Kabanata 27

1.6K 39 4
                                    


The cold breeze of December touched my skin. Narito ako ngayon sa aming balkonahe at nakatunghay sa kadiliman ng paligid. Hindi mo talaga mapapansin ang paglipas ng bawat araw lalo na kung nalulunod ka sa saya. Masigla ang paligid dahil sa nag-iilawang christmas lights. Abot-tanaw ko rin mula rito sa ikalawang palapag ng bahay ang tirahan nila Simon dahil sa makukulay din nilang ilaw doon.

Christmas eve was fast approaching. Bukas na pala ito ng gabi. Dahil wala na si Abuela ay dito na lang kaming magpapamilya magpapasko. Gusto ko sanang bago mangyari iyon ay maipakilala ko na si Simon kila Mamáng at Papáng dahil gusto kong salubungin ang bagong taon na hindi na patago ang aming relasyon pero—napahugot na lang ako nang malalim na hininga.

Ano nga bang aasahan ko sa mga magulang ko? As if they would accept Simon. Botong-boto si Mamáng kay Wendell kaya't alam kong doon pa lang ay huwag ko nang subukin ang binabalak.

Kinabukasan, habang pababa sa hagdan ay napakunot-noo ako nang tila mas naging aligaga ang mga kasambahay sa pagdedekorasyon ng bahay. Nakakapagtaka ang kanilang pagkataranta dahil matagal naman na nilang naayos ang paligid.

Tumigil ako sa paanan ng hagdan at sinitsitan si Rica. Pagod itong nag-angat ng tingin sa akin mula sa paglalampaso ng sahig.

"May kailangan ka po Senyorita?" hingal niyang ani.

"Bakit naglilinis at nagdedekorasyon kayo ulit? Hindi ba't maayos na ang buong bahay para sa pasko?"

Pinahiran muna nito ang pawis sa noo bago ngumiti nang tipid sa akin. "Ipinagbilin po kasi ng Senyora na mas pagandahin ang mansyon dahil may iba pa kayong makakasama sa salu-salo."

Mas lalong nagsalubong ang aking mga kilay nang may napagtanto. Tumango na lang ako kay Rica maging sa mga kasambahay na bumabati sa akin habang binabagtas ko ang daanan tungo sa dining area.

Doon nga ay kita ko si Mamáng na minamanduhan ang ilang kasambahay na naroon. Lumapit ako sa mesang puno ng pang-umagahan. Wala na naman si Papáng at hindi ko alam kung maaga ba siyang umalis o hindi pa gising.

"Good morning Mamáng," I tried to catch her attention.

Napalingon naman ito sa akin bago napangiti. "Good morning Cresencia, take a seat and eat your breakfast now."

Umupo ako sa paboritong puwesto at hindi inaalis ang mata sa kaniya. "Bakit abala ang lahat? Akala ko po ba ay sapat na ang pagkakaayos ng bahay noong nakaraan," tanong ko pa rin kahit may nahihinuha na ako.

She smiled sweetly again before walking near me. Tumungo siya sa likuran ng aking upuan at marahan akong hinawakan sa balikat. "Delos Santos family will celebrate their Christmas Eve with us. Isn't it wonderful?" mas lumambing pa ang tinig nito.

Kampante akong napangiwi dahil alam kong 'di niya ako kita. "Wala ba silang ibang pamilya o kamag-anak na makakasalo?"

Mamáng laughed like I said something great. "We will be soon a family Cresencia. Sinasanay na namin kayo para hindi na kayo magulat sa susunod pang yugto ng buhay n'yo ni Wendell."

Tuluyan na nga akong napipi dahil sa bumalot na pagkainis. Here they were again, being control freaks. Tinanong ko na lang si Mamáng kung nasaan si Papáng at sabi nito'y hindi pa bumabangon dahil tinatamad daw.

Nakabusangot ko na lang na tinapos ang pagkain ng almusal upang maaga nang makaalis. I needed an air freshener and it was always been Simon.

Tulad ng sabi ni Mamáng, Delos Santos came around six in the evening to celebrate Christmas with us. Tanging si Wendell at ang mag-asawang Delos Santos lang ang nakapunta dahil ang ate ni Wendell ay kasama raw ang asawa nitong salubungin ang Pasko.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now