Kabanata 22

1.7K 57 12
                                    


Anuman ang namamagitan sa amin ni Simon ay nanatiling lihim lamang para sa aming dalawa. We acted casual with each other in front of our workers but we acted lovers when we were behind closed doors. It might look off to some but I was satisfied this way.

Ang buong araw sa pagtatrabaho ay tila hindi pa kontento dahil lagi pa kaming magkatawagan sa cell phone sa gabi. Being with him seemed like I turned back to being a highschool girl who was crazy over heels with her crush.

And I couldn't deny that every day with him was bliss!

I heard his raspy sigh on the other line that snapped my thoughts out. "Katitila lang ng ulan Cres... at magkasama lang tayo kanina."

Napanguso ako sa narinig, nagmamatigas sa nais. "But I really want to see you Simon," pinalambing ko pa ang boses baka sakaling tumalab. "Please?"

I always threw my inhibitions out of the window it came to him. I knew I was getting clingier and dependent on him but this was me when he was in the picture. It was just that... whenever I feel anxieties or sadness, I find my serenity in his presence.

"May problema ka ba?"

Natikom ko ang bibig dahil sa tanong niya. Hindi ko na naman maiwasang maalala ang sagutan namin ni Mamáng kanina dahil sa ipinipilit niya. Wendell's sister was getting married next week and I was invited as one of the bridesmaids.

Tumanggi akong dumalo dahil wala naman akong balak na mas makilala pa ang pamilya niya kaya't doon na kami nagkainitan ni Mamáng. Papáng stopped us and he let me walked out while Mamáng kept on blubbering. Puno ng pagkairita at pagkainis ang damdamin ko na gusto ko na lang maiyak dahil wala na naman akong magagawa kahit magmatigas pa ako.

Alam ko namang kahit ilang beses akong tumanggi ay sila pa rin ang masusunod.

I hated being controlled. I was tired of obeying their rules. For once, I wanted to be free from their wings.

Dumapa ako sa aking kama at niyakap na lang ang isang unan. "Okay, kita na lang tayo sa Lunes," pagsuko ko.

Linggo kasi bukas kaya't walang pasok ang mga tauhan.

"Hindi." Napakunot-noo ako sa kaniyang sagot. Rinig ko ang suko niyang pagbuntong-hininga. Sumibol ang ngisi sa aking labi. I knew it! "Saan tayo magkikita?" tila paos niyang dagdag.

Masaya akong napaupo sa kama at hinawi ang kurtina sa malaki kong bintana. Madilim ang kalangitan dahil katatapos lang ng ulan pero may liwanag pa rin sa ilang bahagi ng hacienda dahil sa mga poste ng ilaw.

"U-uh, hindi ba nakakaabala sa 'yo?" pagdadalawang-isip ko. "Maputik pala... baka mahirapan kang tumungo rito."

Rinig ko ang kaniyang paggalaw sa kabilang linya. Tumahip ang dibdib ko sa pagkaatat. Having the idea that we'd gonna see each other tonight gave me some goosebumps... some thrill. It gave me pure excitement.

"Gusto mo akong makita 'di ba? Kaya pupuntahan kita."

Parang may uod na kumiliti sa aking sistema dahil sa sinabi niya. "O-okay, I'll wait you at the horse stables."

Pagkapatay ng tawag ay agad akong nagdukot ng malaking jacket para pantakip sa manipis kong pantulog. I preferred wearing silky dresses at night than a pair of pajamas. Hinayaan ko lang na nakabuhaghag ang buhok ko bago huminga nang malalim.

Ang problema ko ngayon ay kung paano makakalabas nang hindi ako nakikita ni Mang Dorio. Siya lang naman kasi ang laging nananatiling gising sa amin para magbantay. Paikot-ikot ako sa kuwarto hanggang sa may pumasok na ideya sa utak ko.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now