EPILOGUE

1.2K 39 249
                                    

I would like to thank Eleinah for letting me use her name. This story is dedicated for you! I hope every one enjoyed reading, and I'm so so thankful for your reads, votes, comments, feedbacks and messages. Salamat sa lahat!

Also, thank you din kay Mela sa pag payag na gamitin ko ang pangalan niya. Yes, totoong tao po si Mela at nag cocomment siya sa mga chapters. Halaaaa, char. 😂

Enjoy reading! - Nath(Nahhhlia)

Epilogue

Justin's Point of View

Hindi na kami nakatulog nang maayos mula pa kagabi dahil humihilab na ang tiyan ni Eleinah. Binabantayan ko siya at kusa nalang akong nagigising pagkatapos ng ilang oras na pagtulog. Nag aalala ako sa kaniya at nagiging alerto na rin.

Nakaupo kami ngayon sa sofa habang siya ay nakasubsob sa dibdib ko. Naka kapit siya sa damit ko habang ako naman ay hinahagod ang likod niya para subukang ma-relax ang katawan niya kahit papaano.

Kanina pa rin siya umuungot na parang nasasaktan, wala naman naman akong magawa kundi samahan lang siya at haplusin ang katawan niya.

"Leng, inom ka muna ng tibig." Alok ni Mama, yung Mama niya.

"Inom ka muna, Mimi." Bulong ko sa kaniya.

Naka kunot parin ang noo niya at mukang nasasaktan at nahihirapan. Lumagok siya ng kaunti at pagkatapos ay huminga nang malalim.

"Halika, tayo ka."

Inalalayan ko siyang tumayo tsaka ko ipinatong ang magkabila niyang braso sa balikat ko. Isinandal naman agad niya ang ulo niya sa dibdib ko. Minasahe ko nalang ulit ang likod niya.

"Sabihin mo kapag nangangawit ka na ha? Uupo na ulit tayo." Malambing kong sabi.

Nag research ako dati sa internet ng mga pwede kong gawin para matulungan siya kapag nag labor at nanganak na siya, nag lista pa ako at naghanda. Pero ngayong nangyayari na, parang nablangko ang isip ko. Iba na pala talaga kapag aktwal na nangyayari na.

"Kaya mo ba mag lakad?" tanong ko.

Ilang segundo siyang hindi umimik bago siya tumango.

"Sige," aniya sa garalgal na boses dahil paminsan-minsan siyang naiiyak dahil sa sakit.

Inalalayan ko ulit siya habang dahan-dahan siyang humahakbang, pabalik-balik lang kami sa iisang direksyonm mahigpit na rin ang hawak niya sa kamay ko.

"Jah, pumunta na kaya tayo sa ospital?" Tanong ni Mama.

Bumuga ako ng hangin at nag isip. Nung huli kasing tinignan ang cervix niya ay 3 centimeters dilated palang si Mimi kaya hindi pa muna kami nag stay sa ospital.

"Sobrang sakit na ba?" Tanong ko.

Yumakap lang ulit siya sa leeg ko tsaka siya huminga nang malalim. Ang bigat sa pakiramdam na makita siyang nasasaktan at nahihirapan. Hindi ko maipaliwanag, ang sakit sa pakiramdam.

"Tara, pupunta na tayo sa ospital."

Hinanda ko na ang kotse at ang mga gamit na kailangang dalhin, si Mama at si Tita na muna ang tumingin kay Eleinah. Si Mela naman ay susunod daw mamaya.

Panay ang sulyap ko sa kanila sa backseat habang nag mamaneho, sobrang nag aalala na ako para kay Eleinah. Habang patagal nang patagal ay mas palakas nang palakas ang daing niya.

Pinagamit ng wheelchair si Eleinah nang makarating na kami sa ospital. In-admit na siya at tinignan kung ilang centimeters na ba ang dilation niya. Malapit na nga talaga siyang manganak dahil 7 cm na raw. Tinignan na rin nila ang heartbeat ng baby girl namin.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now