CHAPTER 33: WAR (PART 1)

204 11 0
                                    

***

Eli's Pov

Nagising nalang ako na nasa loob ng rehas at nakaupo sa malamig na sahig.

"Palabasin niyo ako dito!" Sigaw ko habang kinakalampag ang rehas. Nakarinig ako ng pagiyak sa kabilang selda. Nais kong gamitin ang aking kapangyarihan ngunit walang nangyayari.

"Kahit anong gawin mo, Hindi ka makakagamit ng kapangyarihan dito.." paalala ng taga bantay roon.

"Mommy!" Palahaw ng isang tinig. Isinandal ko ang aking tainga sa dingding at matamang pinakinggan ang boses.

"Shhh don't cry Rhythm, my sister and brother will save us.." nanlaki ang mata ko.

"R-raijin?" Mahinang bulong ko hanggang sa lumakas.

"Rhythm? Raijin?!" Sigaw ko habang kinalampag ang dingding.

"A-ate Eli?!" Hagulhol ni Rhythm. Nanlumo ako.

"Napakawalang hiya niyo! Idinamay niyo pa ang mga bata!" Gigil na sigaw ko ngunit ang yawang lalaki ay inismiran lang ako.

"Sisiguraduhin ko pag nakalabas ako rito tatanggalan kita ng ulo!" Banta ko sa kanya.

Narinig ko ang mga yabag papalapit sa selda ko.

"Leave..." Nagsiyukuran ang mga nakaitim na lalaki sa lalaking nakasuot ng silver masks.

Ng makaalis na ang mga ito ay tumama ang tingin niya saakin. Ang mga mata niyang bagaman blangko ay naghahatid saakin ng kakaibang kilabot.

Tumabingi ang kanyang mukha at marahan akong tinitignan.

Nakalagay ang kanyang dalawang kamay sa kanyang likod at ang bawat hakbang niya ay nagsusumigaw ng kakaibang presensya.

Napaatras ako ng dalawang beses.

"What do you want?" Tila umurong ang tapang ko ng sandaling marinig muli ang kanyang tinig.

Ang tinig na tila pamilyar saakin. Ang lamig ng boses na tila narinig ko na kung saan. Naipilig ko ang akong ulo at matapang akong nakipagtitigan sa kanya.

"Pakawalan mo ako at ang mga bata.." usal ko ng hindi pinuputol ang tingin sa kanya.

"And why should I do that?" Kalmadong kalmado ang paraan niya ng pakikipagusap saakin habang ako, maghuhurumintado ang loob dahil nais ko siyang lagutan ng hininga sa mismong kinatatayuan niya.

"K-kasi sinabi ko.." tumaas ang kilay ko. Siya ay napaayos ng tayo at maya maya lamang ay nagsimulang umangat ang kanyang balikat na nasundan ng malakas na pagtawa.

"A-anong nakakatawa?" Iritang tanong ko. Natigil ito at muling tumingin saakin at muling natawa.

"Baliw" bulong ko. Dalawang beses siyang tumikhim at muling umayos ng tayo.

"Very impressive" komento niya at inirapan ko siya ng mata.

"But I'm not idiot to let you go after a long chase.." ako naman ngayon ang natawa. Pagtawa na gaya ng kanya.

"Ganda ko ba masyado para habulin?" Inismiran ko siya. "Sorry pero hindi kita type.." usal ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

Kahit nakamaskara siya ay alam kong nalalayo ang edad niya saakin, and hello hindi ako pumapatol sa matanda.

"Feeling.." aniya na ikinatigil ko.

"Psh, ang dami mong satsat. Kung ayaw mo kaming palabasin pwes pakainin mo kami. Hindi pa ako naggabihan oh! Gutom na gutom na ako!" Sigaw ko at napaatras siya ng muli kong hinampas ang rehas.

MAGIA ACADEMIA ✓ (Under Major Revision/Editing)Where stories live. Discover now