CHAPTER 23: Parted Again

756 33 138
                                    

Unedited

Dedicated to: KTMN20  happy birthday again!!!

Chapter 23: Parted Again

"Uhm, by the way, anong ibig mong sabihin sa aalis na siya?" tanong ni CJ nang tuluyan na akong kumalma sa pag iyak.

Huminga ako ng malalim tsaka ko pinunasan ang mga natirang luha sa pisngi ko.

"Pupunta siya sa ibang bansa." sagot ko. "Ang sabi sa 'kin ng Mama niya pati na rin ni Mela, may acting project daw siyang tinanggap at sa ibang bansa ang shooting. Base sa pag uusap namin, magtatrabaho siya doon kasabay ng pagpapahinga at pagpapagaling niya sa sakit na idinulot ko sa kaniya. He told me that he needs time to heal, he needs time for himself, he needs to fix himself. Kailangan niya ng pahinga dahil pagod na siya, sawa na siya." naluluha nanaman tuloy ako.

He sighed. "Lei, magkaiba ang pagod sa sawa na. Sabi niya pagod na siya 'di ba? Pahinga lang ang kailangan niya at kaunting oras para sa sarili, pagkatapos no'n babalik na ulit siya sa'yo, kapag handa na siya, kapag buo na ulit siya."

"Wala naman siyang sinabi na babalik siya." puno ng hinanakit kong sabi. "Ako lang naman ang naniniwalang babalik siya, kinukumbinsi ko lang ang sarili ko para hindi ako nasyadong masaktan."

"Babalik 'yon." pilit niya.

"Wala nga siyang sinabi!" Irita kong saad  "Kung babalik siya, edi sana hindi na niya kinuha yung mga gamit niya dito, edi sana sinabi niya sa 'kin mismo na babalik siya. Pero wala eh, kinuha na niya lahat ng gamit niya dito, ipinagkatiwala na niya sa akin yung bahay, hindi niya sinabi sa 'kin kung babalik pa ba talaga siya. Ibig sabihin lang no'n, pagod na siya, sawa na siya, ayaw na niya, hindi na siya babalik." sunod-sunod kong sabi.

Yumuko nalang ako at sinalo ang muka ko gamit ang mga palad ko tsaka ako umiyak ulit. Sumasakit ang dibdib ko kapag naiisip kong iiwan na nga talaga ako ni Jah at hindi na siya babalik. Paano na ako? Paano ako magsisimula? Para akong pusa na iwinala at naliligaw sa kung saan.

"Masyado kang nag o-overthink." ani CJ sa malambot na boses habang hinahaplos ang likod ko. "Of course he's tired, he needs rest to regain energy to fight again. Pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi na siya babalik. Siguradong nasaktan siya ng sobra kaya gusto niya munang lumayo sa sakit kasi hindi na niya kayang tiisin. But I believe that he'll come back for you. Hinintay ka nga niya ng ilang taon eh." pangungumbinsi niya sa 'kin.

"Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako masaktan."

"That's a big no."

Inirapan ko nalang siya. "Ewan ko sa'yo."

Sumandal nalang ako sa sofa tsaka ko pinakalma ang sarili ko, wala na akong tigil sa pag iyak simula pa nung nakaraang linggo, kailangan kong ipahinga ang mga mata ko.

"Pero seryoso, babalik 'yon." wika niya pagkatapos ng ilang minuto naming pananahimik.

I sighed. "Hindi ko alam..." bulong ko.

He also sighed. "I'm sorry, I couldn't do anything about it. Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung sa paanong paraan." he looked at me then forced a smile. "Nasasaktan at naguiguilty ako dahil alam ko na isa ako sa mga dahilan kung bakit ka nasasaktan ngayon, nasasaktan ako para sa'yo, nasasaktan ako kasi nasasaktan ka. Pero ako din naman ang dahilan kung bakit ka nasasaktan...

"I wanted to apologize sincerely, for everything I did, I'm so sorry. Alam ko na hindi ka pa handang patawarin ako pero maghihintay ako. Hindi kita pipiliting patawarin agad ako. At hindi rin ako magsasawang humingi ng tawad sa'yo." puno ng sinseridad niyang sabi.

After Departure • SB19 Justin [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon