CHAPTER 25: Reconcile

974 35 134
                                    

Chapter 25: Reconcile

'Kabilang sa mga dumalo sa celebration party ay ang miyembro ng sensational PPOP boy group na SB19 na si Justin. Kasama rin dito ang New Rising Actress na si Ericka Servano na siyang 'ka-partner' ni Justin sa pelikula.'

"How was it? Anong pakiramdam ng maging parte ng isang movie na isasali pa sa MMFF?" Tanong ng reporter kay Justin.

"Ahm, masaya po syempre. Tsaka grateful po at thankful sa opportunity. Bagong experience rin po kasi 'to since gusto ko rin po talagang i-try umacting kahit cameo lang. Pero sobrang thankful po ako dito kasi po supporting role pa po yung ibinigay sa akin." Sagot naman ni Jah habang nakangiti.

"How about you, Ericka?"

"Of course super thankful talaga kasi first movie ko 'to and MMFF movie pa. Tsaka syempre, kasama ko ba naman eh mga magagaling na artista at personality like Justin. It's a great opportunity and I really enjoyed the shoot. Super thankful po ako sa lahat ng naniwala at sumoporta sa akin." Sagot naman ning Ericka habang nakangiti rin.

"There were rumors na may romantic relationship o romance daw between you two sa movie, maraming nagsasabi na may chemistry daw kayong dalawa. What can you say about that? Is there a matured role, like kissing or something like that?"

Justin hesitated to answer. "Uhh,"

"You should watch the movie to know." Sagot nalang ni Ericka. "Hintayin nalang po natin at sabay-sabay na panoorin. It's for you to find out, so better watch the movie." She even chuckled.

'Malaking suporta agad ang natanggap ng pelikula kahit na trailer pa lang ang inilabas nito. Marami ang naghihintay sa aktingan ng dalawa at sa role na ipo-portray nila. Mayroon na ring nabubuong fansclub na sumusuporta sa tambalan ng dalawa na tinatawag nilang JusKa.'

Hindi ko na naituloy ang panonood dahil pinatay na ni Mela ang TV. Tinignan ko pa siya ng masama habang ngumunguya ng makopa.

"Bakit mo pinatay? Nanonood pa 'ko eh." Reklamo ko.

"Nanonood," she mocked. "baka tinotorture yung sarili."

Umirap nalang ako at padabog na sumandal sa likod ng sofa. Hindi naman masakit eh, sobrang sakit lang.

"Wag kang naniniwala diyan, fan service lang 'yan. Halata namang hindi komportable si Jah. Nagpapaka professional lang siya." Ani Mela.

"Bakit ba lagi ka nalang hindi sang-ayon sa balita tungkol kay Jah?" Tanong ko.

"Eh hindi mo naman alam kung totoo eh. Tsaka halata naman na nagsisinungaling lang sila. Ganon talaga, para lang mag mai-balita at may maissue sila."

"Eh pano kung totoo pala?"

"Tumigil ka. Nag ooverthink ka na naman." Bawal niya sa akin.

Tss, nagtatanong lang naman ako.

"Pero what if habang nag shoshooting sila, naging close sila sa isa't isa. Tapos lagi silang nag uusap, syempre lagi silang magkasama sa set, sabay silang kumakain, tapos napapasaya na niya si Jah. Tapos marerealize ni Jah na mabuti pa yung Ericka na 'yon, napapasaya siya. Tapos magkaka developan sila ng feelings. Sa tagal ba naman nilang magkasama sa Japan, hindi 'yon imposible. Tapos isang araw, nagising na lang si Jah na may feelings na siya para kay Ericka. Tapos itinatago nalang nila yung relasyon nila kasi hindi pa sila ready. Tapos hindi na talaga siya babalik sa 'kin kasi nakahanap na siya ng bagong babae na mas mamahalin siya at hindi siya sasaktan, hindi gaya ko na puro sakit lang yung idinulot sa kaniya." Sunod-sunod kong sabi.

Mela just looked at me blankly. She sighed in disappointment then rolled her eyes.

"Alam mo, Lei. Paulit-ulit nalang, ilang buwan na tayong ganito, paulit-ulit nalang yung sinasabi ko. Hayaan mo at mamaya irerecord ko nalang yung mga sinasabi ko sa'yo tapos pakinggan mo nalang kapag nag ooverthink ka. Nakakairita, paulit-ulit." Kunot noo niyang sabi.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Where stories live. Discover now