Kabanata 13

1.7K 46 7
                                    


Mabilis na dumaan ang bawat araw. Wala namang pagbabagong naganap dahil tanging bahay-hacienda lang naman ang tungo ko. Habang tumatagal ay nasasanay na rin ako. Maybe this was really my fate, be stuck here in our hacienda.

It was Sunday and thank goodness, it wasn't raining! Nakaupo ako sa aming balkonahe rito sa ikalawang palapag habang nakatanaw sa malawak naming lupain. Basa ang lupa dahil sa malakas na ulan kagabi.

I held my cup of tea and gently sipped on it. My heart leaped when I saw a handsome topless man went out of the horse stables while a dirty white towel was hanging on his shoulders. Wala pang ibang tauhan sa kuwadra maliban sa kaniya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi habang mas tinititigan siya mula sa malayo.

Muling pumasok si Simon sa loob ng kuwadra at paglabas ay dala na niya ang kabayo ko.

"My baby," I softly murmured.

Sinimulan na niyang paliguan si Valir sa labas. Even from afar, I could imagine how serious his face was. Ganiyan naman talaga si Simon, masyadong seryoso at dedikado sa trabaho.

I dreamily sighed as I placed the cup above our mini table. Humalukipkip ako at ipinatong ang isang binti sa isa habang ang mata ay nakatutok pa rin sa kaniya. Hindi na yata talaga ako masasanay pagdating sa kaniya. Sa halip, bawat araw na lumilipas ay mas lalo akong nahuhumaling sa bawat katangian niya.

Humugot ako nang malalim na hininga. Ang papasikat na araw ay nagpapalitaw lalo ng kaniyang kakisigan. His body was now wet because of bathing Valir. Hindi na ako nag-abalang kumain pa ng nakahandang almusal dahil tingnan pa lang siya ay busog na busog na ako.

The heck you were talking about Cres?!

Ilang minuto pa ang nakalipas nang biglang gumawi si Simon sa aming bahay. Wala sa oras na napaayos ako ng upo. Itinaas niya ang isang kamay paharang sa kaniyang mukha dahil nakaharap sa kaniya ang araw. I bit my lower lip because of the mouth watering view in front of me.

Tumayo ako at lumapit sa baluster ng aming balkonahe. Ibinaba na niya ang kamay sa mukha at ngumiti sa akin. Malawak ang ngiting ginantihan ko siya. Kumaway pa ako na siyang ginawa niya rin pabalik. Naputol lamang ang aming titigan nang may tumikhim sa aking likuran.

Agad akong lumingon para lang makita si Babet. "Tawag ka nina Senyor at Senyora sa library Senyorita."

"Sige," tumango ako bago nilingon si Simon. Isinenyas kong aalis na ako at nakakaintindi naman siyang tumango.

Masaya akong tumungo kila Papáng. Nang pumasok ako sa loob ay seryoso silang nag-uusap ni Mamáng pero nang makita ako ay tumigil sila sa pag-uusap.

"Sit down anak," ani Papáng habang iminuwestra sa akin ang upuang katapat ni Mamáng.

Taka ko silang tiningnan. "Pinapatawag n'yo raw ho ako?"

Tumango si Mamáng at nakangiti nang bumaling kay Papáng. "We've been thinking a grand birthday party for you. What do you think hija?" Mamáng was all smiles.

Muntik na akong mapatampal sa noo. Oo nga pala at malapit na ang aking kaarawan.

"Ano ba ang gusto mong gawin natin anak? Any suggestions?" singit naman ni Papáng.

Agad akong umiling dahil sa kanilang tanong. "Ayaw ko nang magarbong handaan Mamáng. Kaunting salu-salo lang ay sapat na."

Agad umapela ang kaniyang mukha. "Oh no! It should be grand! Isa pa, dadalo ang mga amiga ko. Lalong-lalo na si Helena!" Maarte pa itong nagpamaypay.

Kusang bumaliktad ang ngiti kong papasibol. Tiningnan ko na lang si Papáng, "Gusto ko lang ng simpleng handaan Papáng. Isa pa, kung plano n'yong gawing magarbo ay hindi na aabot sa susunod na buwan."

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now