang daliri at marahang pagpunas sa aking nga luha. This is the first time I cried Infront of him. Hindi ko siya naatim tignan noon, ngayon lang ulit.

Nangilid ang luha sa mga mata nito. "Patawad." Nagulat ako sa kanyang iniusal at mas lalong napahagulhol.

Ilang beses akong umiling. "Matagal na kitang napatawad ama," pag-iyak ko at niyakap siya. Yes, I already forgave him. Matagal na.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now