Kabanata 20

2K 52 11
                                    


"Ma," Simon broke the deafening silence. "Nandito pala si Cre—Senyorita."

The woman in the middle wearing a brown apron smiled at me and went to my side. "Carmen Montague hija, nanay ni Simon. Kay laki mo ng bata at ang ganda-ganda!"

Nahiya akong nakipagkamay. Simon's mother was beautiful indeed despite the visible signs of ageing. I hadn't seen his father's face yet I could tell that Simon got more features from her mother.

"Maligayang kaarawan po," malugod kong bati at inabot sa kaniya ang munti kong regalo.

She looked shock but her face softened afterwards. "Naku! Nag-abala ka pa Senyorita, nakakahiya!"

Tumawa ako nang mahina para hindi ito mailang, maging ang sarili. "Ayos lang po. Isa pa, gusto ko po talaga kayong regaluhan."

Nalipat ang mata ko kay Simon na inabot ang nakasampay na apron at nagsimulang tumulong ng gawain sa parihabang mesa sa gitna. Pinaglapat ko nang mahigpit ang mga labi nang makita ang ngiti ni Winona at pagkausap dito nang magkatabi sila.

"Ah teka, ito pala ang kapatid ng yumao kong asawa, si Wendy," turo niya sa babaeng may katandaan na rin na nasa dulong bahagi. "Iyon naman si Sheila. Anak ni Wendy na nag-iisang pinsan ni Simon." Kumuway ang dalaga kaya't kumuway rin ako pabalik. "At iyan naman si Winona, tiyak kong kilala mo na siya Senyorita."

Nagtagpo ang aming mata at kita ko roon ang bahagyang pagkainis. Iniwas ko ang mata sa kaniya at ibinaling kay Simon na nakatingin sa akin pero agad ko ring ibinalik kay Aling Carmen. "O-opo," naiusal ko na lang.

"Halika, doon tayo sa sala!" pag-aaya pa nito.

Gusto ko mang umalma dahil maiiwan ko sa kusina si Simon ay tumahimik na lang ako.

"Naalala ko noong kay bata-bata mo pa lang. Ngayon ay isa ka nang marikit na dilag!"

Umupo kami sa kawayang sofa at nagkaharap. "H-hindi naman po."

"Naku, pagpasensiyahan mo na ang bahay Senyorita."

"Hindi naman po ako mapili. Isa pa, ang ganda nga ho ng bahay n'yo."

I saw her genuine smile. "Salamat. Totoo nga ang sabi ng anak ko."

Agad dumagundong ang aking puso. "A-ano po 'yon?"

She held my right hand and gently squeezed it. "Mukha ka lang daw mataray pero kay buti ng iyong kalooban."

Tila may humaplos sa aking puso dahil sa narinig. Parang gusto ko tuloy tumayo at lapitan si Simon para yakapin at halikan! My mind giggled upon realizing that—but what the heck? Since when did I become so aggressive and wild?

"I-ikinukuwento po ako ni Simon sa inyo?" Hindi ko naitago ang malaking ngisi.

Agad na tumango ito. "Oo, lagi niyang kinukuwento sa akin kung gaano ka kabait at ka-walang arte sa katawan."

Hindi ko maiwasang kiligin sa mga narinig lalo na't hindi lang basta-bastang tao si Aling Carmen... she was the mother of the man that I liked for cloud's sake!

Dahil mas gumanda ang mood ko mula kanina, may bonus kiss 'yon sa akin mamaya! Natawa na lang ako sa sariling kapilyahan.

Hinayaan ko pang magsalita si Aling Carmen sa mga gusto niyang sabihin. She told me that Simon didn't let her work again in our hacienda because of her weak body plus, she had an asthma. It was her sixty-sixth birthday today. Matanda na raw kasi siyang nagkaasawa at nakaanak kaya medyo bata pa si Simon at siya'y matanda na.

"Ma, pwede na 'yong sinanglaw. Maglalabas na ba ako para sa pulutan nila Senyor?" Lumitaw si Simon na nagpupunas ng towel sa kamay.

Nakaalis na ang apron nito kaya't tanging black fitted shirt at jeans na lang ang muling nakikita. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kaniyang bahagyang pagpawis na marahil ay dahil sa ginawa sa kusina at sa kawalang electric fan doon.

Sprouted Desire ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon