Kabanata 31

1.6K 45 11
                                    


Tapik sa balikat ang nagpagising sa akin. Marahan kong iminulat ang mga mata para lang mapangiwi dahil sa hapdi. Ramdam ko ang pagkamugto nito dahil na rin sa magdamagang pag-iyak sa biyahe kanina. I looked sideways and saw Mamáng getting out of the car with her luggages. Nang igala ko ang mata sa paligid ay malungkot akong napangiti.

We were now in Marikina. Far away from Papáng, from hacienda and Simon.

Gabi na kaming nakarating kaya't agad na akong tumungo sa sarili kong kuwarto rito. Isinara ko ang pinto at nanghihinang napahiga sa kama para lang muling umiyak.

The first week was busy because we arranged all of our things. Kinaumagahan din nang unang gabi namin dito ay sumunod si Rica at ang ilang tauhan. I felt sad knowing that Babet wasn't here with me but I hid my disappointment. At least, nariyan si Rica para sa akin.

Mamáng didn't return my phone when I begged her so I didn't have anything to use to contact Simon. We already moved away yet I remained imprisoned.

"Senyorita, mag-ayos ka na po dahil check-up mo ngayong araw," maaliwalas ang mukha ni Rica nang sumilip sa aking kuwarto.

Nakaupo ako sa gilid ng kama at nakatunganga lang kanina. Wala naman akong ibang magawa. I didn't wanna go out too. Noong isang araw kasi ay natanawan ko ang dati kong kaklase noong nag-aaral pa ako rito. She smiled at me before her eyes darted on my baby bump. Without any word spoken, I could already feel her judgement through her eyes. Akma sana itong magsasalita nang tinawag na ako ni Mamáng papasok sa bahay.

"Naipuslit mo ba?" Pagbabaka sakali ko kahit ilang beses na akong nabigo.

Napalitan ng kalungkutan ang maaliwalas nitong mukha. "Hindi po Senyorita. Hawak pa rin po kasi ni Senyora ang cell phone ko at ipinapahiram lang kapag tumatawag sila Mama."

Mapang-unawa na lang akong tumango. Kahit gustuhin kong mamuhi at lalong manlumo ay wala naman na akong magagawa. This was my fate now. I should better get used to it.

That same day, Mamáng came along with me for my monthly check-up.

My life in the city was so plain and still had no improvement. Saka lamang ako nakararamdam ng kaligayahan sa tuwing bumibisita dito minsan si Papáng. No one dared mentioning Simon's name again since then. Pinagpatuloy namin ang buhay na tila hindi siya nakilala—maliban sa akin.

Umaakto man akong wala nang pakialam ngunit sa pagsapit ng gabi'y naghihinagpis ako sa sobrang pangungulila. I would always call his name lowly 'till I drifted to sleep.

Months passed by like an hour. Habang papalapit nang papalapit ang araw ng aking panganganak ay lalo akong kinakabahan. This was my first time for goodness' sake and yes, I admit, I was so afraid! Nakapanood ako kung paano paanakin ang isang buntis. Just with the thought of it wanted me to cringe again.

Month of May came and it was my seventh month. Hindi na ako masyadong naglalakad dahil nabibigatan ako sa aking tiyan. Nakaupo ako ngayon sa aming sala habang kumakain ng hati-hating prutas dahil wala naman na akong ibang magawa bukod sa pagnood ng tv o pagtunganga sa kawalan.

Mamáng didn't return my gadgets anymore and I already gave up on that part. Ang pagtatampo ko dahil doon ay tuluyan namang nalusaw nang pansin ko ang pagbabago ng pakikitungo niya sa akin. Ramdam ko sa mga kilos niya na atat at minsan ay nag-aalala rin siya sa kalagayan ko—lalo na sa magiging anak ko.

A smile crept on my lips as I caressed my tummy. "Can't wait to see you soon Simeon Eulyrious."

I felt him kick and I chuckled. When I knew about his gender, all I could feel was pure excitement and delight. Wala namang problema sa akin kung ano ang magiging kasarian ng magiging anak namin ni Simon pero ang kaalamang lalaki ito ay mas lalong nagpagalak sa akin.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now