Kabanata 3

2.9K 70 21
                                    


"Sigurado ka bang kaya mong tumungo roon nang mag-isa Crescencia?" Tanong ni Papáng habang tinatanaw ang ilang metrong layo ng kuwadra kung saan ko kukunin si Valir.

Matapos naming mag-almusal ay nagpasya na nga akong maglibot-libot ngayon. Hindi pa naman mataas ang sikat ng araw kaya't mas magandang masimulan ko na ang paglilibot sa hacienda.

"Opo Papáng, huwag na ho kayong mag-alala. Kaya ko na," may bahid ng ngiti kong ani.

"Oh siya sige. Mag-iingat ka anak. Tawagin mo si Mang Canor para samahan ka okay?" Tumango na lang ako at humalik sa kaniyang pisngi bago lumabas.

Hindi na ako nakapagpaalam kay Mamáng dahil umibis na ito kanina paakyat ng hagdan matapos niyang mag-almusal. Sinuot ko na ang dala kong sumbrerong gamit sa tuwing sumasakay kay Valir. Ikinabit ko ang tali nito sa ilalim ng aking baba at pinasadahan ng kamay ang manipis na long sleeves kong suot na nakapaloob sa aking pantalon. Suot ko rin ang bagong boots na bili ni Papáng no'ng ako'y dumating dito sa hacienda.

Nangingiti akong naglalakad habang pinagmamasdan ang kagandahan ng paligid. Hindi siguro ako magsasawang araw-araw na ganito ang makikita sa tuwing maglilibot ako ng hacienda.

Nakita ako ng ibang tauhan na napapatigil sa pagtatrabaho upang bumati. Nakikinita ko sa kanilang mga mata ang paghanga na hindi sa pagmamayabang ay nakasanayan ko na kahit pa noon sa Maynila. Bukal sa kalooban akong ngumiti at bumati pabalik lalo na't wala si Mamáng para sitahin ako sa pagbati sa kanila.

"Ang ganda ng umaga hindi ba, Senyorita?" Nangingiting bati ng isang barakong trabahador.

Hindi ko man siya kilala ay tiningnan ko siya. Nagbubuhat siya ng sako ng dayami para ilagay marahil sa kuwadra.

Bakas sa kanyang mukha ang pawis ngunit nasa presensya nito ang kabaitan—taliwas sa ipinahihiwatig ng kanyang katawan. Gayunpaman, walang alinlangan akong sumagot habang dinahan-dahan ang paglakad upang masabayan ito.

"Oo nga, hindi pa rin nagbabago ang ganda rito."

"Naman Senyorita, mas gumanda ito lalo dahil bumalik na kayo."

Natawa ako nang mahina. "Hindi pa rin pala nagbabago ang mga palabirong mga tao rito." Nasubukan ko namang makihalubilo sa kanila noon. But that was ten years ago.

"Naku, hindi kami palabiro Senyorita. Nagsasabi lang kami ng totoo," giit niya na ikinailing ko na lang habang nangingiti.

Tinuloy ko ang paglalakad at lalong lumapad ang aking ngiti sa labi nang matanawan si Valir na nakatingin sa aking gawi. Kumaway ako sa aking kabayo. Para namang naiintindihan nito ang pagkaway ko at humalinghing ito bago itinaas ang dalawang paa sa harapan.

I chuckled lowly but slowly vanished when my gaze turned to the man who was holding my baby. His intense eyes were as deep as the ocean. Nakakapanginig-tuhod pero pinilit kong tatagan ang sarili.

Ano'ng drama ko ngayon at parang nanghihina sa malalalim niyang tingin na itinatapon sa akin? Hindi rin magkamayaw ang dibdib kong nagsisimula na naman sa pagkabog. Huminga ako nang malalim.

Don't tell me self that you're already attracted to this man! Isang araw mo pa lang siyang nakikita!

"Tiyak kong sobra kayong na-miss niyang si Valir, Senyorita."

Nabaling ang iniisip ko sa muling pagsasalita ng kasabay ko. "Halata nga, buti na lang at hindi ako nakalimutan."

"Hindi mabilis makalimot 'yan Senyorita kung ikaw din lang naman."

Napatawa ako sa kaniyang turan. Hinayaan ko na lang ang kanyang sinabi at hindi na tinugon pa iyon.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay natunton ko na nga ang harapan ng kuwadra kung saan sa gilid nito ay ang mga kabayong pinapaliguan. Medyo dumistansiya na roon sila Valir dahil pansin kong tapos na siya at pinupunasan na lang ng tuwalya.

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now