CHAPTER 1: Fortune

1.2K 38 100
                                    

Chapter 1: Fortune

"Hello?"

[Hello, Lei! May ginagawa ka? Busy ka ba?]

"Uhm, hindi naman masyado. Gumagawa lang ng essay. Bakit?"

[Punta ka naman dito oh, samahan mo 'ko.]

"Saan ba?"

[May group project kasi kami sa school kaya pupunta ako sa bahay ng kaklase ko eh yung mga kagrupo ko kasi, hindi ko naman ka-close. Yung prof kasi namin yung nag group sa amin kaya wala kaming choice. Samahan mo lang ako para hindi awkward. Promise, hindi ka maleleft out. Akong bahala sa'yo.]

Natahimik ako sandali tsaka ako nag isip habang nakatingin sa mga scratch papers na nasa study table ko. Gusto ko na 'tong matapos pero gusto ko rin namang magpahinga. At madalas lang akong nakakapag pahinga tuwing kasama ko si Mela, ang pinsan ko.

"Hmm, sige." pag payag ko. "Ngayon na ba?"

[Oo, punta ka na ngayon. Alis tayo mamayang eleven. Do'n nalang daw tayo kumain sa bahay ng kaklase ko.]

"Hindi ba nakakahiya kung kasama mo pa ako? Baka kasi hindi sila komportable na may ibang kasama."

[Hindi 'yan, akong bahala sa'yo. Hindi ko rin naman sila ka-close kaya paniguradong tayong dalawa lang din yung mag uusap do'n. Tsaka pwede mo rin namang gawin do'n yung essay mo para hindi sayang sa oras.]

Tumango ako. "Sige, gagayak na ako."

[Okay! Thank you!]

"Hmm, babye."

Nang mapatay ko na ang tawag ay tumunganga muna ako sa kawalan habang nag iisip kung ano bang isusuot ko at gagamitin kong bag para sa mga gamit na dadalin ko.

Inayos ko na ang mga gamit ko habang nag iisip. Siguro tote bag nalang yung dadalin ko para magkasya yung mga papel ko. Mas madali din 'yong dalin at gamitin.

Lumabas muna ako sa kwarto at hinanap si Mama para magpaalam. Sigurado namang papayag 'yon dahil kasama ko naman si Mela.

"Ma, aalis po ako." paalam ko nang makita ko si Mama na nagluluto sa kusina.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Kala Mela, sasamahan ko lang siya." sagot ko.

"Saan kayo pupunta?"

"Doon po sa bahay ng kaklase niya. Isinasama niya ako kasi wala raw siyang kilala sa mga kagrupo niya, para raw hindi siya mahiya ba. Tsaka dun ko na rin po itutuloy yung ginagawa kong essay." paliwanag ko.

"Sinong kasama mo?"

"Si Mela lang po. Hindi ko kilala yung mga kaklase niya eh, hindi na niya sinabi sa'kin."

"Anong oras ka uuwi?"

"Uhm, hindi ko alam. Mag tetext nalang po ako."

Medyo nagtagal pa bago sumagot si Mama. Kalaunan ay bumuga siya ng hangin.

"Sige. Dito ka ba magtatanghalian?"

"Hindi na po. Doon nalang daw sa bahay ng kaklase niya." sagot ko.

Hindi na sumagot si Mama pagkatapos no'n kaya bumalik na ulit ako sa kwarto para igayak ang sarili ko.

Kabisadong kabisado ko na talaga ang mga tanungan ni Mama lalo na tuwing nagpapaalam akong umalis; saan pupunta, sino ang kasama ko, anong oras ang uwi, at ano ang dahilan ng pag alis ko. Kaya inaalam ko na lahat bago ako magpaalam.

Nasa trabaho si Papa sa talyer at hapon na siyang umuuwi. Si Mama lang ang kasama ko dito sa bahay dahil housewife siya. Wala akong kapatid pero may ilang Tita at pinsan naman ako na dito nakatira kaya hindi naman siya maiiwang mag isa.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now