Kabanata 10

2.1K 57 11
                                    


Malaki ang ngising binalingan ko si Simon. "Talaga?!"

Tumango siya at napangiti. "Oo. Mas malaki ang benta natin ngayon 'di tulad noong nakaraang taon."

"Wow! That's good news!" Pumalakpak pa ako habang minamata ang pera sa ibabaw ng lamesa.

Nandito kami ngayon sa loob ng opisina at kabibigay lang ni Simon ng pera. Naibenta namin kahapon lahat ng mangga'ng naani. Sa susunod na linggo naman kami maglalabas ng mais sa bayan.

"I think we need to celebrate this!" Hindi pa rin humuhupa ang saya ko.

Tipid lang siyang naiiling bago umupo sa aking harapan. Tinuruan ako ni Papáng nang mahigit dalawang linggo kasama si Simon. Aminado akong abot langit ang saya ko dahil araw-araw ko siyang nakakasama. 'Yon nga lang, hilig din ni Winona makisama.

"Hindi naman na kailangan Cres," mahina niyang wika.

Iling ang agad kong isinagot. "Ano ba kayo? Pinaghirapan n'yo 'to. Kung hindi dahil sa kasipagan n'yo hindi tayo makakabenta nang mas malaki ngayon."

He chuckled lowly before resting his back against the chair. Humalukipkip siya't tumitig sa akin. Bigla naman akong na-conscious. "Kung laging ganito ang mangyayari baka malugi pa ang hacienda."

Napasimangot naman ako at napaayos ng upo. "Ngayon lang naman," mahina kong bulong. "Isa pa, tag-ulan na."

Nagkibit-balikat siya, "Ikaw ang bahala."

Umuwi ako ng tanghali sa bahay para sabihin kay Papáng ang magandang balita. Saktong pagdating ko ay nakaupo na sila ni Mamáng sa hapag at parang hinihintay na lang ako.

"Papáng! Good news!" Napatili pa ako nang mahina habang hinahagkan sila ni Mamáng. "Mas malaki ang benta ngayon!"

Kapwa nanlaki ang mga mata nila. "That's good news indeed!" Mamáng smiled widely.

"Akala ko mababa ang benta ngayon dahil mahigpit nating kakompetensya ang kabilang hacienda."

"Well, I want to have a little celebration later. Is that okay Papáng?" I looked at him with pleading eyes.

Agad tumikwas ang kilay ni Mamáng. "Celebration? There's no need for that Cresencia. That's their job so no big deal."

Huminga ako nang malalim at nginitian si Mamáng nang tipid. "Just a 'thank you' celebration for their hardwork Mamáng. Isa pa, sa tingin ko'y malaki rin ang mapagbebentahan natin ng mais."

"Then? You'll throw another celebration for that?"

Umiling ako. "Of course not. Ngayon lang naman po."

"If that's what you want anak," singit ni Papáng na siyang nagpabalik sa aking ngiti. "Magpapaluto tayo mamaya kila Babet at tatawagin ko rin sina Aling Isang at Winona para may katulong sila."

Bahagyang tumabingi ang ngiti ko nang marinig ang pangalan ng huli. "S-sige Papáng, salamat po!"

"Sa halip na itinatago ang pera Gregorio ay hinahayaan mong ilusta lang ni Cresencia para sa mga dukha," mahina ngunit mariing hayag ni Mamáng.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil maski si Papáng ay hindi ito sinagot.

I went back to the storehouse after eating lunch. Kita ko si Simon na tumutulong sa pag-organisa ng mga naaning mais. Napatayo siya nang makita akong papalapit. Sakay ako ni Valir ngayon dahil malayo ang tinggalan sa bahay. Isa pa, masakit na sa balat ang sikat ng araw kaya't mas magandang mangabayo na lang kaysa maglakad.

"Kumain ka na?" bungad niya at pinagpag ang mga kamay.

Hindi ko maiwasang matitigan ang namamawis niyang matigas na kalamnan dahil wala itong pantaas na suot. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin nang makita kong nakatitig din pala siya sa 'kin.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now