Kabanata 46

2.1K 55 17
                                    

Iwinaksi ko sa isip ang mga katagang narinig mula kay Simon. Nasaktan man ako'y totoo naman. Kung hindi lang ganito ang sitwasyon ko ngayo'y kaya ko namang patunayan sa kaniya na ang anak namin ang lagi kong uunahin. Hindi lang talaga madalas sumasang-ayon ang tadhana sa akin.

Mag-aalas-otso pa lang ay nandito na ako ulit sa bahay. Habang sakay kanina ng tricycle ay hindi na ako mapakali. Inaasahan ko nang magagalit siya paggising niya na wala ang apo niya sa kaniyang tabi ngunit hindi ko inaasahan ang paghisterya niya.

Nasa labas pa lang ako ng bahay ngunit rinig ko na ang kaniyang boses. Minadali kong binuksan ang pintuan at kita ko siyang pinipigil ni Niko para huwag maibato ang hawak na vase.

"Mamáng..."

Napatigil siya sa pagpupumiglas at mabilis na bumaling sa akin. Binitawan niya ang hawak na vase na hindi napaghandaan ni Niko kaya't nagdulot iyon nang matinis na ingay.

"Cresencia Milan, where's my grandson?!" Sigaw niya sa akin habang ang mukha'y hilam sa luha.

Mabilis ang kaniyang paghinga at may galit sa kaniyang mga mata.

Naglakad ako palapit at hinawakan siya sa magkabilang kamay para pakalmahin. Kita ko sa gilid na sinimulan nang linisin ni Kristine ang nabasag habang si Niko'y naupo sa upuan sa sala.

"Mamáng..."

"Where is he?! Kasama ko lang ang apo ko kagabi!" Piniksi niya ang aking kamay na agad kong hinawakan.

"Mamáng, don't shout please. Kumalma ka muna." Hinila ko siya patungong kusina at kinuhanan ng tubig. "Here, drink this."

Atubili siyang uminom mula sa baso at naginhawaan ako nang kumalma na ang kaniyang paghinga. Bumalik kami sa sala at doon ko siya inupo sa tabi ni Niko.

"So where's Simeon now?" Mas mahinahon na niyang tanong at hinigpitan ang kapit sa aking kamay.

Napalunok ako nang malalim at napayuko. "Binalik ko na siya kay Simon Mamáng—"

"What?!" Now her face turned to anger again.

Inangatan ko siya ng tingin at pilit nginitian. "Mamáng, listen to me—"

"No, Cresencia Milan! You listen to me!" She cut me off again. "You've let my grandson be with them for more than ten months! It's time to get him back to us again! Please, anak. I want my grandson," her eyes filled with a new set of tears. "Nawala na sa akin ang ama mo... ayokong maging ang apo ko ay ilayo sa 'kin."

Nilunok ko ang bikig sa lalamunan dahil sa kaniyang pagmamakaawa. How could I say to her that it was hard to grant her request when I, as Silious' mother was also having a hard time taking him back? If only it was easy...

Ninakawan ko ng sulyap si Niko na nakatutok lang ang mata sa 'kin. Kita ko roon ang simpatya at pagkaawa.

Ibinalik ko ang titig kay Mamáng at marahang pinahiran ang luha sa kaniyang pisngi. "You need to finish all your sessions with Niko first. And if you're totally fine then we could take him back, how's that Mamáng?"

Tinagpo niya ang aking mata at doon ko nakita ang kalungkutan at pagkadismaya. "You really think I'm getting insane?" napapaos niyang usal. "Maybe I came to the point where I was losing my grip but I'm getting there, Cresencia. This is still me. I was just grieving but when I saw my grandson, everything became light and clear. I started hoping because he was in my arms again. I just couldn't take losing Gregorio but I am already accepting that fact. I don't need any treatment or any sessions. I just need my grandson and I'm already fine."

Hindi ko na napigil ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. I felt Kristine's presence behind my back. Hinaplos niya ang aking likod ngunit sa halip na matahan ay mas lalo akong napaiyak.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now