Kabanata 26

1.7K 47 4
                                    


"Kumusta na ang Abuela mo?" Tinig iyon ni Simon mula sa kabilang linya.

Marahan kong isinara ang pintuan ng silid na pinasukan. Ito ang sarili kong kuwarto noong dito pa ako nakatira sa Marikina. "S-she's too weak now, Simon. Namamaalam na nga siya..." Nanginig ang aking labi.

Rinig ko ang magaspang nitong hininga. "Hindi natin maiwasang may mamaalam. Lahat tayo ay mamamatay rin kalaunan."

May bumikig sa aking lalamunan nang bumalik sa aking balintataw ang itsura nito kanina. Kita ko sa mukha ni Abuela ang paghihirap. "I... I'm not yet ready. I want her to stay longer," my voice wavered.

Para akong nauupos na kandilang napaupo sa kama. Doon na tuluyang lumabas ang inipong luha kanina. Seeing Abuela a while ago almost tore my heart apart. May mga nakasaksak sa kaniyang katawan na hindi ko malaman kung anong mga makinarya dahil wala naman akong alam sa mga gano'n. We hired a private doctor for her because it was too risky if we'd just let her go in and out of the hospital.

Simon hushed me on the other line. Hinahanap ko tuloy ang yakap niya sa akin. I needed him here right now.

We shifted topic after a while and spent a few hours talking before we finally bid goodbye. Kadarating pa lang namin dito pero parang gusto ko nang umuwi bigla. To stop me from sulking, I went out and my feet led me to my Abuela's room again.

Alas otso na ng gabi at kita kong katatapos lang siyang pinakain ng private nurse niya. Nang magawi ito sa pinto ay agad siyang ngumiti sa akin.

Gumanti ako ng ngiti bago naglakad palapit sa kaniya. Nagtungo ako sa gilid kung saan may upuan at naupo roon bago inabot ang kaniyang kanang kamay.

"Mi Hermosa nieta," paos nitong saad.

Tipid lamang akong napangiti habang mas ginagap ang kamay niya. "Ano pong nararamdaman n'yo Abuela? Do you want something? You tell me."

Marahan itong umiling. "I'm fine apo. It's just that... I could feel my time is about to come."

Nahigit ko ang hininga kasabay nang pagkirot ng dibdib. Nahirapan man sa paglunok ay nagawa ko pa rin siyang bigyan ng ngiti. "Thank you for everything, Abuela. I will always be grateful for you."

"I am thankful too," then she sighed dramatically. "I should've followed you in the hacienda so we could've had spent much time with each other when I was still strong." She inhaled sharply. "We're sometimes too oblivious in worldly things we almost forgot that life has its end..." Inilapat ko sa aking pisngi ang kaniyang kulubot na palad. I let her talk and talk until she voiced out everything she wanted to say. "Kaya ikaw, lubusin mo nang may katuturan ang buhay. Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay kaya't bago pa mangyari iyon, make sure that you have lived your life to the fullest."

"Y-yes Abuela," paos kong sambit.

She lovingly stared at me. "I want nothing but only your happiness, apo."

Hindi ko napigilan ang pagtakas ng butil ng luha sa aking kaliwang pisngi. Abuela's love for me was unconditional. She always treated me like her only princess... well, I was indeed her only granddaughter.

Kung bakit malayo si Abuela sa amin ay dahil mas pinili naming dito na lang siya para malapit lang sa hospital dahil kung sa hacienda ay aabutin pa ng ilang oras bago makapunta sa hospital doon. Besides, mas advance ang hospital dito sa Maynila kaysa sa amin at ayaw niya rin noon dahil sanay siya sa lungsod.

Hinayaan ko pa siyang magkuwento ng mga bagay na gusto niyang sabihin. I had fun reminiscing with her. Tunay ngang ngayon ka lang manghihinayang sa mga bagay na tapos na at hindi na maibabalik pa. We would always say: 'If we could just turn back the time' but honestly, we shouldn't have had regrets because in the very first place, we let things be that way.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now