Kabanata 29

1.5K 38 8
                                    

"Wala ka ba talagang dalang phone diyan?" Pangatlong beses ko nang tanong at pangatlong beses na ring umiling si Babet na nakatayo sa aking gilid.

"Kinapkapan po kasi ako ni Senyora bago ako pinaakyat."

Nanlulumo akong napayuko. Apat na araw na akong hindi pinapalabas ng bahay. Sa tuwing binabalak kong lumabas kahit tumungo lang sa veranda ay nakatutok na agad sa akin ang mga mata ni Mamáng. Daig ko pa ang isang preso kung tutukan niya kaya't hindi ko maiwasang laging mairita.

New year came like it was a normal day. For someone as Mamáng, it was the first time we didn't celebrate. I was locked in my room and silence overruled since then.

Nanginig ang aking labi dahil sa muling pagbangon ng emosyon. They stopped me from going out and they confiscated my gadgets. How could I see or contact Simon now? Sa dalawang araw na hindi ko siya nakita ay nakakapanghina ng loob. I needed him beside me. Siya lang naman ang tanging tao na nakakaintindi sa mga saloobin ko kahit hindi ko pa man sabihin.

"Masama sa pagbubuntis ang laging pag-iyak Senyorita," nag-aalalang putol ni Babet sa aking iniisip.

Wala sa oras na napasinok ako. I looked at the food she brought for me. Nakakatakam mang kumain ay wala akong ganang ngumuya. "K-kaya mo kayang ipuslit si Simon papasok sa kuwarto ko?"

Saglit na napaawang ang labi niya bago bigong umiling. "Hindi ko kaya Senyorita. Maski kasi ako ay pinababantayan ni Senyora."

Napahaplos na lang ako sa impis na tiyan bago nagawi sa bintanang nakasara. Pinatakpan iyon ni Mamáng kinagabihan nang umuwi ako mula kila Simon. Baka raw kasi doon ko balaking tumakas 'pag nakakuha ako ng pagkakataon.

Tumikhim si Babet kaya't napunta ulit ang tingin ko sa kaniya. "K-kagagaling nga po pala ulit ni Simon dito kaninang umaga..." nag-aalangan niyang tinig.

Naalerto ang aking pandinig. Napaayos ako ng upo sa gilid ng kama at pinakatitigan si Babet. "Kagagaling ulit?"

Kabado itong tumango. "Opo. Sa katunayan ay dalawang araw na po siyang bumibisita para makita ka pero lagi po siyang hinaharangan ng mga tauhan sa labas."

Kumalabog ang dibdib ko. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Hindi ko naiwasang itaas ang boses.

Napakamot ito sa batok. "P-pinagbawalan po kasi kami ni Senyora na ipaalam sa 'yo."

Napakuyom ako ng mga kamao. "Sumusobra na si Mamáng," may inis kong turan.

Sa halip na kainin ang pagkaing nakahanda para sa aking tanghalian ay padabog akong tumayo para harapin si Mamáng. Dalawang araw ko na siyang pinalampas at ngayon ay punong-puno na ako. I didn't know why she became like this toward me!

I saw her sitting at our veranda with crossed legs while reading a magazine. When she heard my footsteps, she stopped flipping the pages and glared at me.

Tiim-bagang akong tumigil sa kaniyang harapan. "Why are you doing this to me?" I blurted out as my vision started to blur.

Kalmante nitong ibinaba ang magazine at humalukipkip. "Ask yourself, Cresencia," malamig niyang sagot.

My blood boiled because of rising anger. "Why are you treating me like a prisoner? I am your daughter Mamáng!" mabilis ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa tensyong nadarama. "You're being too hard on me!"

She just glared at me for a few seconds before she shook her head in a disappointed manner. "You did it to yourself, Cresencia Milan. Kung may dapat mang sisihin bakit ganiyan ang naging sitwasyon mo ay walang iba kundi ang sarili mo. That's the consequences of disobeying your mother."

Sprouted Desire ✔Where stories live. Discover now