Kabanata 9

1.8K 62 19
                                    


Ipinagpasalamat kong walang sumunod sa akin palabas. Rinig ko ang galit na sigaw ni Mamáng pero agad ding nawala nang makalayo-layo ako. Inis kong pinahid ang luha sa aking pisngi. Naiinis ako sa narinig mula sa kanila.

Parang may sariling utak ang paa kong naglakad patungo sa kuwadra. Gabi na ngunit maliwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na nasa poste. Sa tingin ko'y mag-aalas nuwebe pa lang ng gabi ngunit wala na akong makitang mga tauhan na gumagala-gala sa paligid. Marahil ay tapos na nilang nalibot ang hacienda bago pumanaog sa kanilang mga tahanan na 'di kalayuan sa aming hacienda. Kung may mga tauhan mang gising magdamag ay doon lamang iyon sa bahay para magbantay.

Hindi naka-lock ang pintuan ng kuwadra kaya't malaya akong pumasok. Madilim dito sa loob pero dahil sa ilaw sa labas ay may sumisilip ding liwanag na nagsisilbing ilaw. Binaybay ko ang daanan patungo sa kinalalagyan ni Valir. Gusto ko mang magsaad ng hinaing kay Babet ay hindi ko magawa dahil makikita lang kami ni Mamáng doon.

Binuksan ko ang kahoy na pintuan nitong abot hanggang sa aking baywang. Nag-ingay siya at itinaas ang paa na siyang nagpangiti sa akin. Nilapitan ko ito at niyakap sa kaniyang leeg. Wala akong ibang matakbuhan kundi siya lang. Wala naman akong naging kaibigan dito sa hacienda maliban kay Babet na tauhan namin sa bahay.

Huminga ako nang malalim at kumalas kay Valir. Marahan kong hinaplos ang pisngi nito bago ako umupo sa dayaming nakalagay sa kaniyang tabi. Nakakainis isipin na wala akong ibang lugar na matakbuhan kundi rito lang. Gusto ko sanang tumungo sa ilog kaso wala naman akong madadatnang tubig do'n dahil wala pang tag-ulan.

"'Di bale, malapit nang matubigan iyon," mahina kong bulong bago tiniklop ang mga tuhod at mahigpit na niyakap.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko na inalintana ang mapanghing naaamoy. I placed my chin on top of my folded knees. Tiningnan ko ang madilim na langit sa bintana ng kulungan ni Valir.

Nakarinig ako ng kaluskos kaya't agad akong naalerto.

"S-sinong nandiyan?" I bravely asked.

Iginala ko ang mata ngunit wala naman akong nakita. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at mas napahigpit sa pagyakap ng mga binti. Hindi naman ako takot sa multo pero aminado akong kinakabahan ako. Muli akong nakarinig ng kaluskos. Dumagundong lalo ang kaba sa dibdib ko.

"Kung sino ka man, umalis ka na lang," matapang ko pa ring usal.

Ilang sandali pa'y may dumungaw sa pintuan ni Valir na muntik nang magpasigaw sa akin. Kapa-kapa ko ang tumataas-babang dibdib. Dang this man!

"Hinahanap ka na sa inyo," seryoso ang kaniyang boses. Hindi ko man maaninag ang kaniyang mukha ay tiyak kong walang makikitang emosyon doon. "Nag-aalala na si Senyor at Senyora."

Napasamid ako sa narinig. "Wala pa akong balak umuwi," matabang kong sagot.

Kita ko ang anino niyang umayos ng tayo. "Pero pinapauwi ka na ng Senyo—"

"Ayaw ko pa nga!" Hindi ko naiwasang pagtaasan siya ng boses. Wala akong panahon makipag-usap dahil nagdadamdam pa ako sa aking magulang. "Better leave too. I don't need someone right now."

Hindi siya nasisilayan ng liwanag kaya't hindi ko siya gaanong makita. Kung hindi lang ako naiinis kila Mamáng ay tiyak kong natutuwa ako ngayong dadalawa lang kami sa kuwadra sa mga oras na 'to.

Pumihit na patalikod ang kaniyang katawan at naglakad palayo. Mapait akong napangisi. Akala ko mananatili siya rito. Bakit nga ba inaasahan kong mangyari 'yon? Hindi naman ako ang kasintahan niya.

Malungkot akong napatitig sa mga dayami. Siguro ay dito muna ako magpapalipas ng gabi. Ayaw ko munang makita sina Mamáng at Papáng.

Isinandal ko ang ulo sa pader at pumikit. Hindi pa lang ako nagtatagal sa ganoong ayos ay bumukas bigla ang pintuan ni Valir. Napamulat ako ng mata pero hindi binago ang posisyon.

Sprouted Desire ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ