Kabanata 43

2K 44 15
                                    

"I want another gown for my second outfit. What color can you suggest, hmm?" Donya Melvira's sweet voice entered my ear as she snatched gaze to Simon.

"Kahit anong kulay ang gusto mo," sagot naman ng kausap.

Nagkalat ang mga magazines at planners dito sa living room dahil abala ang Donya sa pagpaplano ng kaniyang nalalapit na kaarawan. She was turning fifty-three next week and they were all busy planning for her perfect day.

Kanina ko pa gustong umalis dahil tila ako hangin dito pero hindi ko magawa dahil nandito si Silious. Sitting above Simon's lap in particular while I was sitting on the adjacent sofa, holding a bowl of mashed potatoes and face towel.

"Hmm, I guess I will choose this," Donya muttered while pointing to the gown making the planner, Nyda nod her head.

"Mas bagay nga po dahil sakto sa gold theme."

"Okay, I want to try it tomorrow."

"Sure, Ma'am."

Hinalo ko ang mashed potato bago naglagay ng kaunting laman sa kutsarita at isinubo kay Silious. Nginuya naman nito ngunit isinuka rin ng may kasamang gatas matapos ang ilang segundo. Napaayos ng upo si Simon at dinungaw ang basang hita.

Hindi iyon napansin ng Donya dahil abala na ito sa pakikipag-usap kay Nyda. I, on the other hand wanted to let it be that way but I felt Simon's stare, silently urging me to clean his son's mess.

Sinulyapan ko siya at kita ko ngang nag-aabang ang kaniyang mga mata habang inaangat si Silious sa kaniyang hita. I placed the bowl above my lap as well as the face towel and moved my right hand to scoop Silous' mess on his lap. I felt his muscles stiffen when I touched his thigh despite the cloth.

Napaarko ang aking kilay. Muli ko siyang sinulyapan at seryoso lang itong nakatitig sa kaniyang hitang nasukaan. Inilagay ko sa face towel ang rumi, itinupi iyon bago nilapat muli sa kaniyang hita para mas malinisan. In my peripheral vision, I saw him clench his jaw.

I bit my lower lip and did what my mind ordered. Idiniin ko ang pagpupunas sa kaniyang hita bago marahang inalis ang kamay.

Rinig ko ang magaspang na pagbuga niya ng hininga. I gritted my teeth to stop myself from chuckling. I still affect you, huh?

Umayos ako sa pagkakaupo nang ibinalik niya si Silious sa kaniyang hita. Hindi ko na sinubok pang subuan uli ang bata dahil baka isuka niya lang ulit. I took that as a chance to get out of here. Kinuha ko ang maruming towel at bowl bago tumayo. All eyes darted at me.

"Ilalagay ko lang sa kusina," mahina kong paalam kay Donya dahil nakataas ang kilay nito sa akin.

Nang ibinalik nito ang tingin sa kausap ay umalis na nga ako roon at nagtungo sa pupuntahan. Tahimik ang paligid, walang nakakalat na mga kasambahay dahil katatapos lamang ng tanghalian kanina. Marahil ay nasa kwarto ang mga iyon para magpahinga. Inilagay ko ang mangkok sa lababo bago nagtungo sa isang hallway papunta sa cr para doon linisin ang towel ni Silious.

I entered the comfort room and went to the sink. I opened the faucet and started rubbing the towel to get rid of Silious's vomit. Nang iangat ko ang mukha para sana tumitig sa salamin ay napamura ako nang makita si Simon sa aking likuran, buhat-buhat pa rin ang anak namin.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat at napalingon. "You scared me!" I hissed because of shock.

His eyes moved down to where I placed my hand. Ginaya ko siya at doon ko natantong nahalata ang hulma ng aking bra dahil sa basang kamay na inilapat. I was wearing a white shirt! I narrowed my eyes back at him.

"What are you looking at?" I spat, didn't mind covering it up. What for?

Nagsalubong ang kaniyang kilay nang titigan ako. "Sinasadya mo ba?" Mabigat ang kaniyang pagbuga ng salita.

Sprouted Desire ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora