Kabanata 39

1.9K 54 19
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwalang hawak-hawak ko na ang anak ko sa aking bisig. Panay ang halik ko rito dahil sa matinding pangungulila. Itinayo ko ito sa aking kandungan at pinakatitigan. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang pigilan ang muling pagbugso ng damdamin.

My son, Sime—Silious, as what they called him was staring at me with his innocent eyes. My heart fluttered so fast I could hardly breathe.

Nalipat ang mata ko kay Donya Melvira nang tinawag nito ang pangalan ko. Tumingin siya sa akin na hawak ang anak ko bago nalipat iyon kay Simon.

"If you'll excuse us, I need to talk to Simon for a while," aniya ngunit ang tinig ay hindi naman nanghihingi ng permiso.

Napatingin ako kay Simon na ngayon ay nakatitig sa amin. Tumayo na ito bago lumapit sa Donya at walang lingong naglakad ang mga ito palayo sa aking kinaroroonan. Hindi nakatakas sa aking mata ang pagpulupot ng braso ni Donya Melvira sa baywang ng nauna. Nilunok ko na lang ang bahagyang pananakit ng lalamunan bago ibinalik ang atensyon kay Silious.

"S-Silious..." I slowly muttered, trying to get used for his new nickname.

Wala naman na akong magagawa kung 'Silious' nga ang napili nilang itawag sa kaniya kaysa sa nakasanayan kong 'Simeon'.

I played with his cute little fingers before I lovingly kissed them one by one. My son giggled. Napangiti ako nang maluwang.

"Nandito na si Mama anak, hindi na tayo magkakahiwalay ngayon." Dagdag ko at pinanatili siyang nakatayo gamit ang aking mga kamay.

Hindi ko akalaing ang bilis niyang lumaki. He was now one year and two months old.

May lumitaw na kasambahay na may hawak na pagkain. Napatingin ako sa kaniya nang tumikhim ito at bahagyang yumukod.

"Meryenda n'yo ho ma'am,"

Tumango ako't ngumiti nang bahagya. "Salamat."

Napatango lang din ito bago tahimik na umalis. Muli kong ibinaling ang mata sa anak ko. He was suckling his thumb. I gently squeezed him. Inalis ko ang suot na sling bag at binuhat siya. Tumayo ako at bahagya siyang hini-hele sa aking braso. I remembered doing this to him before.

Ilang minuto pa ako sa gano'ng sitwasyon nang makitang nahuhulog na ang mga mata nito. I smiled contentedly and caressed his fluffy cheeks.

"Napakaantukin mo talaga..."

I was snapped out when someone cleared his throat. Napaangat ako ng tingin at nakitang nakabalik na sina Simon at Donya Melvira. The latter slowly walked towards me. Inilahad nito ang mga kamay na punong-puno ng mamahaling mga pulseras. Pasimpleng humigpit ang pagkakayap ko sa natutulog nang si Silious.

"Kakausapin ka raw ni Simon kaya't kukunin ko muna si Silious," maarte niyang turan at bahagya pa akong tinaasan ng kilay.

I gulped hard as I stole a glance from Simon. He lightly nodded his nead, urging me to follow what Donya Melvira said. I silently gritted my teeth. Labag sa kaloobang ibinigay ko sa kaniya ang natutulog na anak.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanila hanggang sa tuluyan na silang makaakyat sa ikalawang palapag. Tiningnan ko si Simon na bumalik sa pagkakaupo tulad ng kanina. Itinagilid niya ang ulo, inuutusan akong sumunod na umupo.

I heaved a sigh and seated properly. I put both of my hands above my lap.

"Bukas ka nang magsisimulang mag-alaga sa kaniya kung gusto mo," panimula niya.

Huminga ako nang malalim. "Kung ayos sana ay hindi ako buong linggong pupunta rito."

Nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "So hindi araw-araw? Bakit?"

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon