CHAPTER 13: One Other Man

513 27 122
                                    

Chapter 13: One Other Man

Justin's Point of View

Hindi ko na maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko pagkatapos kong mayakap si Eleinah. Pagkatapos ng dalawang taon na hindi ko siya nakasama, nayakap ko na ulit siya. Naramdaman ko na ulit ang init ng yakap niya.

Gusto ko pang magtagal sa yakap namin pero kailangan kong maging maingat sa mga galaw ko. Wala pang nakakaalam ng tungkol dito bukod sa akin, sa mga kagrupo ko at sa manager at ilang staff namin. Hindi ko pa sinasabi sa pamilya namin dahil humahanap pa ako ng tiyempo. Mas mahihirapan kasi akong kunin ang loob ni Leinah kung marami ang makakaalam ng tungkol dito.

Kanina pa ako nakatitig sa account niya sa IG. Tatlo lang ang post niya at puro litrato ng mata niya iyon. Ang ganda talaga niya kahit saang anggulo man tignan.

Sobrang dami kong tanong na siya lang ang makakasagot. Gustong gusto ko na siyang makausap ng mas matagal at kaming dalawa lang para pare-parehas na kaming malinawan sa mga nangyari.

Dahil katatapos lang ng concert namin ay may rest day ulit kami. Binibigyan kami ng ilang araw na pahinga pagkatapos ng malaking events para maglaan ng oras sa pamilya at sa sarili namin.

Kinausap ko si Carmela kaninang umaga para makipag usap sa kaniya sa personal tungkol kay Eleinah. Gusto kong hingin ang tulong niya. Since close sila ni Eleinah, siguradong makakatulong siya sa pagkuha ng loob ni Eleinah dahil kilalang kilala rin niya si Leinah.

Sinabi ko sa kaniya nung una na sa bahay nalang siya pumunta pero ang sabi niya ay sa cafe nalang daw na pinuntahan namin dati dahil mas malapit siya doon. Nag dalawang isip pa ako kanina dahil iniiwasan ko na ang mga articles at issue pero pumayag nalang din ako. Tutal ako naman ang hihingi ng pabor sa kaniya.

Tinakpan ko ang muka ko gamit ang facemask at cap. Nag shirt lang ako at maong shorts na above the knee at hindi na pumorma pa. Baka kasi may makakilala nanaman sa akin.

Kaswal akong naglakad papasok sa cafe at agad na hinanap si Mela. Nang makita ko siyang malawak ang ngiti at kumakaway mula sa upuan niya ay medyo nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba siya.

Huminga nalang ako ng malalim at naglakad palapit sa kaniya. Naupo ako sa upuan sa harapan niya tsaka ako luminga sa paligid, mabuti nalang at wala masyadong tao ngayon dito.

"Ano 'yon? Tungkol saan yung pag uusapan?" tanong niya. "Eto pala oh, iced coffee." aniya tsaka niya itinulak sa harapan ko ang hindi pa nabubuksang kape.

Tinanggap ko nalang iyon pero hindi ko muna binuksan. "Salamat."

Tumitingin ako sa paligid para maging alerto sa mga taong makakakilala sa amin lalo na sa akin. Baka may patagong manguha ng litrato namin at gawan nanaman kami ng issue.

Tumingin din siya sa paligid tsaka niya ako tinignan na parang nagtataka.

"Wala nang makaka kilala sa'yo dito, pasensya na pala sa tungkol doon." sabi niya sa medyo mahinang boses.

Tumango ako. "Ahh, wala 'yon." sagot ko nalang. "Bale, sasabihin ko na pala para hindi na tayo magtagal dito."

Tumango siya. "Sure, spill it."

Umayos ako ng upo. "Tungkol kay Eleinah." mahina kong sabi.

Unti-unting kumunot ang noo niya. "Si Lei?" taka niyang tanong.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ